S P G
Tinotoo ni Zeigan ang plano na nasa isip. Ng malaman ang impormasyon galing sa Mama nya na aakyat si Alix ng Baguio ay tinawagan nya agad si Mama Alice para i-confirm dito ang plano ng dalaga. Agad-agad din syang gumawa ng lakad ng sa ganoon ay may malupit syang idadahilan kay Alix na alam nyang magtataka sa pagsama nya. Dapat sana ay sa isang linggo pa ang meeting ni Zeigan sa isang architect na taga Baguio, sinubukan nyang i-move ang meeting at nag-swak naman sa availability ng kausap. Nag-paalam muna sya kay Mama Alice na sasama sya kay Alix paakyat ng Baguio sa parehong dahilan. Hindi naman sya nagdalawang salita at pinayagan ng biyenan sa pagsama kay Alix. Pakiramdam pa nga ng binata ay natuwa ang ina ng dalaga na may kasama ito sa byahe at may makakasamang matulog sa bahay nila. Kahit papaano ay mapapanatag syang di nag-iisa ang anak.
Naka-ayos na ang mga dadalhin ni Alix sa pag-byahe sa Baguio, nasa loob ng kwarto nya si Mandy at naglalaro ang bata ng bago nanamang laruan galing sa grandma Elena nya. Nagbibilin din ito sa mga gustong pasalubong pagbalik nya ng Manila.
"Alix si Zeigan nasa baba...." si Roma
"Ha bakit? Mandy andyan daw ang daddy mo." sumama na ang bata sa yayang si Roma kasunod si Alix na dala-dala na ang bag pababa ng first floor
As usual kalong na ni Zeigan si Mandy na panay ang halik sa mukha ng ama ng maabutan nya ang dalawa sa baba. "What do you want na pasalubong ni daddy sa'yo? Say it bibilhin ko lahat."
Para talagang may sariling mundo ang mag-ama nya sa tuwing magkasama ito. Nilitanya lahat ni Mandy ang gustong ipabili sa ama, nagtaka syang pareho ang binilin ni Mandy sa ama at ang mga pinapabili din sa kanya. Hinayaan muna nyang mag-usap ang dalawa, mamaya na sya sisingit para makapag-paalam.
"Ayan na pala si mommy, be a good girl okey. Call daddy anytime....i love you princess!" lambing ni Zeigan sa bata
"I love you daddy, take care of mommy!" mahina lang ang pagkasabi ni Mandy pero malinaw ang dinig nya sa sinabi ng bata.
"Of course I will, I promise." sabay halik ng binata sa tungki ng ilong ng anak
Pagkababa ni Zeigan sa anak nila ay saka naman ito nagpaalam sa ina ni Alix sabay kuha ng dala-dalang bag sa kamay ng dalaga. "Ma alis na po kame..."
Nagulat si Alix sa inasta ng binata at mas lalo na sa sinabi nito sa mama nya. "Anong alis na kame? Alam mo ba kung saan ako pupunta?" may inis na sa tanong ng dalaga
"Yes I know, and I'm going with you....may kasalanan ka pa sa akin?" sabi ng binata
Tiningnan ng masama ni Alix si Zeigan sabay tanong dito. "Okey ka lang? Ano naman ang kasalanan ko sa'yo aber? Kung makabintang ka parang may ginawa ako ah, galing mo." nag-umpisa na ang bickering ng dalawa. Ganito sila pag nagtatalo kahit sa maliit na bagay lang. Natutunan na nilang maging komportableng kausap ang isat-isa dahil na din sa anak nilang nag-uugnay sa kanila.
"Basta! Mamaya ka sa akin. Maniningil ako ng atraso mo." si Zeigan ulit
"Atraso ka dyan, ewan ko sa'yo."
Nasa likod na pala nila ang ina ng dalaga at pinakikinggan lang ang bangayan nilang dalawa. "Oh ano ba yan di pa kayo nakaka-alis nagtatalo na kayo.Huwag kayong ganyan ha, mahaba ang byahe pa-Baguio, umayos kayong dalawa."
"What? Sinong may sabing sasama ka?" si Alix
"Si mama, may meeting ako dun bukas kaya sabay na tayong bumiyahe." sabay ngiti ni Zeigan sa byenan
Nagsalita ulit si Alice para matigil na ang pagtatalo ng dalawa "Mas mabuting magsabay na kayo ni Zeigan at ng may kasama ka sa Baguio. Para din hindi ako nag-aalala na mag-isa ka don." may pinalidad sa salita ng kanyang ina
BINABASA MO ANG
ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2
RomanceZeigan Reeve, third child among the Montero siblings. Carefree, casual, cool and wild. Because of his line of work he knows how to mingle with the commoner. At his age he wants to marry so he propose to his girlfriend....Marj. Isa at kalahating taon...