BACKTRACK

9.3K 211 2
                                    

Magbabayad si Zeigan kahit magkano makakuha lang ng mga impormasyon na naganap sa buhay ni Alix apat na taon na ang nakakaraan. May kung anong malabo na parte ng nakaraan na gusto nyang balikan pero kahit anong gawin nyang pag-alala ay di mapasok ng isip nya. Nakakadagdag pa sa gumugulo sa kanya ay ang laman ng kanyang panaginip na paulit-ulit lang naman, isang tagpong nagpapa-isip sa kanya kay Alix. Bakit may ganoon syang panaginip kasama ang dalaga? Aminado naman syang nagagandahan sya dito pero para mapanaginipan nya ito ng pauli-ulit at sa maselan pang tagpo ay malaking tanong nya sa sarili. Sa sobrang kalasingan ng araw na yun ay parusang wala syang matandaan sa kung ano man ang nangyare o kung may naganap ba sa kanila ng dalaga. Ni hindi nya matandaan kung paano sya nakarating sa hotel room nya ng gabing yun, at ganoon na lang ang pagtataka nya ng sumunod na umaga na nagising sya na nakahiga ng maayos sa kama sa kwartong ino-ukupahan. Ang tanging malinaw lang sa kanya ay nag-dinner silang apat nila Josef, Mayet at Alix. Dumating si Mayor Jonas at sumalo sa table nila kasama ang personal assistant nito. Galing silang Kasalang bayan dahil si mayor ang nag-officiate ng kasal. Nag-inuman sila, sumayaw, kwentuhan at biruan. Ni hindi nya maalala kung kailan at paano sila ikinasal. Anong naging dahilan at ikinasal sila ni Mayor? Pumayag ba si Alix? Inalok ba nya ito o si Alix ba ang nagyaya? 

Alam nyang sa ngayon ay hindi sya makakakuha ng sagot galing sa dalaga. Masyadong malaki ang problema nito para guluhin pa nya ng mga tanong. Ayaw nyang makadagdag pa sa pinoproblema nito. Kumikilos na naman si Ruiz at alam nyang sa mga susunod na araw ay may madadala na itong balita. Gusto nyang malaman ang buong detalye sa mga naganap apat na taon na ang nakakaraan. Interesado din sya sa pagkatao ng anak ni Alix, kung sino ang ama ng bata at bakit di nila ito kasama. Sa kwento ni Mayet ay walang naging boyfriend si Alix noon at bilang magkaibigan ay nagtaka din sya na bigla na lang itong di nagpakita pagkagaling ng Australia. Nagbakasyon sa pagmo-modelo pero hindi na rin bumalik at lahat ng social media account ay naka-deactivate. Anong nangyare sa kanya sa Australia at bigla na lang syang di nagpakita sa lahat. May pinagtataguan ba ito o iniiwasan? Maraming tanong sa isip ni Zeigan na gusto nyang masagot kaya ipinatuloy nya ang pagpapa-imbestiga sa buhay ni Alix.

Magmula ng makita nya si Alix sa ospital sa Baguio ay aminado syang di na sya mapalagay lalo na ang tungkol sa kalagayan ng anak nito. Nakausap na ni James si Doc Ryan kaya may kaunti na syang impormasyon tungkol sa sakit ng bata. Hindi naman pwedeng magtanong si James ng tungkol sa personal na buhay ng mag-ina at malamang ay ipagtataka yun ng kaibigang doctor. Sapat na sa kanya na malaman ang lagay ng bata, dahil sa di nya maipaliwanag na dahilan ay nag-aalala sya para dito. 

Ng sumunod na umaga habang papunta si Zeigan sa isang site sa Makati ay tumawag si Ruiz ang Private investigator nya   "Sir may mga impormasyon na ako. Pwede ako dumaan sa opisina nyo ngayon."

"Nasa labas ako papunta sa site, pumunta ka sa opisina mamayang alas-kwatro hinhintayin kita."  

Matapos ang pakikipag-usap kay Ruiz ay dumiretso na sya sa site, personal nya kasing bibisitahin ang halos tapos ng twenty-four story condotel sa Pasig. Halos hilahin na nya ang oras ng maghapong iyon. Sabik na syang malalaman ang ibabalita ni Ruiz na impormasyon. Malakas ang kutob nyang makakakuha sya ng sagot mula doon.

Inilabas ni Ruiz ang mga litrato galing sa brown envelope na dala. Mga larawan ni Alix noong buntis pa ito, naglalakad sa may tabing dagat, lumalabas ng ospital, sa grocery habang namimili kasama ang ina nya at meron din na nakaupo sa rocking chair habang pinapatulog ang baby nya. May nakuha ding record si Ruiz ng immigration tungkol sa kung kailan ito umalis ng bansa papuntang Australia at ang araw na nagbalik ito sa Pilipinas.

"Sir ayon sa source ko, pagdating ni Alix at ang mama nya galing Australia ay buntis na ito ng halos isang buwan at kalahati kaya nagpaalam sa modeling agency kung saan sya modelo. Nag-stay ng Batangas at doon nanganak. Wala syang asawa at wala ni minsan na may nakakita o bumisita man lang sa kanya na lalaki. So wala akong impormasyon tungkol sa ama ng bata."  si Ruiz

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon