TRACES

7.6K 149 4
                                    

S  P  G  (HARSH LANGUAGE ahead)

Hindi maitago ni Zeigan ang sobrang galit kay JM ng hablutin nya ang damit nito at walang habas na sinapak ng magkaharap sila sa prisinto. Badboy ng matatawag pero lumabas lahat ng kinikimkim na poot at lampas langit yatang pagkasuklam ng lalake sa kumidnap sa asawa nya. Abot-abot ang awat ng mga pulis kasama na ang ninong nyang heneral. Hindi rin sya binibitawan ng dalawang personal bodyguard ng mga Montero at walang dudang mapapatay nya si JM.

"Put@ng-ina mong hayop ka pasalamat ka nasa prisinto tayo pero kung inabot kita kanina maghahabol ka ng hiningang ulupong ka." 

Tatawa-tawa naman si JM na mas lalong ikinaka-init ng ulo ni Zeigan, kahit putok na ang labi sa tinamong mga suntok ay parang di iniinda nito ang natamo sa kaharap.  "Ang ganda pala ng asawa mo Montero kaya pala binitawan mo si Marj, sariwang-sariwa at mukhang masabaw si misis. Kahit pawisan ang bango...di nakakasawa!!!"  ang mala-hayok na pang-iinis ni JM 

Nagpupumiglas si Zeigan sa mga bodyguard na umaawat pero hindi nagpatinag ang mga ito.  "Ulupong ka t#ng-ina mo papatayin kitang hayop ka...."

"Ang bilis mo naman kasing i-rescue si Alix, natikman ko sana para nalaman ko kung bakit ibinahay mo agad, mas magaling ba sya sa kama kesa kay Marj?  Kaya lang insulto na sa akin yun kung dadamputin ko pa sa pangalawang pagkakataon ang babae mo parang di na kaya ng ego ko yun....kaya ko rin namang kumuha ng sariwa."  sabay tawa nito ng nakakaloko

Sa pagkakataong ito sa sobrang galit na siguro ay naka-hulagpos si Zeigan sa pang-aawat ng mga bodyguard. Mabilis itong nakalapit kay JM na hinarangan na din ng mga pulis pero nakapag-pakawala pa din ng isang malakas na suntok na dumapo sa isang mata nito.  "Wala kang karapatang bastusin ang asawa ko, babuyin mo na lahat wag lang si Alix t#ng-ina mo..."

"Ang damot mo naman, titikman ko lang eh....magaling bang umungol?"  pang-uuyam ulit nito sa kausap kahit naka-posas na at gwardyado ng mga pulis

"Wag na wag mong pakikialaman ang asawa ko, ni dulo ng daliri nya wag mong hahawakan baka hindi ka na abutin ng umaga animal ka..."

"Tsk, tsk, tsk...." ang iiling-iling na si JM

Sa isang banda ng kwarto ay nagsalita ang magiting na heneral,  "TAMA NA YAN....ilabas nyo na si Zeigan kami na ang bahala dito."  

Pagkalabas ng interogation room ay nagtuloy sya sa mesa kung saan kinuhanan ng statement si Alix. Kasama ang kapatid na si Inigo ay binasa ni Zeigan ang kabuuan ng statement ng asawa. Matapos nyang mabasa ang buong statement ay tiningnan nya si Inigo na naka-masid din pala sa kanya.  "Have you read it all? Hindi pala si JM ang utak kungdi si Marj talaga? Pero wag ka munang mag-rely dyan completely, marami pang pwedeng loopholes yan. Baka yun lang ang pinapalabas ng dalawang yan para isa lang sa kanila ang madiin. We never know kung ano talaga ang tumatakbo sa mga isip nila, mga utak kriminal na ang dalawang yan..."  sabi ni Inigo

"Kahit sino pa sa kanilang dalawa ang utak, sisiguraduhin kong paraeho silang mabubulok sa kulungan. Wala akong pakialam kung anong agenda nilang dalawa hindi ako titigil hanggat di sila parehong nagbabayad sa ginawa nila sa asawa ko."  si Zeigan habang hawak-hawak pa ang kopya ng statement ni Alix.

"Na-contact ko na nga pala si Atty. Edwin, kausapin mo na lang, pero nasabi ko na yung nangyare. Magkita na lang kayo sa Manila pag-uwe natin."   

Kunot ang noo ni Zeigan na humarap sa kapatid,  "Sinong Edwin? Anong meron?"  takang tanong nito

"Do you remember yung rape case nung anak ng congressman na taga Palawan? Si Edwin ang nagpanalo ng kaso yun, one of the best criminal lawyer na yung loko. Naalala mo lagi sya sa bahay pag may okasyon dati nung mga estudyante pa kame. Atty. Edwin Nakpil remember?"

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon