Tuesday at dawn inagahan ni Alix gumising than usual. It's the day of their appointment with Doc Elsie sa Manila. Magkakape muna sana si Alix sa kusina bago mag prepare at maligo, only to find out na kumakain ng agahan si Rizal ang personal driver ni Zeigan sa mismong dinning area nila.
"Good morning po mam Alix." ang bati ni Rizal sa kanya, naandoon din ang Mama nya na naghahanda din ng kakainin para sa breakfast.
"Oh, bakit ka andito?" magtatanong pa sana si Alix pero sumagot na agad ang driver
"Pinasusundo po kayo ni Engineer, para po sa meeting nyo sa doctor mamaya."
"What time ka pa andito? Pinabyahe ka pa talaga ni Zeigan para sunduin ako? Sanay naman akong sumakay ng bus at mag-commute."
"Kagabi pa po ako andito mam, nag-stay po ako sa pina-book na room ni sir Zeigan. Maaga nga daw po tayong bibyahe pa-Manila."
"Ganoon ba? Sige kain ka lang dyan." inis pero di pinahalata ni Alix sa driver ang nararamdaman. Dala ang kape pabalik ng kwarto na sinundan naman ng mama nya
"Bakit ba parang galit ka? Ang aga-aga mainit ang ulo mo." tanong ni Alice sa anak
"Wala naman kasi kaming pinag-usapan ni Zeigan na ipapasundo nya ako kay Rizal, may bus naman kasi bakit pinapunta pa nya dito yung driver." nagmamaktol na sagot ni alix sa ina
"Hayaan mo na anak, ayaw lang nung tao na mag-commute ka pa. Dapat nga magpa-salamat ka kasi inaalala ang safety mo. Sa nakikita ko pabor yun..." bitin na salita ng ina
"Bakit pabor? Saan pabor? Ma, ayokong dumipende kay Zeigan, kay Mandy lang sya may obligasyon hindi sa akin." pairap na sagot ng dalaga
"Oo na, sya sige pahupain mo na ang inis mo. Palampasin mo na lang ito, mamaya naman magkaka-usap na kayong dalawa. Sabihin mo na lang sa kanya yang mga kinakainis mo, pero iwasan mong mag-away kayo ha, alalahanin mo si Mandy."
Nag-prepare na si Alix para sa byahe pababa ng Manila. Sasakay na sana sya sa passenger seat ng pinagbuksan sya ng pinto ni Rizal sa second row ng Lexus GX 400 SUV .
"Ah okey na ako dito umupo Rizal...."
"Naku mam Alix kabilin-bilinan po si sir na dito ko kayo paupuin." sagot ng driver na hindi pa isinasara ang pintong binuksan hangang hindi doon umuupo ang dalaga. Sumakay ito para matapos na lang at bago isara ng driver ang pinto ay nagsalita ulit "Mam seatbelt nyo po paki kabit na lang, bilin din po ni sir..."
Napailing na lang si Alix at di na lang nag salita para makaaalis na sila ng driver. Natatawa naman ang mama nya sa mga ginagawa at sinasabi ng driver. Napaka-masunurin nito sa amo at detalyadong ginagawa ang mga bilin nito. Ilang minuto ng nakaka-alis ang sasakyan ng nag ring ang telepono ni Alice...
"O Zeigan, kaa-alis lang nila."
"Thank you ma, monitor ko na lang kung nasaan na sila. Don't worry po maingat si Rizal magmaneho. Si Mandy po tulog pa?"
"Oo, mamaya pa yun magigising. Sana maging maganda ang pag-uusap nyo ng doktor. Salamat sa pagpapa-sundo mo kay Alix hijo."
"Ma, trabaho ko pong alagaan ang mag-ina ko."
Before eleven ng tanghali ay pumapasok na ng parking ng Montero Constructions building ang SUV kung saan nakasakay si Alix. Ang alam nya ay sa ospital sila magkikita ni Zeigan mamayang after lunch kaya balak na lang sana nya na sa canteen ng ospital managhalian.
"Rizal, nasan tayo, di naman ito ospitala ah?" tanong ni Alix
"Mam sabi po ni sir dito daw po kayo ihatid sa opisina nya..."
BINABASA MO ANG
ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2
RomanceZeigan Reeve, third child among the Montero siblings. Carefree, casual, cool and wild. Because of his line of work he knows how to mingle with the commoner. At his age he wants to marry so he propose to his girlfriend....Marj. Isa at kalahating taon...