F U R Y

7.5K 144 12
                                    

Sa tuwing makakarinig si Marj ng kahit konting news tungkol sa mag-asawang Zeigan at Alix ay mas lalong kumukulo ang dugo ng dalaga sa dalawa. Kung tutuusin ay di dapat sya ganito ka-apektado since sya naman ang humiwalay sa dating kasintahan. Isa pa ang dahilan ng pagkawala ng amor ng binata sa kanya ay gawa na din ng pagiging two-timer nito. Sino ba namang matinong lalake ang tatanggapin pa sya pabalik pagkatapos ng mga ginawa nyang pang-gagago sa sa binata. Si Marj ang tipo ng tao na di tumatanggap ng pagkatalo, ugali din nitong makuha ang mga bagay na ginugusto nya whatever it cost. Kahit may masagasaan o may mapahamak pa along the way.

"Whatever happened I'll do everything so Zeigan will come back to me. Hindi ako papayag na mapunta sya sa Alix na yun. Zeigan doesn't love her, napilitan lang yun dahil dun sa batang may sakit." sabi ni Alix

"Are you sure? Parang wala naman akong nakitang napipilitan lang si Zeigan dun sa asawa-asawahan nya?" sagot ng kausap

"I know Zeigan that well, hindi yun tatagal sa korning pa-virgin na yun."

"Hindi nga ba...?" sarkastikong sagot ng kausap

"Hey you a$$hole, wag mong painitin ang ulo ko, baka samain ka sa akin."

"Let me say this Marj, yan yung pangit sa'yo eh yung pagka-palingkera mo. Yeah sosyal ka, may pera yun lang pag-nagsalita ka na......major turn off. Sh!t baho ng bibig. Pero yung Alix speaks with elegance. Kaya hulog na hulog yung lover boy mo sa asawa nya."

Sinugod ng sapak ni Marj ang kausap "T#ng!na ka naman eh binabasag mo yung diskarte ko eh."

Ganoon na lang sinalag ng kausap ang mga sapak ng dalaga "Oh bakit ako ang sinasapak mo, magkakampi tayo noh."

"Gago ka pala eh, kakampi mo 'ko pero pinapa-init mo ulo ko."

"What if? Suggestion lang ha...what if ibahin mo ang style mo dyan sa ex na hinahabol mo?"

"What do you mean? Pa'nong ibahin? Bakit may mali ba sa akin?"

"Style mo Marj wala sa ayos, para kang taga-kanto. Saka medyo bawasan mo ng konti ang pagka-garapal mo. Kabaligtaran mo yung asawa eh."

"Puny€ta ka, wag mo nga akong ikumpara sa higad na yun."

"Eh kaya nga siguro mas ginusto ng ex mo yung asawa nya kasi malayo sa kung ano ka. Sawa na sa pagka-barubal mo. Humanap ng mahinhin at class na model...." sabay tawa ng malakas ng kausap na parang nakakaloko.

"Ha¥up ka talaga eh no, kung iinsultuhin mo lang ako maghanap ka ng kausap mo...!"

"I'm telling you this things para makuha mo ulit yung lalaking kinababaliwan mo. When I saw Zeigan and Alix iba ang pag-aalaga ng ex mo sa misis nya, di ko yun nakita nung kayo pa."

"So anong ibig mong sabihin? Inlove na si Zeigan sa hitad na yun? Ganoon ka bilis? Agad-agad love na?"

"Hey let me remind you that men falls inlove the minute they saw THE ONE....it doesn't matter kung kanina nya lang nakita yung babae. So wag mong ilaban yung two years relationship na meron kayo."

"So what were you saying now? Wala lang yung sa amin ganoon? Inaya nya akong magpakasal remember...?"

"I know that but do you even wonder why he didn't try to work things out with you? You two were supposed to be getting married right?"

"Zeigan got mad for what I did, and I understand nasaktan ang pride nya kaya siguro ganun."

"Siguro? So hindi ka sigurado? What if hindi nasaktan ang pride nya? What if na-realize nya lang na hindi ikaw talaga ang gusto nyang maging asawa?"

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon