RELIEVED

9.6K 199 5
                                    


ZEIGAN's POV

I am currently in my suite at Baguio Country Club spending sometime alone, minsan pa akong dumaan sa kwarto ni Mandy para halikan ang pisngi ng anak ko bago ako umalis ng bahay nila. Ang sarap isipin na anak ko ang batang yon, galing sya sa akin, my own flesh and blood. It is such a relief when I heard Alix's confirmation about it. I am not usually fond of children but it's different with Mandy. The moment I keep her inside my arms there's this strange feeling that I felt. Dati di ko  mapaliwanag ¹ pero alam ko na ngayon ang dahilan kung bakit. Totoo pala ang lukso ng dugo na sinasabi ng Mama ko. I heard of that many times from her.

Nagbunga din ang ipinagawa kong pag-iimbestiga kay Alix, tama pa lang ipinahanap ko sya. As I recall the turn of events simula ng makita ko ang status ng CENOMAR ko parang nag-domino effect ang lahat. Hindi ako mapamahiin na tao, praktikal ako sa lahat ng bagay pero bakit pakiramdam ko ay may pumipigil sa akin na malakas na pwersa para pag-isipang mabuti ang tungkol sa kasal namin ni Marj. For now hindi ko pa alam ang implications ng mga pangyayare sa aming dalawa, wala sa plano ang lahat. Hindi ko inaasahan na ganito ka-kumplikado ang sitwasyon pero sa ngayon kay Mandy muna naka-sentro ang isip at mga plano ko. Not just the fact that she's my daughter but the condition that she has. Now that its confirmed that she's my daugther I will do all I can para gumaling sya ng tuluyan at magkaroon ng normal na buhay.

Masaya akong alam ko na ang totoo pero di malubos ang kaligayahan ko sa isipin na may sakit na nakamamatay ang anak ko. Iba yung saya na naramdaman ko kanina ng marinig ang kumpirmasyon galing kay Alix pero sa tuwing sumasagi sa akin ang tungkol sa kundisyon nya ay bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi biro ang sakit ni Mandy, Acute Lymphoblastic Leukemia is no joke, I swear I will find the best doctor and the best treatment for her. Hindi ko sya nakasama ng unang tatlong taon ng buhay nya kaya babawiin ko kung ano man ang nawala sa aming mag-ama.

Gagamitin ko lahat ng koneksyon ko at ng buong pamilya ko para gumaling ang anak ko ng tuluyan. Naiisip ko na ngayon na ipaalam sa mama at papa ang tungkol kay Mandy. Alam kong mabibigla silang dalawa pero mas malamang na matuwa sila pag nakita na nila kung gaano ka-cute ang baby girl ko. So practically mas matanda si Mandy kaysa sa anak ni Inigo. Nai-imagine ko na ang itsura ng Mama at Papa pag-inuwe ko si Mandy sa mansyon. But before anything else kaylangan ko munang ipaalam kay Alix ang tungkol dito. Iiwasan kong magkaroon kame ng mga bagay na pagdi-diskusyonan para hindi maging kumplikado ang relasyon namin bilang mga magulang ni Mandy.

Almost one in the morning patulog pa lang sana ako ng biglang mag-ring ang service phone ng suite ko.

"Hello Engineer Montero, good evening sir sorry to disturbed you at this hour but there's a landline call for you through our hotel phone number..." sabi ng receptionist na nasa kabilang line

"It's practically morning Miss, can you ask who is the caller. It's odd that someone will call me at this hour."

"Yes sir, a certain Alix Alonte is asking for your suite number but I tell her that I ....." pinutol ko na yung sinasabi ng receptionist the moment na narinig ko ang pangalan ni Alix

"Okey thats enough, can you put Ms. Alonte on the line now..." ang sumunod ay boses na ni Alix ang nasa kabilang linya ng telepono kasabay ng iyak ni Mandy sa background

"Hello, Zeig sorry naistorbo ko ang tulog mo..." si Alix

"No worries bakit umiiyak si Mandy? May masakit ba sa kanya? Dalhin natin sa hospital hintayin nyo ako dyan? Nasa bahay ba kayo?" tanong ko agad kay Alix

"Zeig si Mandy kasi nagising kanina hinahanap ka, sabi ko babalik ka bukas mas lalong umiyak nag-tantrum lalo ayaw tumigil ng iyak. Sabi ko tatawagan na lang kita para makausap mo sya kahit sa fone. Naalala ko wala akong celfone number mo kaya sa hotel na lang ako tumawag. Sorry talaga...."

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon