BORDERLINE

9.1K 194 7
                                    


Kasalukuyang busy si Alix sa paglalagay ng butones ng gown na ginagawa ng biglang tumunog ang celfone nito.  "Oh Ma, bakit po?"

"Anak parang di bumababa ang lagnat ni Mandy. Tama naman sa oras ang painom ko ng gamot nya." 

"Ma subukan mong bigyan sya ng spongebath baka makatulong. Tatapusin ko lang itong gingawa ko tapos uuwe na ako."  

Pagkatapos ng maikling pag-uusap nila ng ina sa fone ay itinuloy na ni Alix ang ginagawa. Dalawang taon pa lang mahigit sila dito sa Baguio City, mas ginusto nilang dito mamalagi  ng kanyang Mama. Pinili nilang di na bumalik sa probinsya at lumayo sa lahat ng nakakakilala sa kanila sa lugar na pinagmulan. Gusto nilang magsimula ng bagong buhay, malayo sa mga mapanuring mata ng kanilang mga kamag-anak. Sawa na silang mahusgahan ng mga tao, kaya ng ipagbuntis nya si Mandy ay nagpasya sila ng Mama nya na mamuhay ng tahimik  sa lugar na walang nakakakilala sa kanila. Ayaw nyang pati  ang anak nyang si Mandy ay mabiktima din ng pangmamaliit ng mga tao. Kaya mas minabuti nilang lumayo at mag-simula ng buhay sa ibang lugar. 

Sa ngayon ay may mga tumatangkilik na sa kanyang botique, may nagsasadya na dito para magpa-design at magpagawa ng gown na kailangan nila para sa okasyon. Madalas pa nga ay buong entourage ng kasal o ng debut ang kumukuha sa kanya. Unti-unti ay nakikilala ang mga gawa nya sa buong city ng Baguio. Dinadayo na din sya kahit ang karatig probinsya lang, lumuluwas paakyat para makita at magpagawa sa  kanya. Napakinabangan nya ang tinapos na kurso at ang hilig sa pagdidisenyo. 

Ng mamatay ang kanyang ama ay may iniwan itong trust fund para sa kanya. Kahit hindi nya nakasama at nakilala ito ay may inilaan pa din para sa kanya. Ayaw nya sanang tanggapin ang pera pero mapilit ang mga lolo at lola nya. Doon man lang daw ay makabawi ang Papa nya sa pag-abandona sa kanilang mag-ina. Hindi kahit kailanman magagamot ng pera ang sugat na iniwan ng ama nya sa puso at isip nya  pero sinusubukan pa rin nya hangang sa ngayon na mapatawad sila sa ginawa sa kanilang mag-ina. 

Parte ng perang minana nya sa ama ay ginamit nyang puhunan para maumpisahan ang kanyang botique, ginamit naman nilang pambili ng bahay  dito sa Baguio ang napagbentahan ng bahay at lupa nila sa probinsya.  Tutal ay wala nanaman silang balak bumalik doon.

Sa pagmu-muni-muni ni Alix habang nagkakabit ng butones at biglang tumunog ulit ang celfone   "Oh Ma____" hindi na sya nakasalita dahil humahangos ang boses ng ina sa kabilang linya

"Anak umuwi ka dalian mo, si Mandy biglang dumugo ang ilong."  

Hindi na nya nasagot ang ina at dali-daling kinuha ang bag at susi ng kotse at humaharabas na pinatakbo ng sasakyan pauwe sa bahay nila. 

Naawa syang pagmasdan ang maliit na kamay ng anak na may nakatusko na swero. Palahaw ng iyak si Mandy kanina at halos sabay ang tulo ng luha nilang mag-ina. Nakatulog na lamang ito sa kanyang balikat at ayaw magpababa sa kama ng ospital. Di sila pinauwe ni Doc Alvarez and pediatrician ng bata para mas masuri pa ito ng maayos. 

"Magpahinga ka na muna, ako na ang magbabanty kay Mandy."  sabi ng Mama nya

"Kayo po ang magpahinga, okey lang po ako."

"Huwag ka masyadong mag-alala, Di tayo pababayaan ng Diyos anak, pray lang tayo."  sabay yakap ng kanyang ina sa kanya. 

Ayaw nyang mag-isip ng mga negatibong bagay sa ngayon, hindi ito makakatulong sa isip nya. Marami ng dumaan sa kanilang pagsubok ng mama nya, lahat iyon ay nalampasan nila, kaya wala syang dapat ipag-alala basta magkakasama silang tatlo. Dati nga dalawa lang sila ng mama nya pero mas naging makahulugan ang buhay nya ng dumating si Mandy sa kanya. Mandy is like a surprise gift that brings such joy to their life. Dahil kay Mandy ay mas nagpursige pa sya sa buhay, mas nagkaroon sya ng dahilan para lalong paunlarin ang sarili. Di man nya inaasahan ang pagdating ni Mandy sa buhay nya pero ang anak nya ang naging dahilan ng muli nyang pag-ngiti at nagbibigay ng kaligayan sa kanya at sa Mama nya. Si Mandy ang naging kulay sa black and white na painting ng buhay nilang mag-ina.

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon