DOMINO EFFECT

8.9K 158 2
                                    

Hindi alam ni Zeigan kung papaano nya ipapaliwanag kay Alix ang sitwasyon na kinasasangkutan nilang mag-ina. Natatakot syang baka di sila magkaintindihan ni Alix. Hanga't maaari ay iniiwasan nyang sumama ang loob ng asawa sa kanya. Hindi ngayon ang panahon para mag-away o magkatampuhan man lang. Kagabi  ay pinag-isipan na nyang mabuti kung anong magandang salita ang gagamitin para masabi ng malinaw at maayos ang mga gusto sana nyang mangyare para ma-solusyunan kahit pansamantala ang mga nangyayare sa pamilya nila. Sobra syang nag-aalala para sa kaligtasan ng mag-ina nya, kaya kahit ano gagawin nya wag lang malagay sa peliro ang dalawang pinaka-importanteng babae sa buhay nya. 

"We need to talk." pagbubukas nya ng topic kay Alix matapos ang hapunan sa unit ng mag-ina. Inakay nya ang dalaga sa may veranda habang pareho silang may hawak ng mug ng kape. 

"You seems stress, anong problema? Kung ano man yan gusto kong makatulong." 

Tumango si Zeigan atleast willing si Alix na tumulong, ang tanong maki-cooperate pa kaya sya pag nalaman ang buong kwento sa likod ng problemang kinakaharap. "First and foremost you know that your safety is my top priority. Gusto ko lagi kayong safe nila Mama at kung kaya ko lang mabantayan kayo 24/7 gagawin ko. There are things that is way out of my control, all I can do is to fix it and do my best to avoid the worst to happen. I already know kung bakit nagkasakit si Mandy...."

Pinutol ni Alix ang sasabihin sana ni Zeigan...."tungkol nga pala dyan, may gusto din sana akong sabihin sa'yo, may sinabi kasi si doc Elsie. Sabi nya yung pagkakasakit ni Mandy last time was not because sa effect ng chemo. Na-rule out nila that Mandy was stressed medyo depressed din ang bata. Ang problema di nila alam yung dahilan nito. Good thing nung kinausap ka na nya para lang syang nag-dahilan at naging okey na sya ulit." 

Pareho sila ng nasa isip ng doktor ni Mandy hindi iyon dahil sa chemo, ang pakikipagkita ni Marj sa bata at ang mga sinabi nitong mga kasinungalingan ang dahilan kaya nagkasakit ito. Mas naging  mahirap pa yata ang magpaliwanag dahil si Mandy na ang involve. But there's no choice na mapagpipilian sa ngayon. All he has to do is to make sure Alix that he will always be here for them.

"I' m sorry you had to go all through this mess, but it's really out of my hand as much as possible I want to ease all your worries."

"Bakit ka nagso-sorry di mo naman ginusto yung nangyare. And it's just normal na nagkatampuhan kayong mag-ama. Na-fix nanaman and everything is back as it is."

"Yeah things are fine with me and Mandy now pero may mas malaki pa tayong problema. Yung source ng pagka-stressed ni Mandy I know where it came from. Apparently my ex-fiance Marj got a chance to talked to her. Hindi lang yun, gumawa pa sya ng mga kwento tungkol sa aming dalawa. But I assure you that everything is clear between us, matagal na kaming wala bago pa naging tayo. I just don't have any idea kung bakit nya ginagawa ito ngayon." kahit kailan ay di sasabihin ni Zeigan kung anong ipinag-ngingitngit ni Marj. Ayaw nya ng dagdagan pa ang mga pang-iinsulto nito sa asawa nya. 

Ganoon na lang ang laki ng gulat ni Alix sa sinabi ni Zeigan sa kanya "WHAT? Kelan? Saan at paano nya nakausap ang anak ko? Zeigan saan ba nakatira yang babae mo at susugurin ko. Bakit kaylangan si Mandy ang kausapin nya , anong malay ng bata sa ganoon. Ako ang harapin nya at wag na wag nyang idadamay ang anak ko, makakatikim sya sa akin di ko sya uurungan."

Hawak ni Zeigan ang isang braso ni Alix na patayo ng aalis sa tabi nya. "Calm down I made sure na hindi na nya malalapitan pa ulit ang prinsesa ko. Nagdagdag nga pala ako ng mga bodyguards nyo, may far guards din na nasa viscinity. Don't worry hindi sila lalapit sa inyo, nagmamasid lang sila kung nasaan kayo.  Sakaling may magtatangkang mang-gulo o lumapit sa inyo na wala sa listahan ng mga pwede nyong makausap saka lang  kikilos ang far guards. May kasama na nga pala si Ninoy as close-in bodyguard/driver nyo, si Boni."

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon