F A M I L Y.....

9.6K 193 2
                                    

Zeigan spend two more days with Alix and Mandy, it's hard to believe that he is having a hard time going back to Manila. For a little time he spent with his daughter, there's this strong bond that connects him with her little girl. Ang hirap isipin na mapapalayo sya sa bata mabuti sana kung malapit lang ang distansya ng Manila to Baguio. Nagpatulong sya kay Alix para kausapin ang anak, kailangan nyang maipaliwanag mabuti ang sitwasyon nila sa paraang maiintindihan ni Mandy. Swerte lang at matalino ang bata advance ang isip nito sa kanyang mga kaedad kaya hindi sila nahirapan na ipa-intindi dito na kaylangan nyang bumalik ng Manila para asikasuhin ang mga naiwang negosyo at trabaho.  

Sa huling araw sa Baguio ay humingi ng oras si Zeigan kay Alix para makapag-usap sila tungkol kay Mandy. Mas magandang sa pag-alis nya ng Baguio ay may maayos silang napag-usapan tungkol sa bata. Mas makakabuti kung magkasundo sila at nagkakaintindihan para maiwasan ang misunderstanding sa pagitan nilang dalawa. 

Nag-suggest si Zeigan na mag-usap na lang over dinner bago sya bumaba ng Manila that day. Sumang-ayon naman ang dalaga since gusto din nyang makausap ang binata. May mga bagay kasi na gusto nyang itanong dito. 

"Thank you for giving this chance para magkausap tayo, I appreciate that you give me some of your time for this."   si Zeigan 

Sa totoo lang balak talagang kausapin ni Alix si Zeigan kung may oras ito, buti na lang at ang binata na ang nag-initiate ng effort para magkausap sila.  "No worries, gusto din sana kitang makausap...."

Napatingin si Zeigan kay Alix matapos marinig ang sinabi nito.  "Sige since ikaw ang babae, unahin muna natin pag-usapan ang mga concerns mo. Go ahead I'm all ears."

Alix grab the opportunity to talked and ask some matters na gumugulo sa isip nya simula pa noong unang beses ng malaman nyang hinahanap sya ni Zeigan.  "How do you know that we have a daughter? When did you know that Mandy exist? Paano mo kame natunton dito sa Baguio?" 

Alam ni Zeigan na madami pang kasunod na tanong ang mangagaling kay Alix. Hindi nya pwedeng sisihin ang dalaga sa inaasta nito. Kailangan nyang masagot ng maayos ang mga tanong  para mawala kahit papaano ang mga agam-agam sa isip ni Alix.  "I have ways to know things na may connections sa akin, sorry pero for now that's the only logical answer I can give  you."

Mayamang tao si Zeigan alam yun ni Alix simula pa lang, kaya hindi imposible na marami itong pwedeng gawin at pakilusin kung gusto nitong matunton silang mag-ina. Nangahas ulit syang magtanong sayang ang pagkakataon na kaharap na niya ang binata.  "Bakit mo kame hinahanap? Bakit after almost four years, bakit ngayon lang? Aksidente lang ba ang paghahanap mo sa amin?"

Hindi pwedeng sumablay sa sagot si Zeigan, isang pagkakamali nya ay maaaring ipagdamot ni Alix ang anak nila kaya mas mabuting mag-ingat sa mga bibitawang salita sa dalaga.  "I admit at first ikaw ang hinahanap ko, but as i go deeper para matunton ka, I discovered things and track time backwards on that day I met you. Madami akong pinagdaanan bago ko nabuo ang puzzle mo at ni Mandy, but I'm grateful na hindi ako tumigil at sumuko para mahanap kayo."

Nagpatuloy pa din si Alix sa pagtatanong,  "So ngayong na-confirm mo that Mandy is your daughter, anong plano mo? Will you be  asking for joined custody, visiting rights? Tell me...May plano ka bang kuhanin si Mandy sa akin? Because if you do I'm telling you Zeigan lalabanan kita. I am capable of raising Mandy without getting any help from you."  Medyo tumaas na ng konti ang boses ni Alix ng sinabi nya ang mga salitang ito sa harap ni Zeigan. Determinado si Alix na ipaalam kay Zeigan na kahit kailan ay di nya isusuko ang karapatan sa anak.

Nagulat man sa sinabi ng kaharap pero naintindihan ni Zeigan ang worries sa puso ng dalaga. Alam nya ang takot na bumabalot sa isip nito. Kaylangan nyang ibigyan ang assurance na yon para sa kanapanatagan nito.  "Calm down Alix, wala akong agendang ganyan. I'm just here to be the father to my daughter. Gusto ko lang maging part ng buhay ng anak ko, I know in my daughter's heart she knew that I'm her dad. Pero sana legally speaking magkaroon din ako ng kahit kaunting karapatan sa anak ko. Huwag mong iisiping ilalayo ko si Mandy sa'yo dahil hindi ko gagawin yon....ayokong magalit o kahit magtampo man lang ang anak natin sa akin. Ayokong kahit na sino sa inyong dalawang mag-ina ay masasaktan, not when I'm around. I will not allow that to happen...remember that."

ENGR. ZEIGAN REEVE MONTERO : ( THE WILD ) MONTERO BROTHERS SERIES 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon