B O N D E D

9.5K 209 11
                                    

Hindi akalain ni Alix na ganito ang magiging takbo ng araw na ito. Nasa loob ng bahay nya ngayon ang buong pamilya ni Zeigan. Akalain ba namann nyang mag-abala ang mga mayayamang tao na ito na puntahan silang mag-ina sa Baguio. Ordinaryong tao lang sila kumpara sa mga bisita. Ngayon nya malalaman kung tama ba ang naging desisyon nya sa pagpayag sa mga favor ni Zeigan.

Bukod sa mga magulang ni Zeigan ay isa-isa nyang nakilala ang mga kapatid nito. Dalawa na pala ang may asawa sa kanila, si atty. Inigo at si doc James. Kasama ang mga hipag na sina Thalia at Sam. May dalawa na syang babaeng pamangkin si Therese at Jamaica at ang kanyang si Mandy ang panganay sa mag-pipinsan. Si Dale na isang piloto, ang bunso sa kanilang mga lalaki at si Sydney ang nag-iisang babae at pinaka-bata sa magkakapatid na Montero.

"Everyone this is Alix and my daughter Mandy. This is tita Alice, mama ni Alix..." si Zeigan

Magalang namang binati ni Alix ang buong pamilya while Mandy being the reason why everybody is here ay binigyan ng oras ni Zeigan na makilala ang lahat lalo na ng Mama at Papa nito. "Mandy meet grandma and grandpa..." Kalong ni Zeigan ang anak pero nagulat silang lahat ng kinuha ni Mandy ang kamay ng lolo at lola nito at nagmano sa dalawang matanda.

Halos di maitago ni Donya Elena at Don Roman ang saya at sobrang na-touch talaga sa inasal ng apo. Ayaw nilang biglain ang bata pero kusa itong sumama ng umamba ang Donya na kalungin sya. Nakita ni Alix kung papaano marahang niyakap ng matandang donya ang anak kasabay naman ng paghaplos sa likod ni Mandy ang ginawa ni Don Roman.

"Don't cry grandma, di ka ba happy? Ako happy kasi madaming visitor...." si Mandy habang pinupunasan ang luha sa pisngi ng lola nya

Nagkatawanan ang lahat sa sinabi ng bibang bata, saka pa lang nakabawi ang donya at kinausap ang apo "Siempre happy kasi nakalong kita, happy si grandma because I got to embrace and see Mandy."

"Embrace mo nga din si grandpa..." pagkakuha ni Don Roman sa bata ay hinalikan sya nito sa noo saka tinitigan ang mukha ng lolo

"Grandpa your guwapo like daddy..." everybody laugh sa sinabi ni Mandy. Parang biglang gumaan ang mga emosyon ng lahat dahil sa batang makulit.

Parang matagal ng magkaka-kilala ang tatlong batang babae at naglaro ng magkakasama. Ganoon talaga siguro dahil magkaka-dugo naman talaga ang mga ito. Ang mga matatanda naman ay kinuha na ang pagkakataon na ito para makapag-usap lalo sa kundisyon ng bata.

"Alice....okey lang bang Alice na lang itatawag ko sa'yo just to cut the formality, and please call me Elena. Ayoko sanang nagkakailangan pa tayo..." si donya Elena

"Oo naman Elena wala namang problema sa akin." si Alice

"Bilang Mama ni Zeigan at lola din ni Mandy nandito kame ni Roman para makipag-tulungan para pagalingin ang apo natin. Noong sinabi ni Zeigan ang tungkol sa pagkakaroon nya ng anak siempre natural lang na mag-taka kame lalo ng sinabi nya na almost four years old na ang bata. Pero naipaliwanag naman ng maayos ni Zeigan ang naging sitwasyon nila ni Alix. Kung ano man ang mga iba pang issue sa pagitan nilang dalawa, matatanda na sila para sila mismo ang mag-ayos nyan. Ayaw naming makialam ng Papa nya , bahala sila ni Alix mag-usap tungkol sa personal nilang relasyon kung meron man. Basta ang importante maayos ang pagiging magulang nila sa apo natin."

Sumang-ayon naman si Alice sa sinabi ni Elena "Ako man ay ganyan din ang pananaw, nandito lang ako para suportahan sya at bigyan ng guidance. Nandito tayong mga magulang para umalalay lang sa kanila, sila pa din ang kailangang magde-desisyon."

"Magkakasundo tayo sa aspetong yan Alice, ang tungkol kay Mandy ang inaalala namin ng Papa nya. Halos hindi ako nakatulog kagabi ng sinabi ni Zeigan ang tungkol sa sakit ng bata." tumingin si Donya Elena kay Alix saka nagsalita ulit "Pasensya ka na hija kung madalian ang pagparito namin, gusto kitang makilala at si Mandy. Tuwang-tuwa ako sa videong ipinakita ni Zeigan sa amin, pero di malubos ang saya ko. Hayaan mo sana kaming tumulong sa pagpapagamot sa kanya. May sarili tayong ospital sa Manila, hindi naman ako nagyayabang pero high-tech lahat ng facilities doon. Pag-isipan mo at ng mama mo kung gusto nyong sa Manila ituloy ang gamutan ni Mandy. Pagtutulungan natin lahat para gumaling sya...hindi mo kaylangang mag-desisyon sa ngayon, wala ding pilitan. No rush hija take your time to think it over. Kung mapag-desisyunan nyong dito sa Baguio ang gamutan igagalang namin yun."

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon