L I E S and D E C E P T I O N

6.4K 128 3
                                    

In no time nakapagpa-schedule na si Thalia kay Doc Daisy para kay Alix.  "Thank you talaga Thalia ha, ayoko na kasing patagalin pa ito eh mas lalo akong naste-stress habang wala akong masagot sa mga tanong sa sarili ko."

Hinawakan naman ni Thalia ang isang kamay ni Alix para makampante ito, nasa Montero Medical Center sila para sa appointment ni Alix.  "Ano ka ba? Kumalma ka nga, I'm sure wala yan stress ka lang. Ask everything kay Doc Daisy. Mabait yun saka matyaga sumagot, sya din ang head ang OBY-GYNE section dito sa hospital."

Tipid na ngiti ang sinagot ni Alix sa hipag kasabay ng paglabas ng doktor sa consultation office nito.  "Hello, hello! Ang gaganda naman ng mga pasyente ko."  masayang bungad ng kalog na doktor

"Hi doc! Looking good ha. I like the color of your hair. Pink talaga...."  sabay tawa ni Thalia

"Ooy ano ka ba uso yan noh. Ako pa ba ang magpapahuli? Age is just a number you know...."  sabay irap ng doktor

"Yan tayo eh! Kidding aside doc bagay sa'yo...."

"Bakit ka nandito? Buntis ka? Nagulat ako nung makita ko yung appointment notebook eh..."

"Buntis agad pag-andito? Di ba pwedeng na-miss lang kita doc..."

"Weh di nga?"  si doc ulit

"Grabe doc pati expression mo pang bagets na rin..."  tawa ni Thalia

"Millennials dear, so 80's naman yung bagets....eeww!"  arte ng doktor

Natawa na din sa Alix sa kwentuhan ng dalawa kaya napalingon si Thalia sa kanya...  "Doc hindi ako ang may kailangan sa'yo....sya!"  sabay turo kay Alix

Tinapunan ng tingin ni doc Daisy si Alix kaya nagpatuloy si Thalia na magsalita.  "Oo nga pala doc meet Alix wife ni Zeigan, Alix si doc Daisy, the most sought after OB-GYNE dito sa hospital. Namimili ng pasyente yan, ingat ka...."

Natawa si Alix at doc Daisy sa panlalaglag ni Thalia sa mabirong doktor.  "Siraan ba ako???"

"Hi doc, thank you nakasingit ako sa schedule mo." si Alix

"Ang ganda naman pala ng misis ni Zeigan? Bakit ba yang mga Montero na yan parang mga dyosa ang mga misis? So anong meron?"

Si Thalia ang naunang mag-explain ng kailangan sa doktor na kausap.  "She wants to get pregnant kaso naa-alarm sya kase wala naman daw silang ginagamit to prevent it pero hindi pa rin sya nabubuntis. Ayan tuloy napa-praning."

"Tsk, tsk, tsk..... yan ang wag na wag mong gagawin. Stress ang pinkamahirap gamutin. Alam mo ba na maraming negative na dinudulot sa katawan natin yang stress. Pwedeng yan ang dahilan kaya ka nahihirapan  mag-conceive."  umpisa ng doctor

Nagkatinginan ang mag-hipag at nagpatuloy ang doktor,  "Is this your first time na mag-consult sa isang OB?"

"Ah no po. I had a daughter who's turning five soon...last time I had a check-up sa OB was a month after kong manganak kay Mandy."

"So hindi ito ang first time na mag-attempt ka na mabuntis...nape-pressure ka ba na di pa nasusundan si Mandy? Kasi nakakadagdag yun sa stress mo..."

"Nahihiya po kasi ako kay Zeig everytime I use sanitary napkin doc."

"Don't be, maling attitude yun. Sige we will start from your history para may basic ground tayo to rule out every details."

Tumango lang si Alix sa doktor tanda ng pagsang-ayon, a moment later pumasok ang medical secretary ni dok to take some notes from them... "We will start to run some test, if it's okey with you kung may oras ka ngayon." tanong ni doc

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon