RED MOLE and RIPE MANGO

9K 187 4
                                    

S P G

"Ayoko na, sobrang sakit na...dun ka nalang sa ex mo. Magsama kayo pareho kayong may sayad....putek!"  paulit-ulit lang si Alix habang panay ang tungga sa baso na may wine. Natatawa na lang ang mga hipag nyang pinagmamasdan ang lasing na dalaga. Tuloy lang ang litanya ni Alix dahil sa sobrang sama ng loob kay Zeigan. Nakikinig lang ang tatlong babae sa pagmamaktol niya  hangang sa mag pass-out na ito.

"Wala na nag-pass-out na sya. Ano ba kasi ang pinag-awayan nila ni Zeigan at nagka-ganito 'to?"  si Sam

"Baka naman di lang nagkaintindihan ang dalawang yan."  si Leya

"Malamang LQ lang .... magbabati din yan makita nyo. Siempre nag-a-adjust pa silang dalawa sa isat-isa. Four years silang nagkahiwalay, baka nagkakapaan pa ulit ng ugali."  si Thalia

"So ano na? Dito mo na lang ba patutulugin si Alix? Tawagan ko na si tita Alice para di naman mag-alala."  si Sam

"Mas okey siguro kung si kuya Zeig ang tawagan natin para sya na ang maghatid kay ate Alix sa condo nila."  si Leya

"Very good ka talaga Leya, sige ipasundo natin 'to kay Zeigan para kung ano man ang problema nila mapag-usapan pag nawala na ang tama netong babaeng 'to. Grabe  nalalasing sa wine..." si Thalia

"Kundi ka ba naman malasing eh halos sya ang umubos ng 2 bote ng wine na nilabas mo."  sabay tawa ni Sam

In no time ay dumating na agad si Zeigan sa bahay nila Inigo, nag-alala sya sa itsura ng asawa na wala na sa wisyong tulog sa sofa nila Thalia.  "What happened? Bakit nyo hinayaan uminom? Kayo talaga mga kunsintidor." 

"Hoy Zeigan FYI ha, masama ang loob ng jowa mo sa'yo. Anong bang ginawa mo ha? Bakit naghihimutok yan?"  sita ni Thalia

"Oo nga kuya Zeig mugto na nga yung mata ni ate Alix kakaiyak eh..."  si Leya

"Ikaw Zeigan ha kabago-bago nyo may LQ na agad."  sabad naman ni Sam

Nalilitong hinarap ni Zeigan ang tatlong hipag  "What are you saying? I don't have any idea what you're talking about? Si Alix masama ang loob sa akin? Why? Wala akong natatandaan na may pinag-awayan kame."

"Well apparently your luka-lukang ex got to meet her and talk some nasty things about you and that bitch Marj. Sorry for the words pero nakakainis lang na kaylangan pa talaga nyang guluhin yung mag-ina mo? Akala ko ba ayaw nya na sa'yo?"  si Thalia

"Wala akong idea na nagkita sila, panu nangyare yun eh lagi namang may kasamang bodyguard si Alix pag lumalabas. Di naman pwedeng di magre-report sa akin si Ninoy kung may nakita sya na lumapit kay Alix. Besides alam ni Ninoy ang itsura ni Marj."

"Obviously nalusutan ka ng ex mo, nalapitan etong present mo. Naku Zeigan kung ako sa'yo ilipat mo na sa condo mo yung mag-ina mo bago ka pa masalisihan ulit ni Marj. Di natin alam kung hangang saan ang kayang gawin ng babaeng yan."  sabi ni Sam

"Oo nga kuya Zeig, nung una si Mandy, na-stressed na nga yung bata at nagkasakit pa dahil sa mga sinabi nya tapos ngayon si ate Alix naman ang nilapitan nya, o yan naman ang nangyare naglasing sa sobrang sama ng loob. Ano na sa susunod? Baka may mas grabe pa syang  gagawin ulit."  explain ni Leya

"May sinabi ba si Alix kung anong pinag-usapan nila ni Marj?"

"Wala sya masyadong nasabi yung tungkol lang sa compatibility nyo sa kama ng baboy na babaeng yun. Kaylangan ba talagang ikuwento nya ang mga ginagawa nyo dati nung kayo pa. Kungdi ba naman talaga baboy ang bibig ng babaeng yun."  nanginginig nanaman si Thalia sa inis

"Thank you ha ako ang tinawagan nyo. Saka thank you din you give her company. Mag-uusap nalang kame pag nawala na ang pagkalasing nya. Don't worry aayusin ko 'to."

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon