THIN ICE

9.2K 210 7
                                    

ZEIGAN's   POV

Kung tutuusin ay di pa talaga sapat ang mga impormasyon ko na nakuha ni Ruiz. Marami pang kulang na mahahalagang bagay para mabuo ko ito. Kung pagbabasehan ko ang pagkakasunod-sunod ng mga turn of events sa buhay ni Alix ay malabong sa Australia nya na-meet ang ama ni Mandy. Gusto kong makasiguro kung may naka-relasyon ba si Alix kahit sandali lang bago kame nagkakilala noon. 

Naguguluhan na talaga ako sa mga panaginip ko. Para syang isang istoryang unti-unting nabubuo pero mas lalong lumalabo sa kalaunan. Hindi ko alam kung totoo ba itong nangyari noon sa buhay ko o sadyang affected lang ako sa mag-inang iyon. May malaking parte sa isip ko na gustong malaman ang totoo sa likod ng lahat ng ito, ayokong manghula at manatiling tanong na lamang ang lahat. Hindi ako mananahimik na lang at maghihintay na dumating ang mga impormasyon ni Ruiz. Kailangang may gawin din ako lalo na para sa bata. 

Kagabi lang ay nagdesisyon akong umakyat ng Baguio, wala ito sa plano ko pero  parang may humihila sa mga paa ko na pumunta dito. 

"Good morning po!"  ang sabi ko sa babaeng lumabas sa main door ng bahay

"Ano pong kailangan nila?"  sagot ng babae

Nag-abot ako ng calling card para magpakilala na di ako masamang tao "Dito po ba ang bahay ni Miss Alix Alonte?" pagkasabi ko non ay pumasok ang babae sa loob ilang sandali lang ay lumabas itong may kasamang mas may edad na babae kaya nagbigay galang ako

"Magandang umaga naman hijo. Maaari ko bang malaman kung anong pakay mo sa anak ko? Wala kasi sya ngayon dito." 

"Sorry po sa abala mam, kailangan ko po kasing makausap ng personal si Miss Alonte. Hindi po ako masamang tao, importante lang po na magkita kame ng anak nyo. Pwede naman po akong bumalik sa ibang araw."  

"Pasensya ka na hijo ha, mangyari kasi hindi ako sanay na may bumibisita sa bahay namin lalo na lalaki na ang pakay ay ang anak ko. Kaya ako nagtatanong sa'yo."  sabi ng mama ni Alix

"Wala pong kaso yun sa akin mam, marami pong loko sa ngayon. Mabuti na po ang nag-iingat."

"Matanong ko nga sa'yo hijo kung di mo mamasamain, saan at paano ba kayo nagkakilala ng anak ko? Dalawang taon lang kasi kami mahigit na nakatira dito sa Baguio at ngayon lang na may pagkakataon na may bumisita sa bahay namin."

"Actually po mam minsan ko lang po na-meet si Miss Alonte, that was four years ago sa Subic. May photoshoot po sila nung kasamahan nya na model si Mayet sa isang resort. Nagkataon po na yung resort na yun sa kaibigan ko na si Josef na asawa na po ni Mayet ngayon.  Dun po kame nagkakilala, sana lang po natatandaan nya ako."  mahabang paliwanag ko sa mama ni Alix. Sa aking pagkakataon na yun ay binuksan nya ang gate ng bahay at inaya akong pumasok sa loob. Nagtataka man ako sa inasta ng mama nya ay  may pakiramdam akong  isa itong pagkakataon para makapasok ako sa mundo nila. 

"Tuloy, maupo ka, taga-saan ka kamo hijo? Subic nga ba?" 

"Mam hindi po taga-Manila po ako, yung kaibigan kong si Josef ang taga-Subic?"

"Eh bakit ka nasa Subic? Saka hijo, tita Alice na lang ang itawag mo sa akin wag ng mam,  masyadong pormal. Maaari ba? Mukha naman na di ka masamang tao at may pinag-aralan, ayon dito sa calling card mo."

"Wala pong problema tita kung iyon ang gusto nyo, pero Zeigan na lang din po ang itawag nyo sa akin.  Ako po yung Engineer na gumawa ng hotel ni Josef that time kaya ako nasa Subic. Last day na yata ng shoot nila noon kaya inimbitahan ni Josef si Mayet at  Alix  for dinner at isinama din ako ni Josef para apat kame."

"Natatandaan mo ba kung kailan yan nangyare, madami na kasing napuntahan na photoshoot si Alix eh."  pagtatanong ni Tita sa akin

"Feb 14 po 2016  tita...." hindi ko alam kung mali ako pero may nakikita akong  biglang nag-iba sa ekspresyon ng mukha ni tita. Parang napuno ito ng tanong na di nya masabi at nasa isip nya lang lahat. 

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon