HAPPY HEART

10.2K 185 3
                                    

"w h a t   i s   m e a n t   t o   b e   w i l l   a l w a y s   f i n d s   i t s   w a y . . . . ."

ALIX's POV

MRS. ALIYA MONTERO...ang sarap pakingggan kapag tinatawag ako ni Zeigan sa ganitong pangalan. Gustuhin ko man na ipaalam ang totoong status namin ay pinanghihinaan ako ng loob, may takot akong nararamdaman. Nag-uumpisa palang ang relasyon namin malabo pa sa ngayon pag-usapan ang tungkol sa pagbuo ng pamilya kahit may anak na kaming dalawa. Marami naman sa ngayon ang nagsasama ng walang kasal pero kakaiba ang sitwasyon naming dalawa. Legal kaming kasal ni Zeigan hindi nga lang nya alam na mag-asawa na kame noon pa man. Higit sa lahat hindi ko alam kung nasa plano ba ng lalaki ang pagpapakasal at kung ako ba ang gusto nitong pakasalan. Nasa peak si Zeigan ng pagka-binata nya, maraming successful businessman na gaya ng kanyang edad na hindi priority ang pagkakaroon ng pamilya. They choose to remain single dahil sa sobrang busy ng schedule ng mga ganitong klaseng mga lalake.

"Love kumpleto na ba yung binilin ni Mandy? Baka may nalimutan pa tayo." kinabig ako ni Zeigan palapit sa katawan niya. Nasa Good Shepherd kame at namimili ng mga binilin ni Mandy sa aming dalawa. Ito na din ang ipapasalubong ni Zeigan sa mga pamilyang babalikan sa Manila. Hindi pa din ako sanay sa mga paglalambing nito sa kanya. Pati ang pagtawag ng endearment nito  ay ikinapupula pa rin ng aking pisngi. Madalas itong mapansin ni Zeigan kaya mas lalo nya akong tinutukso at iniinis.

"I think kumpleto na lahat pati yung mga pasalubong mo sa family mo meron na din. Mamaya pag may nadaanan tayong nagtitinda ng walis bibili din ako."

Nakapulupot ang braso ni Zeigan sa may leeg ko habang nasa likuran ko ito. Lagi syang ganito kahit nagluluto ako sa kusina o kaya naman ay noong isang araw na binibihisan ang manikin sa boutique. Tinutukso tuloy kame ng mga mananahi sa boutique. Natural na touchy at showy  ito, ang pagiging malambing  ang minanang ugali ni Mandy sa kanya. Ako na lang minsan ang umiiwas kapag feeling ko ay sobra na ito sa pagiging sweet. Nakakalunod kung magbigay ng atensyon at pagmamahal si Zeigan. Walang oras na magkasama kame na di nya ako inaalala. Hindi ko alam kung natural sa kanya ang ganyan, sana sa akin lang o kay Mandy. Selosa akong tao, ayaw ko ng may kahati sa pagmamahal o atensyon ng taong mahal ko. Ipagdadamot ko talaga lalo kung si Zeigan ang pinag-uusapan.

Hawak ni Zeigan ang kamay ko ng mag-yaya ng umalis. Mas mabuting maabutan naming gising si Mandy pagdating ng Manila. "Akin na nga yang mga dala mo. Ang kulit sabi ng wag magbubuhat ng mabigat." sabay halik ng mabilis sa pisngi ko. Hay para-paraan talaga ang lalaking ito. Mas makulit pa sya sa anak namin.

"Kaya ko na man kaya, saka di namam mabigat sakto lang." inirapan ko na lang sya kasi iisa pa talaga ng halik

Prente na ako sa pag-upo sa passenger side sa tabi nya ng i-check mabuti ni Zeigan ang lock ng seatbelt ko "Seatbelt misis, importante po. Longdrive po tayo." mabilis na naka-halik na naman ang loko dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isat-isa.

"Nakakarami ka na Engineer Montero...di pa nangangalahati yung araw." biro ko sa kanya

Umisa pa talaga ng halik ang makulit na lalake at saka matamis akong nginitian "Kasalanan mo nakaka-addict ka kase."

"Ah talaga, ako pa talaga ang may problema, ganun?"

"Yes misis, it's your fault why I'm acting this way. I can't help myself whenever you're near me."

"Bolero ka mister, ilan na bang babae ang ginamitan mo ng ganyang punchline. Overused na yan eh."

"Hey let me remind you, I'm not that cheezy person...sa'yo lang. And if you want to ask me why? I'm sorry neither do I  have the answer for that."

Natapos din ang kulitan namin ni Zeig at tumuloy na sa byahe. No dull moment when I'm with him, I can ask him anything under the sun. Kahit personal question I can get an answer, kung di naman sya sigurado he will just smile and will answer me to wait until he is ready. That's one thing na napansin ko kay kanya, mas pipiliin na lang nyang manahimik kaysa magsinungaling sa isasagot sa akin and I'm okay with that.

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon