'Childhood friend'
Saktong alas-cuatro ay nagising ako. Kinusot-kusot ko ang mata ko bago iminulat 'yon.
Napatingin ako sa ceiling ng kwarto ko. Ipinabuhat siguro ako ni Manang kay Alejandro patungo rito dahil sa pagkaka-alala ko ay nasa sala pa ako kagabi bago nawalan ng malay.
Naramdaman ko ang sakit sa buong katawan ko ng bumangon ako. Dahan-dahan akong tumayo at pinasadahan ng tingin ang aking suot na pajama at sando. Naalala kong binihisan rin nga pala ako ni Manang kagabi.
At naalala ko rin ang babaeng nag-ngangalang Amelia. Sino ba siya? At ano siya ni Lucas?
Gulong gulo ang aking isipan nang maligo hanggang sa makapag-bihis ako. Blinower ko ang aking buhok at nang matuyo ay itinali ko iyon. Balak kong mag-jogging naman ngayon. Napatingin ako sa kamay kong may konting gasgas pa dahil sa nangyari kahapon. Nilagyan ko 'yon ng band-aid, pagkatapos ay pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin.
I was wearing a black sports bra partnered with black leggings and sneakers. Nang matapos ako sa pag-aayos ay tinignan ko ang orasan. It's already 5:10 in the morning.
Bumaba na ako sa sala na ang tanging dala ay panyo. Nakita ko si Ninya na nagwawalis do'n.
"Magandang umaga, Señorita," bati niya sa akin.
"Good morning din," I smiled. "Si Manang?"tanong ko.
"Nasa kusina po." tumango lang ako bago nagtungo sa kinaroroonan ni Manang.
Hindi pa ako nakakapasok ay lumabas na siya sa kitchen.
"Susmaryosep kang bata ka! Bakit gan'yan ang iyong suot?" tanong niya at diretsong lumapit sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "At saan ka pupunta?"
"Mag-jojogging po ako at ganito po talaga ang sinusuot kapag gano'n," sagot ko.
"Kaya mo na ba? Wala na bang masakit sayo?" nag-aalalang tanong niya.
"Kaya ko po. 'Tsaka, okay na po ako. Huwag po kayong mag-alala."
"Okay lang ba na gan'yan ang iyong suot. Baka naman mabastos ka."
"Okay lang po.'Tsaka, sa hacienda lang naman po ako mag-jojogging," I said.
"O siya, sige na. Mag jogging ka na at huwag kang masyadong lumayo."
I nodded.
Lumabas na ako sa likod ng mansyon. Masyado pang maaga kaya wala pa ang mga tauhan ni Lucas.
Hindi ko pinansin ang kuwadra namin. Diretso lang akong pumunta sa gate na dadaanan ko patungo sa Hacienda. Binuksan ko 'yon at nag simula ng mag jogging. Balak kong mag jogging mula sa mansyon namin hanggang sa pinakadulo ng hacienda namin kung nasaan ang kubo.
Habang nag-jojogging ay naalala ko bigla ang babaeng 'yon. Sino ba talaga ang babaeng 'yon? At bakit dumidikit siya kay Lucas? Ang alam ko lang sa kaniya ay ang pangalan niya na hindi naman kagandahan. Amelia? Tss.
Mas maganda naman ako do'n. Mas mabait pa ako do'n.
Nang makarating ako sa pinakadulo ay agad akong nag-jogging pabalik sa mansyon. Saglit akong tumigil nang nasa kalagitnaan na ako ng aming hacienda.
BINABASA MO ANG
The Unstoppable Love
RomanceYung ang layo niyo na nga sa isa't isa pero pinipilit mo paring mapalapit sakanya. Yung alam mong mahirap siya pero nagawa mo pang makipagkaibigan sakan'ya. Hindi naman sa bawal pero bakit siya pa? Yung alam mong tatlong taon ang tanda niya sayo per...