VERDICT

10K 221 16
                                    

After four days staying in Macau with her friends ay deretso na from the airport si Marj sa condominium unit ng kasintahan, she miss her man so much, hinahanap-hanap ng katawan nya ang init at amoy ni Zeigan. Nakababad sya sa bathtub at kataon naman na dumating ang binata galing opisina. Ano pa nga ba ang pwedeng mangyare sa ganoong tagpo hindi na kailangan pa ng kung ano-ano pang seremonyas. Kabisado nila ang galaw ng isat-isa. Ganoon naman talaga ang relasyon nila....it's all about sex and peformance. Kaylangan ding maka-bwelo ni Zeigan para sa ipagtatapat sa kasintahan.

Bago pa man dumating si Marj galing Macau ay nakapagpasya na ni Zeig na sabihin sa dalaga ang kasalukuyang sitwasyon na meron sya. Mas mabuti ng sa kanya na manggaling ang balita kesa sa iba pa malaman ni Marj ang sitwasyon nya sa ngayon. Matapos nyang makausap ang private investigator na ni-recommend ni Inigo ay duda syang matatapos ang paghahanap kay Alix ng ilang araw lang. Wala syang kongkretong detalye na hawak tungkol sa babae na mas lalong nagpapahirap sa paghahanap dito. Wala pa din namang balita na galing sa kaibigang si Josef pero nagtatanong-tanong na din daw ang asawa nito sa mga dating kasamahang modelo.

"I have a situation right now. I want you to keep calm because I'm trying all I can para maayos ko 'to..." pag-uumpisa ni Zeigan habang kumakain sila ng hapunan ni Marj

"Why is it I have a feeling na kaylangan akong kabahan?"

"There's nothing to worry about I promise, aayusin ko 'to." paniniguro ni Zeig

"What is it? Ayoko ng maraming palabok."

"I'm married to someone I don't know...." di pa natatapos ni Zeigan ang sasabihin na batuhin sya ng kutsara ni Marj at bigla syang singhalan ng babae

"What the f*ck? Are you kidding me...???"

"I'm sorry, I'm sorry, hindi ko alam...." sabay yakap sa dalaga na nagpupumiglas sa hawak nya, kinalmot pa sya nito sa mukha at katawan sa sobrang galit sa kanya.

Sa pagitan ng pagmumura at mga pagbabanta ni Marj kay Zeigan ay isinalaysay nya ang nangyare sa Subic four years ago. Di man makapaniwala ang kasintahan sa kwento ay kumalma na din ito.

"So what will happen now? Pano tayo?" si Marj

"I'm doing all I can para mahanap si Aliya, pinapahanap ko na sya sa kinuha kong private investigator, then I can file for the nullity of our marriage. Mayor Jonas will help, He's testimony is a strong ground para ma-annul ang kasal namin."

"And for the meantime anong gusto mong gawin ko, maghintay? That's not fair...." si Marj

Nilapitan at niyakap ni Zeig ang kasintahan para mapaamo ito "I know and I'm so sorry. Ginagawa ko na ang lahat para maayos 'to. Don't worry matutuloy pa din ang kasal natin, ma-delay man pero matutuloy pa din." sabay halik sa nag-aalburotong babae

"How can you be so stupid doing that Zeig...." halatang nagtatampo pa din si Marj kay Zeig

Just the same Marj spend the night sa place ng kasintahan. Walang pagod at walang sawang nagsalo sa katawan ng bawat isa. Kung kama at sex din lang ang pag-uusapan ay magkatugma sila ng kasintahan, magka-level ang init at pagnanasa nila sa isat-isa at isa ito sa batayan ni Zeig ng alukin nya ng kasal ang babae. Tumayo sya mula sa kama at kumuha ng maiinom alak sa mini bar ng condo, sumunod naman si Marj na naglakad ng halos walang saplot at umabot ng isang basong tubig kasabay ng isang tableta.

"What's that for?" tanong ni Zeig

"You're not using protection so I have to take contraceptives..."

"Hindi mo pa pala itinitigil ang pag-gamit nyan?" may diin sa boses ni Zeigan

"Why? I just realize now na tama ang desisyon ko na hindi ito itigil. You are married to someone. Anong gusto mo mabuntis ako habang kasal ka sa iba? That will never happen Zeigan. Not a chance...."

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon