PANDORA's BOX

9.1K 246 18
                                    

ALIX's   POV

Maaga pa lang naka-prepare na kame lahat sa bahay. Ngayon ang unang session ng chemotheraphy ni baby girl. Naipaliwanag na sa amin ni Doc Ryan ang takbo ng procedure sa gamutan ni Mandy, naiisip ko pa lang pero ako na ang nahihirapan. Napakabata pa ng anak ko para pagdaanan ang lahat ng ito. Madalas kong itinatanong sa sarili  kung bakit sa anak ko pa dumapo ang ganitong klase ng sakit. May nagawa ba akong malaking kasalanan sa buhay ko para magkaroon ng ganitong parusa? Isa lang naman ang hindi ko nagawa noon, iyon yung di ko napatawad ang ama ko kahit na nakamatayan na nya ang pag-hingi ng tawad sa amin ni mama. Paano ko naman gagawin yon kung sa buong buhay ko ay di ko man lang sya nakita, nasa loob na sya ng kabaong ng masilayan ko ang kanyang mukha na halos iba na ang itsura sa litrato na ipinakita ng lola ko sa Australia. Ayoko ng manisi ng kung sino pa, ayoko ng pabigatin pa lalo ang mga nangyari at mas lalong ayokong mabuhay sa mga bagay na di na  babalik kailanman. Magmula ng araw na ilibing ang ama ko ay isinama ko na ring ibinaon ang kung ano mang sama ng loob ko sa kanya. Ayoko ng baunin pa pabalik ng Pilipinas ang lahat ng hindi magandang nangyare sa buhay namin ni Mama. 

Kasalukuyan na kameng nasa Baguio General Hospital para sa first chemotheraphy session ni Mandy. Hindi ako ang pasyente pero mas masahol pa ang ramdam kong kaba at panlalamig ng buo kong katawan. Kung pwede nga lang bang akuin ko na lang lahat wag lang makaramdam ng hirap ang anak ko....

"Okey ka lang ba Alix? Malalim na naman ang isip mo..."  sabi ni Mama habang andito kame sa chemotheraphy section ng hospital

Niyakap ko si Mama na para bang kumukuha ako ng lakas sa kanya  "Ang hirap Ma, sana ako na lang para di na mahirapan yung baby ko..."  

"Anak huwag ganyan, kaylangan tatagan mo ang loob mo nag-uumpisa pa lang tayo."

"Kinakaya ko naman Ma pero minsan umaatake ang takot ko. Baby pa si Mandy dapat naglalaro lang sya at wala dito sa ospital."

"Dasal anak pag ganitong pinanghihinaan ka ng loob. Yun lang ang pwede nating sandalan, positive lang tayo lage. Hindi makakatulong kung papatalo tayo sa takot."

"Ang dami kong gustong gawin para sa anak ko Ma, mga lugar na gustong puntahan na kasama sya. I want her to have a normal life gaya ko."

"Alix ngayon nating kaylangang maniwala na gagaling si Mandy, faith anak tiwala sa Kanya na hindi Nya pababayaan si Mandy. Pray anak malalampasan natin ito. Kaylangan tayo ng anak mo, lalo ka na."

"Pinipilit kong maging matatag Ma, minsan lang parang sinusubukan Nya ako ng sobra-sobra..."

"Sabi mo nga sinusubukan ka, higpitan mo pa ang hawak huwag kang bibitaw. Di Nya ito ibibigay sa atin kung di natin kaya tandaan mo yan. Madami ka ng nalampasan kakayanin mo ito para sa anak mo."

Yakap ako ni Mama habang hinahagod nya ang likod ko kasabay ang mahihinang hikbi na mas pinipigil ko pa para di marinig ng natutulog na si Mandy na nasa kabila lang ng manipis na kurtina. Napaka-swerte ko na si Mama ang naging nanay ko, kahit kailan di ko naramdaman na may kulang sa buhay ko. Sa lahat ng mga nangyare sa akin lagi lang syang nandyan para alalayan ako. Kahit noong nalaman nyang buntis ako kay Mandy ay walang kwestyon nyang inintindi ang kalagayan ko. Hangang sa panahon na ito wala akong ibinigay kahit konting paliwanag tungkol sa ama ng anak ko. Alam kong naghihintay lang syang magsalita ako at magtapat kung anong nangyare sa akin, pero nirespeto nya ang pananahimik ko. May hinanakit man sya sa akin hindi ko yun naramdaman, mas dinoble pa ni mama ang pag-aalaga sa akin at sa anak ko. 

Si mama lang ang inaasahan at kinakapitan ko, sya na yata ang pinaka-malakas na babae na nakilala ko. Lagi syang kalmado lalo sa gitna ng problema, ni hindi ko sya nakitang nataranta o nawala sa wisyo. Nandoon palagi yung presence of mind kaya mas nakakagawa sya ng naaayon na solusyon sa problema. Hindi pa ako humihingi ng saklolo naka-abang na sya palagi. Sya lang ang sandalan ko mula noon mas lalo ngayon. Hindi ko ito kakayanin ng mag-isa lang sobra ang takot na nasa puso ko para sa anak ko.

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon