ALIX 's POVNagulat akong makita sa loob ng bag na dalawa ang telepono ko. Agad kong binusisi ang mga ito to check kung kanino ang isa, pero sigurado akong ang isa ay akin. Pagbukas ko ng unang telepono tumambad sa mata ko ang family picture nila Mayet at Josef. Mabuti na lang at di pa kame gaano nakakalayo ni Rizal sa resort kaya pinag-u-turn ko agad ang kotse sa driver para maibalik ang telepono kay Josef. Tinext ko na lang si Zeigan tungkol sa nangyare at nangako na ihahatid ko lang ang telepono at papunta na rin ako sa Subic Yatch Club. Nag-off muna ako ng fone para ma-save ang battery life, nalimutan ko na naman kasing ilagay sa bag ang powerbank, mapapagalitan ako ng asawa ko pag nagkataon. Excited kasi ako masyado na makaluwas na ng Subic at kasama ko pa si Zeig. Para sa akin sobrang malaking bahagi ng pagkatao ko ang resort na yun nila Mayet at Josef, doon kasi nagsimula ang pagbabago ng lahat sa buhay ko.
Pinag-park ko na lang si Rizal sa labas ng gate ng resort maraming mga sasakyan sa loob ng parking palibhasa weekend. Balak ko lang talagang iabot kahit kanino kila Josef o Mayet ang telepono. Alam kong naghihintay na si Zeigan kaya nagmamadali na din akong bumalik sa Yatch Club. Sa may parking ay may kumausap sa akin na dalawang lalaki.
"Mam maka-istorbo na nga lang po yung kasama po naming babae namimilipit sa sakit ng tyan saka may dugo po sa bandang likuran ng damit nya."
"Ha? Buhatin nyo na lang ipasok natin sa resort kilala ko ang may-are. Magpapatulong tayong magpatawag ng doktor."
"Sige po mam, salamat po! Okey lang po bang kausapin nyo yung kasama naming babae para po mas maintindihan nya. Umiiyak na po kasi eh." magalang na sagot ng isa sa dalawang lalaki
Sa kagustuhan kong makatulong at naawa din ako sa itsura ng kausap ko na mukhang alalang-alala sa kalagayan ng kasama nila kaya sumama na rin ako sa itinuturo nilang sasakyan. Maliit lang ang bukas ng pinto ng van kaya di ko agad nakita kung sino ang lulan nito sa loob. Laking gulat ko ng makitang si Marj ang nakaupo sa sasakyan ng bumukas ng todo ang pinto.
"Hello Alix! Longtime no see....nagulat ba kita?"
Pinilit kong maitago ang pagkagulat sa harap ni Marj, pero halos mangalos ang dalawang tuhod ko sa sobrang kaba. "Sinusudan mo ba ako? Nakaka-flatter naman..."
Biglang nagbago ang kanina'y sarcastic na tingin ni Marj sa akin, napalitan ito ng inis na alam kong lagi nyang nararamdaman sa tuwing madadaanan ako ng mga mata nya. "Wag kang masyadong mayabang baka mainis ako dito pa lang bumulagta ka na. Balak ko pa namang pahirapan ka muna bago ka mag-goodbye sa world...." sinabayan nya ito ng malutong na halakhak "Isakay nyo na yan bago pa yan makatawag ng pansin sa iba."
Sa sobrang bilis ng pangyayare ay hindi na ako nakasigaw at nakahingi ng saklolo. Masyado ring malakas ang dalawang lalakeng halos itulak ako papaloob ng van. Kailangan kong i-reserba ang lakas ko sa ngayon, wala akong laban sa mga kasama ni Marj. Kung kay Marj lang kakayanin kong makipag-pambuno, may tulog ako kapag kumilos ang apat na lalakeng kasama namin.
"Akin na yang telepono mo..." di na hinintay ni Marj na maiabot ko ang telepono at hinablot na lang sa kamay ko ang dapat sana ay ibabalik kong telepono ni Josef. Iniabot nya ito sa lalaking naka-upo sa harapan ng van at walang sabi-sabing ibinalibag ito sa labas ng bintana.
"Tingnan ko lang ang yabang mo, wala kang Zeigan na matatawag dito, at sisiguraduhin ko din na hindi ka na mahahanap pa ng asawa mong hilaw."
"Ano ba talagang kailangan mo sa akin? Si Zeigan ang gusto mo di ba? Bakit ako ang pinag-aaksayahan mo ng panahon?"
"Hoy wag mo ngang kinukwestyon ang mga diskarte ko. Huwag kang mag-alala pag na-dispatsa na kita ako mismo ang pupunta sa penthouse ni Zeigan hindi mo ako kaylangang utusan. At yung nanay at anak mong sakitin ipapatapon ko sa bundok na pinang-galingan nyo para wala ng iistorbo pa sa amin ni Zeigan."
BINABASA MO ANG
ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2
RomanceZeigan Reeve, third child among the Montero siblings. Carefree, casual, cool and wild. Because of his line of work he knows how to mingle with the commoner. At his age he wants to marry so he propose to his girlfriend....Marj. Isa at kalahating taon...