Maaga pa lang ay nasa Baguio Medical Center na ang dalawa. Sabay nilang kinausap si Doc Ryan at maayos naman silang nagkaintindihan. Kilala din pala ni Doc Ryan si Doc Elsie, sikat ang babaeng doctor sa napiling larangan. Alam nyang espesyalista ang bagong doktor ng bata sa mga kaso gaya ng sakit nito. Kaya maluwag sa loob ng batang doktor na inilipat ng mga magulang nya si Mandy kay doc Elsie. Dumaan din silang dalawa sa pedia ni Mandy."Hi doc! Good morning." bati ni Alix sa mabait na doktora
"Oh hello there, gorgeous." may pilyang ngiti sa labi ng doktor na bahagyang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Zeigan
"Doc si Engineer Zeigan Montero daddy ni Mandy, Zeig si doc Alvarez pedia ni kulit."
Nagkamay ang dalawa at makahulugang nagbiro ang doktora. "Mas kamukha pala ni Mandy ang daddy nya kesa sa'yo Alix. Ganda ng combination ng genes nyo ha."
"I'll take that as a compliment doc, girl version ko talaga ang prinsesa ko. And I like your straightforwardness. I think magkaka-sundo tayo." magiliw na sagot ni Zeigan sa doktor
Masaya pa silang nakipag-kwentuhan sa doktor at sinigurado pa ni Alix na babalik naman sila ng Baguio pag okey na si Mandy. Halos kalahating araw silang nag-asikaso ng mga iba pa nilang kakailanganin sa paglipat sa Manila.
Dumaan na din si Alix sa boutique at maayos na kinausap ang dalawang tauhan doon. Pansamantala ay by messenger muna sila mag-uusap at kung kakayanin na once a week ay mag-stay sya ng Baguio for two days para sa negosyo nya at ganoon na lang muna ang magiging set-up nila.
"Di ka ba mahihirapan na ba-byahe ka pa ng Manila to Baguio every week? Baka masobrahan ka sa pagod, remember mag-uumpisa na ang gamutan ni Mandy. Mas magiging busy na tayo." boses na nag-aalalang si Zeigan.
"Ayoko sanang mapabayaan ang boutique, kumikita na din kasi sya. Sayang naman kung mauuwe lang sa wala. May mga regulars na din naman na nagpapagawa sa akin. Medyo nakikilala na din yung brand name."
"Wala namang kaso yun, ayoko lang ng sobrang mapagod ka. Paano natin aalagaan si Mandy kung magkakasakit din tayo?"
Napangiti si Mandy sa sinabi ni Zeigan, masarap lang isipin na sabay nilang inaalagaan ang anak kasabay din ng pag-aalaga sa isat-isa. Nakakailang na mag-isip ng mga ganoong bagay pero may kasama ding excitement sa parte ni Alix. Ang sarap kasi ng pakiramdam na may nag-aalaga sa kanya maliban sa mama nya.
Hapon na ng mag-paalam si Zeigan na babalik na ng Manila. Tumutol man si Mandy noong una pero nagawa pa rin nilang ipa-intindi sa bata na kaylangang bumalik ng ama sa syudad.
"Daddy promise babalik ka agad dito sa house, pag hindi iiyak ako ng madami."
"Of course princess, pag hindi pa ready si mommy na lumipat sa bagong house sa Manila ako ang pupunta dito sa Baguio para madalaw ka. I'll spend time with you and we will go shopping again." natutuwang pakikipag-usap ni Zeigan sa anak
Hinawakan ng dalawang maliit na palad mi Mandy ang mukha ng ama at pinaliguan ng halik ito "Promise daddy ha, kahit di tayo mag-shopping basta uwe ka dito sa house. I love you po daddy, mami-miss kita!"
"I love you princess, be good ha. Eat well and take your meds lagi. Para mabilis gagaling ang baby girl namin." sabay yakap ng binata sa anak na makulit at naglalambing
"Okey daddy, tawagan mo po ako ha. Lage-lage...."
"I will baby, wag matigas ang ulo kay mommy okey. Remind mommy to rest para di sya magkakasakit."
"Yes daddy, i love you." sabay yakap sa leeg ng ama
Matapos ang mahabang lambingan ng mag-ama ay humiwalay na din ang bata sa daddy nya. Nakuntento na ang bata sa iniwang pangako na babalik ito at muli silang magkakasama. Napaka-imposible mang isipin ni Alix ang sobrang attachment ni Mandy kay Zeigan sa maikling pagsasama ng dalawa ay kitang-kita naman ng mga mata nya ang closeness ng mag-ama.
BINABASA MO ANG
ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2
RomanceZeigan Reeve, third child among the Montero siblings. Carefree, casual, cool and wild. Because of his line of work he knows how to mingle with the commoner. At his age he wants to marry so he propose to his girlfriend....Marj. Isa at kalahating taon...