CROSSROAD

9.1K 196 2
                                    


ALIX's  POV

Mas ginusto kong umuwe ng Baguio kesa magpalipas ng gabi sa hotel. Natapos ko naman ang meeting ko sa supplier ng tela  kanina, wala akong dalang kotse mas okey kasing mag-commute na lang makakatulog at makakapahinga  pa ako sa bus. Lampas hating gabi na ako nakarating ng bahay sinilip ko na lang si Mama at Mandy na mahimbing na natutulog sa kwarto

"Gusto mo ba ipaghain kita ng makakain?"  tanong ni Roma ang kasambahay na matagal  na namamasukan sa amin simula pa ng ipinagbu-buntis ko si Mandy. Halos kaedad ko lang si Roma gusto ko sana syang pag-aralin kahit dressmaking pero mas hilig nyang magluto ng mga kakanin.

"Hindi na matulog ka na, ako na lang bahala.  Kumusta si Mandy? Madami bang nakain maghapon."

"Naku happy si Mandy kanina may pogi syang kalaro." kwento ni Roma

Malayo man ang sagot ni Roma sa tanong ko okey na din basta atleast masaya si Mandy kahit malayo ako sa kanya, basta naman magkasama sila ng Mamala nya panatag ako. Kahit ako din masaya ang araw ko, maayos ang naging usapan namin ng supplier, pati presyo swak sa inaasahan ko. Malaking tulong ito sa boutique lalo na at malapit ng mag-umpisa ang gamutan ni Mandy.

Pagbaba ko sa dinning the next morning kumpleto na ang nakahaing  breakfast. I'm planning to have a full meal since i'm working double time. Dalawang entourage ng kasal ang naka-line-up this month. Ayokong mapahiya sa client, sila ang walking advertisement ko. Maganda ang takbo ng negosyo at dumadami ang nagpapagawa sa boutique, nakakatuwa na maraming nagkakagusto sa mga bagong designs ng damit pambabae,  nakaka-fullfill ng ego na soot nila ang mga damit na gawa ko mismo. Di ko man naituloy ang pagmomodelo noon pero masaya akong magamit ang pinag-aralan ko. Dati ko pang hilig ang mag-disenyo ng mga damit at gown  kaya di ako nahirapan sa pag-iisip noong tinanong ako ni Mama kung anong kukuhain na kurso sa kolehiyo.

"Kumusta ang lakad mo kahapon? Akala ko ngayon pa lang ang balik mo."  si Mama

"On time naman yung meeting kahapon Ma, saka madaling kausap sa presyo ung supplier, mabait at madaling kausap."

"Sabi ni Roma pass one ka na daw nakauwe. Lagi kong bilin sa'yo wag kang uuwe ng disoras eh. Ang tigas ng ulo mo talaga."

"Okey lang ako Ma, tinawagan ko naman si Toto na sunduin ako sa terminal ng bus. Kaya hindi ako takot bumiyahe."

"Kahit pa may sundo ka ayokong umuuwe ka ng ganong oras, sana nagpahinga ka nalang muna sa hotel. Pwede naman yun."

"Yun naman talaga ang original plan ko kaso maaga naman natapos ang meeting kaya nag-ikot ako sa Divisoria saka namili na din ng mga tela na kaya kong mabitbit."

"Ah kaya ginabi ka na ng todo. Sobra mo nanamang pinapagod ang sarili mo Alix."

"Di naman Ma nalibang lang talaga akong mamili ng mga tela. Wag ka ng mag-worry okey lang ako."

"Marami ka bang napamili? Kilala kita pag napupunta ka sa telahan eh."

"Kung kaya ko lang po ba Mama iuwe yung mga tela na gusto ko ginawa ko na."  at sabay kaming nagtawanan ng nanay ko   "Sarap talaga mamili sa Divisoria, ang daming pagpipilian na tela, lahat talaga ng klase andun."

"Kaya sobra kang nalibang at nakalimutan mo na halos ang oras. Naku Alix lagi mo akong inaalala tapos ikaw naman itong naso-sobrahan ng pagod."

Hayaan mo Mama pagkatapos nitong dalawang kasal this month medyo mag-off ako kahit one week para maipasyal ko naman kayo ni Mandy. Baka nagtatampo na yun sa akin." sabi ko kay Mama 

"Mabait ang apo ko Alix, pero tama din na bigyan mo sya ng oras lalo at mag-uumpisa na ang gamutan nya."  

"Sabi nga po ni Roma kagabi may kalaro daw si Mandy kahapon na pogi kaya happy si kulit. Sino ba yung bagong kalaro nya? Kaninong anak? May bagong lipat ba sa kapitbahay?"  nakangiti kong tanong kay Mama pero napansin kong parang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nya

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon