HALF HEARTED

6.5K 132 3
                                    

Sa condo ni Marj while busy itong nakikipag-chat kay Jacob ng biglang pumasok sa kwarto Si JM.  "How's my girl, na-miss mo ba ako? Dami kong binili for you nasa luggage ko." Halatang sabik ang lalaki kaya walang habas nyang hinalikan ang mga labi nito habang at halos punitin na sa pagmamadali ang damit-pantulog ni Marj. 

"Really? As in madami?" yan naman ang weakness ni Marj, basta mga materyal na bagay lalo pa at mga luho sa katawan ay ipagpapalit lahat para dito. Kaya nga nagkakasundo sila ni JM  at hindi sya makabitiw sa lalaking ito, sunod ang layaw nya pati ang bisyo ng pagka-casino.  Walang limit pag si JM ang kasama nya, mapa-shopping or sugal, ubos kung ubos.

"Oo lahat ng bilin mo nabili ko, now my turn maniningil muna ako ng downpayment...."  sabi ni JM at alam na alam ni Marj kung ano ang tinutukoy ng karelasyon. S3X lots of S3X kasabay lahat ng s3x toys na ginagamit nila para mapaligaya ang isat-isa. Dyan sa bagay na yan magaling si Marj at iyan din ang ipinagmamalaki nya kay Alix na di kayang pantayan nito. 

Naninigarilyo si JM habang nakahiga sila ni Marj sa kama, parehong hubad at pawisan ang buong katawan ng magtanong ang lalaki.  "Sino daw yung lagi mong kasamang magkape? Sabi ng tao ko lagi ka daw may kasabay kumain pero iisang tao lang naman ang kasama mo? Sino yun?" 

"Bakit anong kwento ng tao mo? Gago ka JM pinaka-ayoko sa lahat yung may sumusunod sa akin."

"T@ng-ina ikaw itong may kasamang ibang lalake ikaw pa galit. Wag mo nga akong baligtarin, tinatanong lang kita p#ta ka wag kang magkakamaling lokohin ako may kalalagyan ka sa akin."  sabi ni JM habang hawak ang mukha ni Marj sa panga.

Halos mangiwi si Marj sa diin ng pagkakahawak ni JM sa mukha nya,  "$hit ka JM, bitawan mo nga ako, nasasaktan ako letse ka."

"Pinaka-ayaw ko sa lahat yung niloloko ako, kung ayaw mo na kakalas ako, kahit kelan di kita pinilit na sumama sa akin kahit gustong-gusto kita. Maraming iba dyan mas bata at mas masabaw kesa sa'yo."

"Punyeta ka JM iniinsulto mo ba ako? T@ng-inamo kung di ko pa alam na laway na laway ka sa ganda ko."  di pa tapos si Marj sa sasabihin pa sana nya ng kubabawan na naman sya ni JM.  

Lumipas ang magdamag na magkasiping sila ni JM, ganito sila ka wild sa kama kaya sadyang magkatugma ang personalidad ng dalawa. As usual nakuha lahat ni Marj ang pasalubong galing kay JM. Pinagmalaki nya ito lahat kay Jacob na tinawagan nya para makipag-kwentuhan sa kababata. 

"Hoy Marj tanggap ka ng tanggap ng mga regalo galing kay JM prero di ka naman seryoso sa kanya. Habang maaga pa kumalas ka na at ba ka mapahamak ka pa."

"Alam mo ikaw masyado kang nerbyoso kalalaki mong tao sobra mong matatakutin. Kayang-kaya ko si JM paikutin na parang trumpo. Don't you worry."

"Nag-aalala ako sa'yo dahil kababata kita and we all know who JM is at kung ano ang mga kaya nyang gawin."

"Alam mo bang nakarating sa kanya ang madalas nating pagkain sa labas, pati yug pagkakape natin may nagre-report din."

"Potah naman oh, baka pinaha-hunting na ako nyang barumbado mong sugar daddy?"

"Ito maka-sugar daddy eh kasing edad lang tayo noh. Na-explain ko na sa kanya kung sino ka kaya wag ka ng mag-alala di ka nya gagalawin. Alam nyang para na tayong magkapatid dati pa. Kaya tumigil ka na dyan dahil abswelto ka na."

"Tsang-!na ako ang natatakot dyan sa mga pinag-gagagawa mo eh. Ano ba talagang plano mo dyan sa hoodlum na yan? Kung si Zeigan pala ang hinahabol-habol mo eh bakit sumasama ka pa kay JM?"

"Hayaan mo lang ako Jacob, okey sa akin si JM spoiled ako dun. Habang andyan si JM sa tabi ko hindi ako magmu-mukhang kawawa sa paningin ng tao. Si JM ang nagsasalba sa akin sa lahat kaya ayokong wala sya sa tabi ko. Besides mahal ako nun kahit ganoon ka-gago yun."

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon