WAVES OF DOUBTS

6.4K 145 13
                                    

Hindi na mapipigil pa si Marj na gumawa ng mga bagay para magkasira at magkagulo ang mag-asawang Zeigan at Alix. Likas na talaga sa babaeng ito ang magpasaway lalo at di nya makuha ang bagay na ginugusto.

"So Jacob what's next? Knowing Zeigan malamang nyan sinasapok ka na sa isip nya , pinadalhan mo ba naman ng kape ang asawa nyang mahal. Ano ba talagang plano mo pa?" tanong ni Marj

"Mainipin ka masyado, just go with the flow. Kaya ka laging bulilyaso eh gusto mo agad-agad. Better to be slow but sure atleast laging maganda ang end product ko di ba?"

"Ah ganoon, waiting ako habang tuloy ka sa pagapang sa Alix na yun. Matanong nga kita, type mo si Alix noh? Kilala kita Jacob kaya di ka makakapag-sinungaling sa akin."

Ngumiti si Jacob kay Marj na parang kinikilig saka nagsalita ulit. "Well mas gumanda pa sya ngayon, mas naging sexy nung nagkalaman at mas lumakas ang sex appeal. Di ko malapitan yan dati eh gwardyado nung handler nya saka mailap kaya mas lalong nakaka-challenge."

"Ah dati mo pa palang type si Alix, bakit di mo pinormahan magkasama naman kayo sa modelling? Na-torpe ka ganoon?"

"Nope, mahirap lang pasukan ayoko ng complications, alam mo na bakit ko naman pahihirapan ang sarili ko kung may makukuha naman akong mas madali."

"So ngayon mas madali mo ng makuha si Alix kaya ka pumayag na tulungan ako? Yun ba yun?"

"You're my friend kaya kita tinutulungan, bonus na lang na si Alix pala ang subject ko so it's more on hiting two birds with one stone. Natutulungan na kita may Alix pa akong premyo pag nagkataon."

"Sa tingin mo naman mababaling sa'yo ang atensyon ni Alix at iiwan si Zeigan?"

"Kaya dapat galingan mo ang strategy mo kay Zeigan, yun naman ang gusto mo di ba, yung bumalik yung ex mo. Pano nga pala si JM, halang ang kaluluwa nung gagong yun...kayo pa ba?"

"I need JM for now, he gives me everything that I need. Mas pa kung tutuusin but Zeigan is different."

"Di kaya ego lang yan, you know?"

"Gusto ko lang ipamukha kay Zeigan that he cannot replace me sa isang second hand na babae lang. Saka iba ako pagkasama ko si Zeigan, he keeps me on the ground, respetado at ginagalang ang pamilya nya. Yun ang kailangan ko sa buhay ko, alam mo namang patapon si JM at di marunong magseryoso."

"So past time mo lang pala si JM, kakalas ka once na bumalik na si Zeigan? Baka magka-problema ka lang Marj, you're playing a dangerous game."

"Ako na ang bahala dyan, just do what you have to do. Once nakita ni Zeigan na kaladkarin ang asawa nya aayawan nya yun, at doon ako papasok with my both arms open, ready to accept him anytime."

"We'll see then....I have to go may client pa ako today. You know in my new office with my sexy neighbor."  sabay kindat pa ni Jacob kay Marj habang papalayo ito sa kausap. 

......Sa boutique ni Alix naman ay busy ang lahat, since nagkasagutan sila ng asawa sa kotse three days ago ay malamig ang pakikitungo nito sa asawa. Malakas ang kutob nyang may itinatago ito sa kanya. Maaga din syang umaalis ng bahay at mas nagbababad sa boutique. Timing naman na maraming nagpapa-design ng damit kaya nauubos ang oras nya sa maghapon. 

"Mam Alix may deliver po."  si Nancy isa sa staff ng boutique, may dala itong isang balumbon ng mga bulaklak habang papalapit sa kanya

Tiningnan nya ang card na nakaipit sa mga bulaklak at ang tanging nakita ay ang drawing ng smiley dito.  "Asan yung nag deliver?"

"Nakaalis na po Mam..."

"Lagay mo na lang sa vase tapos ilabas mo sa may reception area..."  utos ni Alix kay Nancy

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon