Kabanata 35

48 1 0
                                    

'Stay'











Pinunasan ko ang luha sa aking mukha gamit ang likod ng kamay ko. Then, after that ay tumayo na ako at kinuha ang maleta ko. Pumasok ako sa closet para kunin ang aking mga damit. Binuksan ko ang aking maleta na nasa ibabaw ng kama. Isa-isa kong tinupi ang mga damit ko at pagkatapos ay basta ko na lamang na inilagay ang mga 'yon sa loob ng maletang dadalhin ko. Nang maipasok ko na ang lahat ay mabilis ko iyong isinara.






Kinuha ko ang slingbag na nasa ibabaw ng sidetable. Inilagay ko ro'n ang mga mahahalagang bagay na dadalhin ko. Nang maayos ko na ang lahat ay padabog kong binuksan ang pinto. Nakasabit sa balikat ko ang aking slingbag habang hila-hila ko naman ang maleta.





Pagkababa ko sa sala ay bumungad sa akin ang tatlo. Si Manang, Ninya, at Alejandro.




"Sa'n ka pupunta?" tanong ni Manang. Bakas sa kaniyang tono ang pag-aalala.



"Babalik na po ako sa Manila," tanging sagot ko. Agad ko silang tinalikuran at diretsong lumabas ng Mansion.



Ramdam kong nakasunod sila sa akin ngunit hindi ko na sila pinansin pa.





"Gabi na, hija. Bukas ka na lang bumyahe. Delikado sa daan," mahinahong saad ni Alejandro.



Dire-diretso lang akong nag lakad patungo sa Garahe.





"Señorita, huwag na po kayong umalis," naiiyak na sabi ni Ninya.





"Shaniah!" sigaw ni Manang. Halatang nawawalan na ng pasensiya sa akin. Nang nakalapit na ako sa kotse ko ay agad kong binuksan ang backseat at do'n ko ipinasok ang mga gamit na aking dadalhin. Pagkatapos ay hinarap ko silang tatlo.







"Wala namang sinabi ang mga magulang mo na uuwi ka sa Manila," mariing dugtong na sabi ni Manang.





"Biglaan lang po," maikling sagot ko. "Kayo na po ang bahala sa mansiyon. Alis na po ako," paalam ko.





Agad akong pumasok sa loob ng Mercedes-Benz. Rinig kong may sinasabi pa sila ngunit wala na akong pakialam. Gusto ko ng umalis.






Pinaharurot ko ang sasakyan patungo sa nakabukas na Gate. Hindi pa man ako nakakalabas ng tuluyan ay biglang may humarang na tao sa dadaanan ko kaya bigla akong napa-preno. Dahil hindi ako naka pag-seat belt ay nauntog ang ulo ko sa manibela.









"Sh*t," inangat ko ang aking tingin sa unahan ngunit wala ng tao do'n. Nabigla na lamang ako ng biglang bumukas ang pinto ng kotse ko.






Nakita ko si Lucas na galit na galit ang tingin sa akin. Hindi ko pa napo-proseso ang lahat na nangyari ay bigla niya akong hinila palabas sa kotse.







"Bakit ka aalis?" he asked in a cold tone.




Bakit siya nandito? Akala ko ba three days siya sa Manila kaya bakit siya nandito? Dapat bukas pa ang uwi niya.





Tapos na ba niyang asikasuhin ang mga dapat na asikasuhin para sa kasal nila ni Amelia? Iniisip ko pa nga lang na ikakasal siya sa iba ay parang dinudurog na ang aking puso dahil sa sakit. Paano pa kaya kapag dumating na ang oras na kinakasal na sila?







Dahil sa inis at galit ko sa kaniya ay malakas ko siyang sinampal. Parang inaasahan na niya na mangyayari iyon dahil mabilis niyang inangat muli ang tingin sa akin. Hindi niya man lang ininda ang sakit.






The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon