CHASING ALIX

7.1K 148 4
                                    

Full force ang pamilya Montero sa pagliligtas kay Alix. Pati si Gen Alberto ay lumuwas ng Subic para pangunahan ang pag-rescue sa asawa ng inaanak.  Amiga ng kanyang Mama ang asawa ng heneral at malapit na magkaibigan ang pamilya nila kaya ganoon na lang ang malasakit sa mga Montero ng butihing heneral. 

Lumapit agad si Zeigan kay Gen. Alberto ng makita nya ito.  "Ninong, thank you sa tulong..." 

"Zeigan papayagan kong  sumama kayo sa operation pero hindi pwedeng paiiralin mo ang pagiging emosyonal dito. Kung gusto  mong mailigtas natin ng buhay ang misis mo susunod ka sa lahat ng instructions ko. Nagkakaintindihan ba tayo?"   pakiusap ni Gen. Alberto

"Copy Ninong...."

"Sumama kayo sa briefing magkakapatid para coordinated ang lahat ng galaw."  utos ng ninong ni Zeigan

Nandito na din si Mayor Jonas para naman sa kapulisan ng Subic, malaking tulong na kapatid ni Josef ang mayor ng lugar. Sinigurado na din nila na may barikada ang lahat ng checkpoint palabas at papasok ng Subic. Wala silang lulusutan sakaling magtangka silang tumakas. 

Bakas sa mukha ni Zeigan ang pag-aalala sa gagawing pag-rescue sa asawa, nakadadagdag pa sa itsura nito ang walang tulog at sobrang stress sa pagkawala ni Alix. Halatang inip na rin habang nakikinig sa isinasagawang briefing bago tumuloy sa lugar na itinuturo ng GPS. Gustuhin man nyang tawagan ang telepono ni Alix para marinig man lang ang boses nito ay pinipiit nya ang sarili. May point si Inigo sa sinabi nito, baka ikapahamak ni Alix kung tatawagan nya at may makapansin ng telepono nito. Kung sakali naman na hindi si Alix ang may hawak ng telepono at isa lamang patibong kaya nila binuksan ang GPS ay wala syang maisip na gagawin kung magka-ganoon. Basta sinisiguro nya sa sariling magbabayad ang kumidnap sa asawa nya, si Marj at lahat ng mga kasabwat nya. 

Kinausap nya ang ama bago pa man nagbukas ang GPS ng telepono ng asawa. Pina-surveillance nila ang lugar ni JM para makatiyak sila kung tinutulungan nito si Marj. Sa dami ng mga lugar na tinutuluyan at tinatambayan ng binata ay mas nagpapahirap para ma-locate ito. Naniniwala si Zeigan na hindi ito magagawang mag-isa ni Marj not unless may buma-back-up dito na isang malakas na tao. Si JM lang ang naiisip nyang kakampi at gagawa ng ganito para kay Marj kaya malakas ang kutob nyang magka-sabwat ang dalawa. 

Pagkatapos ng briefing ay kanya-kanya ng nagsi-sakayan ang mga pulis at security team sa mga sasakyan. Wala halos takot o kaba man lang na nararamdaman si Zeigan para sa sarili. Ang gusto nya lang sa ngayon ay matagpuan ang asawa at sana ay hindi pa huli para mailigtas ito. Kakaunting pag-asa man ang makitang nagbukas ang celfone at gumana ang GPS pero yun na lang sa ngayon ang pwede nyang panghawakan para maitawid ang sitwasyon na meron sila sa ngayon.

Pinapangako nya sa sarili na magbabayad ang may gawa nito sa kanila. Hindi sya titigil at wala syang ibibigay kahit konting awa sa mga taong naglagay sa kapahamak sa mahal nyang asawa. Sa tanang buhay nya ay ngayon lang sya nakaramdam ng ganitong klaseng pagka-inip. Mabilis naman ang takbo ng mga sasakyang sunod-sunod ng pag-andar pero para bang mas gusto nyang kuhain na lang ang manibela kay Rizal at paharurutin ang sasakyang minamaneho.

"Bro okey ka lang?"  tanong ni James

"Wag ka masyadong mag-isip, focus lang sa sinabi ng ninong mo kasama lang tayo pero di tayo kasali sa rescue."  si Inigo

"OO nga bro back-up lang tayo....patay tayo kay General Alberto pag-nangealam tayo."  si Dale

"Bahala na pero ayokong mangako, pagnag-kagipitan at may pagkakataon kahit delikado gagalaw ako. Hindi ako papayag na di ko mababawi si Alix."

"Zeigan stick to the rules, baka imbes na mailigtas natin ang asawa mo magka-problema pa kung makiki-alam tayo."  si Inigo

"T@ng-ina Inigo kung ikaw nasa kalagayaan ko mapapanatag ka? Di ka ba gagawa ng paraan para makuha si Thalia?"

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon