"....i didn't fall in love with you, i walked into love with you, with my eyes wide open choosing to take every step along the way;
.....i do believe in fate and destiny, but i also believe we are only fated to do the things that we'd choose anyway;
....and i'd choose you, in a hundred lifetimes, in a hundred worlds, in any version of reality, i'd find you and i'd choose you....
.....of everything i have seen, it's you i want to go on seeing, of everything i've touched, it's your flesh i want to go on touching;
....i love you're orange laughter, your sweet ripe mango scent, the red mole in between your perfect breast, i love everything about you;
....i am moved by the sight of you sleeping by my side, with your arms wrap around my waist, i don't know how others love;
....but i just live just watching you, feeling you breath and just being in love with you!"
Crucial....critical, ano pa ba ang pwedeng itawag sa kalagayan ni Alix sa ngayon. Wala pang kasiguraduhan ang lahat, closely monitored ito at ang bata sa sinapupunan nya. Ang tanging konsolasyon lang ay tapat si James sa lahat ng detalyeng binabato nito sa kanya. Bonus na lang na pag-aari ng pamilya nila ang ospital kung saan naka-confine ang buntis na asawa. Sigurado syang na kay Alix ang priority ng mga doktor na gumagamot dito kasama na ang pag-aalaga at pagbabantay ng mga nurse bukod pa kay James na kapatid nya.
"How is she? Any improvement?" tanong nya sa doktor na kapatid
"She's doing fine as of now, stable na ang mga vital signs nya and it's a good sign."
"May idea ka ba kelan sya magigising?" tanong nya ulit pero nakatingin sya sa mukha ni Alix na nakahiga sa hospital bed nito kakabit ng maraming aparatong hindi nya alam kung para saan.
"That I can't tell... only Alix can do that. Sorry I have to tell that straight gusto ko lang alam mo what to expect." sagot ni James
"Mababaliw na ako James, it's been seventy-two hours and still Alix is unconcious."
"I know how you feel, but we have to wait until she regain conciousness, Hindi biro ang pinagdaanan nya. We have to be thankful because the baby inside her is strong, lumalaban sya para sa mommy nya. So you don't have any reason to give up, pull yourself up. Kailangan mas malakas ka sa kanila, the moment na nagpakain ka sa kahinaan mo yan din ang oras na bibitaw sila. Kaya kailangan mong umayos Zeig your family needs you...." sabay tapik sa balikat ng kapatid
Lumapit naman ang byenan nya saka sya kinausap, "Zeigan alam ko mahirap kasi ganun din ang nararamdaman ko. Pero sa kalagayan ni Alix ngayon kaylanagn mong maging matatag para sa kanya at sa dalawang anak mo. Kahit walang malay ang asawa mo nararamdaman nya kung anong nararamdaman mo sa ngayon. Kaya sya lumalaban kasi andyan ka at naghihintay sa kanya. So wag kang mawawalan ng pag-asa magiging maayos din ang lahat, magdasal lang tayo....malalampasan din natin 'to." si Mama Alice
"I know Ma, I just miss my wife, at masakit sa akin na andyan sya sa ganyang sitwasyon dahil sa walanghiyang babaeng yun. And I'm sorry Ma, hindi ko alam na darating kame sa ganito ka-lalang sitwasyon." pigil ang bawat salita ni Zeigan, ayaw nyang may lumabas na hindi magandang salita galing sa bibig nya.
"You don't have to say sorry pero na-appreciate ko anak. Wala ka namang kasalan, nagmahal ka lang at pinili kung sino ang gusto mong makasama habangbuhay. Just pray hard para pakinggan NYA tayo...."
"Thanks Ma....hinding-hindi po ako bibitiw, kahit ga-hibla na lang na pag-asa kakapitan ko pa rin. Alam kong di ako iiwan ni Alix at ng baby namin, alam kong babalik sila ni Mandy sa amin Ma..."
BINABASA MO ANG
ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2
RomanceZeigan Reeve, third child among the Montero siblings. Carefree, casual, cool and wild. Because of his line of work he knows how to mingle with the commoner. At his age he wants to marry so he propose to his girlfriend....Marj. Isa at kalahating taon...