LIFELINE

8.9K 175 8
                                    

Nakaka-tatlong araw na ang fever ni Mandy, tatlong araw na din sa hospital ng mga Montero na naka-confine ang bata. Magmula ng dumating si Mandy at ang yaya nitong si Roma galing sa pagpapa-araw sa park ay matamlay na ito mula noon. Halos ayaw nitong kumain at bihira mag-salita. Malungkot din ang mga mata na akala mo laging gustong umiyak. Kinabukasan nga galing sa park ay nilagnat na ito nung madaling araw na yun kaya isinugod na agad ni Alix sa Montero Medical Center. Nagtataka din si doc Elsie dahil maganda naman ang response ng katawan ng bata sa chemotheraphy nya.

Ang isa pang misteryo ay ang ugali ngayon ni Mandy, bago pa magpahatid sila Alix sa hospital ay tinawagan na ni Alix si Zeigan para makasunod ang ama kaagad at ma-inform si James na papunta sila doon. That day sa hospital ayaw magpahawak ng bata sa ama, ayaw nyang lalapit si Zeigan, ni sulyap ay di nito binibigyan ang ama. Kung nasaan naka-pwesto si Zeigan ay taliwas naman naka-banda ang paningin ng bata. Kahit anong tanong ng ama o paghingi ng lambing ay di pinagbibigyan ni Mandy. Hindi ito nagsasalita o sumasali sa usapan kapag nasa kwarto nya ang daddy nya. Nagtataka ang lahat sa ina-asal nito gayong hindi ito ganito whenever Zeigan is around, Mandy is naturally sweet towards Zeigan. Nagseselos pa nga minsan si Alix sa dalawa dahil may kakaibang mundo sila pag magkasama. Why sudden change, everybody is asking why Mandy is acting like this towards his dad.

Nakadalaw na ang buong pamilya ng Montero sa bata. Hindi nga lang ganoon kasigla ito pero kinakausap ang lahat ng bumibisita sa kanya maliban sa daddy nya. Nasasaktan na si Zeigan sa nakikitang pagbabago sa anak at the same time ay nag-aalala ito.

"Love may alam ka ba why Mandy's mad at me?" bulong ni Zeigan kay Alix

"Yan din sana ang itatanong ko sa'yo...I ask her once tinalikuran ako at natulog. Kaya di ko na inulit nung nagising sya. Ask ko na lang ulit pag medyo okey na sya. Pati nga si mama nagtataka din. Sorry Zeig ha di ko alam anong nangyayare sa batang yan eh."

"Don't apologize di mo naman yun kasalan, nag-aalala lang ako. Nami-miss ko na pag naglalambing sya sa akin, I miss her calling me daddy...love." halata ang lungkot sa boses ng binata, yakap na lang ni Alix ang nagpapagaan ng loob nya. Nakaupo si Zeigan sa may hospital bed habang nakatayo sa pagitan ng mga hita nya ang dalaga, magkayakap nilang inaalo ang isat-isa sa pagkakasakit ng anak at pagbabago ng ugali nito para sa ama. Sa ganitong tagpo sila naabutan ni Alice kaya patay malisya silang naghiwalay.

"Huwag nyo ng itago ang kung ano man ang meron kayong dalawa. Naiintindihan ko at hindi ako ipinanganak kahapon lang. Kahit wala kayong sinasabi o inaamin matagal ko ng alam kung anong meron kayo." nakangiti naman si Alice habang kinakastigo ang dalawa

"Ma..." walang maidugtong si Alix na salitang isasagot para sa ina.

Si Zeigan na ang sumalo at nagpaliwanag sa byenan "Ma, pasensya na po, di naman namin itatago, di lang nakakuha ng timing. Di ko pa po kasi nahihingi ang permiso ng anak nyo kung pwede ko ng sabihin sa inyo at sa family ko. Ayoko namang pag-awayan namin kung magsasalita ako agad. Tapos eto nagkasakit naman si Mandy."

"Naku Zeigan pag si Alix ang hinintay mong magsalita aamagin na yung balita di mo pa malalaman. Sobrang malihim ang batang yan, kaya nga di ko na sya tinanong nang tungkol sa inyong dalawa."

"Sorry Ma, pag may gusto kayong itanong sa akin na lang. Tawagan nyo ako sa telepono o kahit papuntahin nyo ako sa condo unit anytime sasagot po ako."

"Salamat, basta isa lang ang hiling ko sa'yo Zeigan, parang anak na din kita bukod sa ama ka ng apo ko at ngayon naman iyang tungkol sa inyo ni Alix kaya ipangako mo sa akin na aalagaan at mamahalin ang mag-ina mo. Kung sakaling magbago ang damdamin mo alin man sa kanilang dalawa isoli mo nalang sila sa akin. Hindi ako magtatanong at wala ka ding maririnig sa akin kahit anong masakit na salita. Basta kung kaya mong maiwasan pilitin mong wag silang saktan dahil hindi nila deserve pareho yun. Mangako ka Zeigan dahil ipinagkakatiwala ko silang dalawa sa'yo mula ngayon...." sabi ng mama ni Alix

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon