C C T V

9K 221 5
                                    

ALIX 's  POV

Days run too fast when you are that busy doing things,  sa dalawang entourage ng kasal na tinatapos ko this past months halos maubos lahat ang araw ng buong linggo,  isama mo na ang weekends. Dalawang linggo lang ang pagitan ng dalawang kasal. Parehong full entourage ang ipinapagawa nila, ayaw kasi ng mga bride na magkakaiba ang tela at shade ng kulay ng mga damit ng abay nila. Ganoon talaga siguro pag ikakasal ang babae, tutok sila sa  bawat detalye maliit man o malaki. Madami-dami na din naman akong nagawaan ng wedding gown lahat sila kasama ko every step of the way, magmula sa gagamiting butones at zipper hanggang sa lining ng kanilang trahe. Kaylangan mong ikonsulta ang mga gagamitin at ilalagay na abubot sa damit pangkasal mas makakatulong yun para mas ma-appeciate nila ang end product ng disenyo ko. 

Ilang linggo na din ang lumipas ng pumunta si Zeigan sa bahay, hindi sa hinihintay ko syang bumalik pero mas gusto kong isipin na baka hindi naman ganoon ka-importante ang pakay nya sa akin. Si Mama na di naman ang nagsabi na di mag-aaksaya si Zeigan na umakyat ng Baguio para kausapin ako ng personal kung hindi mahalaga ang sadya nya sa akin. OO nga at hinanap nya kung saan ako nakatira pero di naman na sya bumalik so malamang kung ano man o sino man ang kailangan nya hindi na ako yun. Sana nga wag na syang bumalik dito, tahimik nanaman kaming pareho sa kanya-kanya naming mga buhay. Apat na taon nga ang lumipas na di ko sya kinailangan kumpara noon mas kaya ko na sa ngayon. Huwag lang sana ulit kaming paglaruan ng pagkakataon. 

Kaaalis lang ng kumuha ng mga gowns para sa isang wedding this weekend. Nakahinga na ako ng maluwag dahil halos walang last minute changes ang bride. Maayos talaga ang takbo  kapag lahat ng gagawin mo ay naa-ayon sa gusto ng ikakasal. Minsan kaylangan ko talagang mag-suggest personally ng opinion ko pero it's still up to the client kung susundin nila ako. So far wala pa naman akong na-encounter na pasaway madalas pa nga my input matters to them. Importante pa din yung suggestions ko lalo at  kung maipapaliwanag ng maayos sa kliyente ang mga pros and cons ng napili nilang design,  mas smooth ang trabaho ko kapag ganoon. Kaya kapag may nagpapa-guhit na kliyente inaalam ko muna yung personality nung tao lalo na kung wedding gown, kaylangan personalize kahit may prefer na silang yari ng gown mas magandang unique ang isosoot ng bride sa araw ng kasal nya.

Bago tumuloy ng bahay dumaan muna ako favorite restaurant ni Mandy at ni Mama, pareho silang mahilig sa chinese food especially yang chow at fried chicken kaya ito ang binili kong pasalubong para sa kanila. Malamang gagana na naman sa pagkain si baby girl, kaylangan nyang magpalakas next week na ang start ng chemo theraphy nya. Inaamin kong kinakain ako ng takot pero kaylangan kong lakasan ang loob ko para sa anak ko. Di ako pwedeng magpakita ng kahinaan lalo sa harap ni Mandy. Malalampasan namin itong mag-ina,  gagaling si Mandy at mabubuhay ng normal. Lahat gagawin ko para sa anak ko, dumating man sya ng wala sa plano ko pero aaminin kong mas nagkaroon ng kahulugan ang buhay ko simula ng ipinanganak ko sya. 

Umalingaw-ngaw ang maliit na boses ni Mandy makita pa lang nyang papasok ang kotse sa garahe. Ganyan sya lage pag parating na ako, maaga pa ako dumating kumpara sa mga ibang araw na nakaraan. Nabawasan ako ng isang load na gagawin may natitira pang isang pangkasal at patapos na din ito, yun lang may kliyente akong imi-meet this week debut ng anak nya nagpapa-guhit ng gagamiting gown. Sayang naman kung tatanggihan saka kaylangan ko ng diversion para busy ang isip ko. 

"Aga mo yata anak?"  tanong ni Mama pagkalabas ng kotse 

"M O M M Y...... mommy....."  salubong ni Mandy na nagpapakalong sa akin. Niyakap nya agad ang maliliit nyang braso sa leeg ko at gaya ng lagi nyang ginagawa ay pinaliguan ako ng maliliit nyang halik sa buo kong mukha

"Ang sarap naman non....kiss pa si mommy."  request ko kay Mandy, kukuhain sana sya ni Mama pero ayaw nyang maistorbo ang pagkukulitan naming mag-ina, kaya yung bag ko at paper bag na may lamang pasalubong ang dinala ni Mama papasok ng bahay. 

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon