Sobrang sakit sa mga magulang na makitang may pinag-dadaanang mabigat na karamdaman ang anak, lalo na kung ito ay nasa murang edad pa lang at dapat sana ay paglalaro lang ang pinagkaka-abalahan at ine-enjoy lang dapat ang pagiging bata. Ganito ang pakiramdam ni Alix sa tuwing narito sila sa hospital at may chemo session si Mandy. Pasalamat na lang siya at pag-aare ng pamilya ng ama ng bata ang hospital. Bukod sa high-tech ang mga facilities sa de-klaseng hospital ng mga Montero ay di nya halos maramdaman ang pakiramdam na nasa loob sila ng pagamutan. Kakaibang kwarto kasi ang ginagamit sa anak kapag may chemo ito. Ang top floor ng Montero Medical ang pinaka-penthouse ng gusali, exclusive para lang sa miyembro lang ng pamilya Montero ang floor na ito kapag may isa sa kanila ang kaylangang magpa-gamot dito sa hospital. Para ka lang nasa penthouse ng isang magandang condo ang ambiance dito. May apat na bedroom sa penthouse convertible into hospital room, kitchen, dinning at receiving area. Nabanggit ni Zeigan kay Alix nung unang beses ng chemo theraphy ni Mandy na sinadyang gawin ang top floor para hindi na hahalo ang pamilya Montero sa mga regular patients ng hospitalMay lungkot sa mata ni Alix habang pingmamasdan ang tulog na anak. Katatapos lang ng chemo session ni Mandy at normal na bukas pa ang check-out nila. Nasa isang kwarto sila dito sa penthouse ng Montero Medical Center. Hindi pa pumalya kahit minsan si Zeigan na sumama sa kanilang mag-ina everytime na may session o check-up ang anak. Ang binata pa mismo ang laging nagpapa-alala kay Alix ng schedule ni Mandy. Lagi itong naka-alalay sa kanilang mag-ina, ni minsan ay di sila iniwan ng binata. Masarap palang maramdaman na may katuwang sa ganito kabigat na pag-subok.
"Alix okey lang ba nagpaluto ako ng food sa pantry, baka kasi ayaw mo ng kainin yung mga inoorder sa mga resto?"
"Kahit ano lang Zeig hindi pa naman ako gutom."
"Lagi mo nalang sinasabi na di ka ginugutom. Baka kung mapano ka na nyan?"
Lumapit si Zeigan sa may kinauupuan ni Alix saka hinagod ng marahan ang likod ng dalaga. Ganito nila hinaharap ng magkatuwang ang sitwasyon ng nag-iisang anak. Sa halos araw-araw na nagkakasama silang dalawa ay mas lumalalim ang pagkilala nila sa bawat isa. They are even comfortable to take care for each other and ask each other how's their day had been. Eversince Alix and Mandy moved to Manila almost everyday Zeigan will drop-by in their place just to check on them or bring food or stuff for them. Bibihira ang araw na di nadadalaw si Zeigan, iyun ay kung sobrang busy ang binata o may site inspection out of town. Nakagawian na din ni Zeigan na ipaalam kung ano ang daily schedule nya sa mag-ina. Ganoon din sila kay Zeigan kaya maayos ang samahan bilang magulang sa kanilang anak.
"Please don't worry to much, maganda naman ang response ni Mandy sa chemo sessions nya. I know maya-maya lang my Mandy will feel discomfort, but you know it's given already. Right?"
Tumango si Alix tanda ng pagsang-ayon, aware sya sa mga side effects ng chemo pero masakit pa din na makita how Mandy suffers. "I know Zeig, kung may magagawa lang sana ako to ease her pain." At di na napigilan pa ni Alix ang mapahagulgol. Akala ng dalaga ay ganoon sya kalakas para kayanin lahat, magmula ng dumating si Zeigan sa buhay nilang mag-ina ay unti-unti syang dumidepende sa binata. Pwede pala syang maging mahina at magpahinga kahit sandali dahil may Zeigan na aalalay at sasalo sa mga nararamdaman nyang sakit at alalahanin. Kaya ganoon na lang tumitindi ang nararamdaman para sa ama ng kanyang anak.
Niyakap ni Zeigan si Mandy patalikod at isinandal ang likod ng dalaga sa buong dibdib nya. It's always his way of comforting her and re-assuring her that everythings gonna be okey. That he will always be here with them no matter what and that they can always count on him regardless what time or day. Masarap sa pakiramdam ni Zeigan na may silbi sya sa mag-ina na kinakailangan sya ng dalawang pinaka-importanteng babae sa buhay nya.
"D a d d y.....ouchie." iyak ng munti nilang prinsesa nagising na ito at nagpapakalong sa ama. Zeigan carry her daughter with outmost care and love. Like Alix they have the same way of thinking, if only he can ease the pain that her daughter feel, he will do it in a snap of his finger.
BINABASA MO ANG
ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2
RomanceZeigan Reeve, third child among the Montero siblings. Carefree, casual, cool and wild. Because of his line of work he knows how to mingle with the commoner. At his age he wants to marry so he propose to his girlfriend....Marj. Isa at kalahating taon...