Wakas
Lucas Eliezer's Point Of View :
"Manang, akyat na po ako sa kwarto."
"Ha? Bakit?"
"Nand'yan na po yata ang mga kaibigan ni Marco."
Naagaw no'n ang atensyon ko. Napatingin ako sa batang babaeng umaakyat na sa hagdan ng kanilang mansiyon. Nasa labas ako ng mansyon nina Marco ngunit nakita ko parin sa loob ang batang babae na nakilala ko noon sa kubo ng kanilang hacienda. Hindi ko alam ang kaniyang pangalan, kilala ko lang siya sa mukha.
"Sino bang tinitignan mo d'yan, Cap?" napalingon ako kay Jaxson nang bigla na lang siyang sumulpot sa tabi ko.
Tumingin siya sa tinitignan ko kanina. Kumunot ang noo niya ng wala siyang nakitang kakaiba. Napatingin ulit ako sa loob ng mansiyon. Wala na do'n ang batang babae. Marahil ay nakaakyat na sa taas at nakapasok na sa kaniyang kwarto.
"Wala," tanging sagot ko kay Jaxson.
Grade 10 kami no'ng muli kong nakita ang pinsan ni Marco. Naglalakad kaming lima sa hallway ng school nang bigla kaming nilapitan ni Zia. Napahinto ako nang ibinigay niya ang pagkaing dala niya sa akin. Pinabibigay daw ni Tita Maine, ang mama niya. Sina Marco naman ay patuloy lang sa paglalakad habang kinakausap ako ni Zia na hindi ko na nasundan pa. Bigla kong naramdaman na parang may nakatingin sa akin kaya inikot ko ang paningin sa buong hallway.
Nang dumapo ang tingin ko sa pintuan ng isang classroom ay do'n ko na nakita ang dalawang pares ng kaniyang mata. Umiwas agad siya ng tingin sa akin nang magtama ang aming paningin.
"Lucas, kanina pa tayo tinatawag nina Marco. Sumunod na raw tayo sa kanila," rinig kong bulong ni Zia.
Kung hindi lang ako hinila ni Zia ay wala pa sana akong balak na umalis do'n.
Ayokong magtanong kay Marco about sa pinsan niya dahil naghihintay ako sa kaniya na ipakilala ito sa amin. Ngunit lumipas na ang ilang araw ay wala parin akong naririnig mula kay Marco. Nagtataka na nga ako dahil wala siyang sinasabi sa akin tungkol sa babae niyang pinsan.
"Shaniah Ashera!" biglang sigaw ni Marco. Kakatapos lang ng practice namin ngayong araw. Napatingin ako sa mga taong nasa bleachers na isa-isa ng tumatayo para makalabas na sa gymnasium. Nahagip rin ng mata ko ang pinsan ni Marco na nakayuko habang naglalakad palabas kasama ang kaniyang babaeng kaibigan.
"Yumuko pa nga," rinig kong bulong ni Marco. Tuluyan ng nakalabas ng gymnasium ang pinsan niya.
Sa mga sumunod na araw ay medyo naging malapit ako sa pinsan ni Marco. Nalaman ko na rin ang kaniyang pangalan. Her name is Sashe Villamor. Hindi ako sigurado kung 'yon na ba talaga ang full name niya o, may second name pa siya?
Palagi ko siyang nakikita tuwing practice namin sa school. Palagi siyang nasa gymnasium kasama ang kaibigan niya. Palagi ko rin siyang nakikita sa cafeteria kapag lunch time. Palagi kaming nagkikita ngunit minsan lang kaming magka-usap. Ganoon kami hanggang sa nakilala ko na nga siya ng pormal.
Nagpa-practice kami ng basketball ngayon dito sa labas ng mansiyon nina Marco. Mabilis kong ipinasa kay Marco ang bola sa pag-aakalang masasalo niya 'yon ngunit nagkamali ako.
Hindi niya nasalo ang bola. Diretsong lumipad ang bola sa ulo ng kaniyang pinsan na kararating lang galing school. Halos sabay-sabay ang pagsinghap nina Van, Jaxson, at Leo nang matumba si Sashe dahil sa lakas ng impact no'ng bola sa ulo niya.
Akmang lalapit na ako para tulungan siya ngunit dahil yata sa Inis ay agad itong nakabawi. Tumayo si Sashe na parang walang nangyari. Masama niyang nilingon si Marco.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...