Kabanata 6

49 1 0
                                    

'Intrams 2-(The Basketball)'










Napatayo ako nang makita ko si Jayrenne na lumabas ng room namin. Doon kasi ginanap 'yong laro nila. Pangalawang araw na ng Intrams kaya sports naman ang focus ngayon. Nagsilabasan narin ang mga estudyanteng kasali rin sa larong chess. Binalewala ko 'yon at lumapit kay Jayrenne na halos mapunit na ang labi sa kangingiti.




"Ngiti-ngiti mo dyan? Nanalo ka ba?" tanong ko.





"Ahhhhhhhh!" masayang sigaw niya kung kaya't napabaling ang tingin ng mga estudyanteng naroon sa amin. "Panalo ako!Champion ang section natin!" dugtong niya na ikinagulat ko.





"Seryoso? Congrats bestie!" masayang bati ko sa kaniya.





Saglit siyang napatigil at inilibot ang paningin. Kumunot ang kaniyang noo bago bumaling ulit ng tingin sa akin.





"Bakit?" nagtataka kong tanong sa kaniya.



"Si Jairus Ariel? Bakit wala siya?" tanong niya.





"Ay! Oo nga pala! Sinundo kita dito dahil nagsisimula na ang laro nila. Kalaban nila ngayon ang team nina Marco," paliwanag ko.





"Team nina Marco?" nanlaki ang kaniyang mata dahil sa gulat. Tumango ako bilang sagot. "Ano pang hinihintay natin? Tara na!" nagmamadali siyang maglakad patungong gymnasium habang hila ako.






"Miss mo na?" Bigla niyang tanong sa kalagitnaan ng aming paglalakad. What the heck? Saan niya nakukuha ang mga tanong na iyan? Bakit niya naisipang itanong iyan? No way!





"Hindi," sagot ko. "Baka ikaw," pag-iiba ko sa usapan. Ngunit imbes na malipat ang usapan ay mas lalo lang lumaki ang kaniyang pag-ngisi.





"Ikaw!" Turo niya sa akin na parang hindi maka-paniwala. Seryoso? Anong problema nito? "Halatang halata ka! I smell something fishy," she said. Pero hindi ko talaga siya ma-gets.





"What?" Kunot-noong tanong ko.





"Wala akong sinabing pangalan. Sino 'yang sinasabi at tinutukoy mo?" Nanghihinalang tanong niya. Then, na-realized ko 'yong naisagot ko kanina.






"Mali ang iniisip mo. Ang tinutukoy ko ay si Marco. Hindi ko na mi-miss si Marco," depensa ko at mariing sinabi ang huling kataga.





"Hindi si Lucas?" Nakangisi niyang tanong.



"Of course not!" Kahit anong sabihin niya wala siyang mapapala sa akin.




"E, bakit no'ng isang araw nakita ko 'yong pangalan niya sa notebook mo. Anong ibig sabihin no'n?" tanong niya. Seriously.? Hindi ba ito mauubusan ng tanong?




"Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko. Siguro namumutla na ako dahil sa kabang nararamdaman.






"Sige, mag-deny ka pa. Deny pa... Na halata namang may gusto ka kay Lucas," she said. Hindi agad ako nakapagsalita. Dahil iniisip kong...masyado ba talaga akong halata. Nahahalata na ba ako ni Lucas?




"Oh my gosh! Don't tell me, may gusto ka talaga kay Lucas?" Mahinang bulong niya at parang hindi makapaniwala. "Hoy! Ano na? Magsalita ka naman," dugtong niya.

"Hindi ko alam," naisagot ko sa kaniya. Hindi ko rin talaga kasi alam ang sagot. Ilang araw narin kasi itong bumabagabag sa isip ko. Palagi ko ring tinatanong ang aking sarili kung ano ba itong nararamdaman ko. Nag simula lang ito nung naisulat ko ang pangalan niya sa test paper ko. Hindi kami close ni Lucas at hindi rin kami nagpapansinan. Pa'no na develop itong nararamdaman ko kung minsan ko lang siyang makita? Kapag nag-confess naman ako ay parang hindi kapani-paniwala. Wait,ako magco-confess? No freaking way! Hindi magandang idea iyon.





The Unstoppable Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon