Pangatlong araw na ni Alix nakakatanggap ng text messages galing sa unknow number. Mistula itong palaisipan na kaylangan nyang sagutin at hulaan. Malakas ang kutob nyang may kinalaman sa kanila ni Zeigan ang mga messages na natatanggap. Minsan pa ay may kasunod na missed call galing pa din sa parehong number at pag tatawagan na niya ay cannot be reach na ito. Itinawag nya sa telephone company ang insidente para sana ma-trace pero lumalabas na prepaid number ang numero. Pahiga na sana sya sa kama para matulog ng may pumasok na bagong text, same unknown number pa rin pero imbes na pasikot-sikot na salita ay isang tanong ang nakatawag ng atensyon nya "ALAM MO BA ANG DAHILAN KUNG BAKIT KA HINANAP NI ZEIGAN???" yun ang nakalagay sa text na nabasa nya. Di na sana nya talaga papansinin pero sinundan pa ulit ito ng isa pang text message "KUNG GUSTO MONG MALAMAN ANG SAGOT...MEET ME TOMORROW, I'LL TEXT THE LOCATION PERO TAYONG DALAWA LANG....NO ZEIGAN OR ELSE I WON'T SHOW UP!.....MARJ"
Halos hindi nakatulog si Alix ng buong gabi, okupado ang isipan nya sa natanggap na text message ng ex ni Zeigan. Alam nyang delikadong makipagkita sya sa babae pero mas nananaig ang kagustuhan nyang masagot ang tanong na hindi nagpatulog sa kanya. Kung papaano sila magkikita ni Marj ay hindi pa nya alam, knowing na kasama nya si Ninoy malabong makalapit si Marj sa kanya.
It's just an ordinary day for her, errands and things na normal naman nyang ginagawa. Sa drugstore kung nasaan sya at bumibili ng gamot ay may natanggap sya ulit text message galing sa number na ginagamit ni Marj. "I KNOW YOU'RE WITH A BODYGUARD JUST MEET ME AT THE LADIES ROOM FROM THE LEFT NEAR THE DRUGSTORE!" Alam pala nito ang kasalukuyang security nilang mag-ina. Tama nga si Zeigan di titigil ang babaeng ito sa pang-gugulo sa kanila. Inilagay nya ang pangalan ni Ninoy sa emergency call ng telepono, just in case may gawin si Marj na di maganda sa kanya ay madali nyang matatawagan ang bodyguard para masaklolohan sya.
Nasa dulong hallway ang sinasabing ladies room ni Marj kaya nagbilin si Alix kay Ninoy "Paki hintay na lang ako dito Ninoy...." matapos iabot kay Ninoy ang gamot na bitbit ay iniwan nya sa may entrance ng hallway ang bodyguard
"Well, well, well.....kala ko di mo ko sisiputin eh. Masyado ka namang sosyal di-bodyguard ka pa." sabi ni Marj
"Kung ano man ang sasabihin mo, sabihin mo na hindi ako pwedeng magtagal baka ma-alarma ang bodyguard ko pasukin tayo dito."
"Nag-init ba ang ulo mo sa text ko sa'yo kagabi? Di ka ba nakatulog? Curious....?"
"Pwede ba just go straight to the point. Don't waste my time..."
"Matapang...pero sige tingnan ko lang kung hangang saan ang angas mo pag narinig mo ang sasabihin ko...."
"Try me..." balik ni Alix
"When we were planning our wedding our coordinator found out that Zeigan is married to a certain ALIYA ALONTE. To tell you frankly, he didn't even recall your name. So para mapadali at di maistorbo ang pag-aayos namin ng kasal, he hired a private investigator to locate you so that he can file for annulment. Medyo nahirapan ka yatang hanapin, so pending ang lahat ng preparations. Nainip ako kaya sumama ako sa mga friends kong mag-cruise. That's the time na nahanap ka nya. He didn't waste his time and went to Baguio right away, dala ang annulment papers para mapirmahan mo. I'm not sure what happen inbetween those times, but when I came back from my vacation hindi pa rin tapos ang problema. I thought of that as a sign na hindi ituloy ang kasal, since hindi pa din naman buo ang loob ko na magpakasal sa kanya." pag-uumpisa ni Marj
"Bakit mo sinasabi yan sa akin ngayon?" sagot ni Alix
"Para alam mo kung bakit ka hinanap ni Zeigan. Para hindi ka nabubuhay sa ilusyon na gusto ka nya. Zeigan was looking for you because he wants to file an annulment! That is his main agenda, to get out of your marriage that happened four years ago. The moment he went to Baguio to see you Inigo his brother prepared already all the papers that he will need."
BINABASA MO ANG
ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2
RomanceZeigan Reeve, third child among the Montero siblings. Carefree, casual, cool and wild. Because of his line of work he knows how to mingle with the commoner. At his age he wants to marry so he propose to his girlfriend....Marj. Isa at kalahating taon...