"I'm just right here to watch you..." Mahinang sabi ni Hadrian.
Nasa madalim kami parte ng building na may kalayuan sa sinabing lokasyon sa text. Tanging ako lang ang pwede pumasok sa lumang building na iyon.
Nagbuntong hininga ako tsaka tumango. Binigyan niya ako ng halik sa labi bago tuluyang umalis.
Mabilis ang oras at maaari siya mahuli.
Madilim na nung pumunta kami. Agad kumilos sina Zaryl, palihim sila nagtatago at nilalabanan ang iba pang tauhan sa loob ng building.
Nakatayo na ako mismo sa harapan ng building. Inayos ko ang mask ko para hindi makilala.
Magaling sila pumili ng lugar. Mukhang inambandona ang building na ito sa itsura pa lang. Walang masyadong tao tanging ang ibon lang ang maririnig.
Gumapang ang kaba at takot sa aking katawan nang pumasok ako tuluyan sa loob. Kinuyom ko ang kamao ko habang naglalakad.
"Nandito na ako! Ilabas niyo na ang kapatid at pinsan ko!" Sigaw ko.
Patuloy lang ako sa paglalakad. Naiinip na ako dahil hindi ko pa nakikita ang kapatid at pinsan ko.
"Ilabas niyo na---"
Naputol ang sasabihin ko dahil may bumato sa akin ng mahaba na bakal. Muntikan na iyon tumama sa mukha ko at mabuti na lang ay nasalo ko ito nang mabilis.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari. Hawak hawak ko ang bakal na ilang dipa na lang sa mukha ko. Nahihingal ako habang tinitignan ng masama ang bumato.
Nagulat naman ang mukha niya nang makita niya na nasalo ko ang binato niya.
Sa inis ko ay unting unti ko binali ang bakal sa harapan niya at binato iyon sa kung saan habang hindi tinatanggal ang tingin sa kaniya.
"Nasaan ang boss mo?" Tanong ko.
Lumunok ito bago nawala sa paningin ko.
"Masyado yata tayo nagiging brutal?" Napalingon ako sa lalaki na nagsalita.
Nakapamulsa ito at nakangisi sa akin. Tulad ko ay itim rin ang kasuotan nito. Sinundan ko ng tingin ang mga tauhan niya na unting-unti lumalabas mula sa kanilang pinagtataguan.
Mga sampu sila nandito sa aking harapan at sigurado ako ay mga tinatago pa sila tao sa likuran.
"Brutal na ba yon sa'yo?" Ngisi kong tugon.
Nawala ang ngisi sa labi nito.
"Ang lakas ng loob mo para pagsabihan ako ng ganiyan. Baka gusto mo iputok ko ito sa ulo ng kapatid mo?" Sabi ng isa at tinaas ang hawak nitong baril.
Kinuyom ko ang kamao ko.
"Kung sino man kayo o ano man ang pakay niyo, labas sila dito. Kung ako ang gusto niyo pagdiskitahan, ako na lang. Wag lang ang pamilya ko." Mariin kong sabi.
Humalakhak ito nang malakas. Tinuro turo pa ako habang tumatawa.
"Ano gusto mo, ikaw ang kunin namin? Edi napatay mo naman kami, ano kami tanga?" At tumawa ito ng malakas.
"Kaya nga ginamit namin ang pamilya mo para ikaw ang kusang lumapit sa amin! At magka-lintikan na! Hindi lang ako ang makakaalam ng tunay mo pagkatao, pati na rin ang kapatid mo!"
Natigilan ako sa sinabi niya. May alam sila tungkol sa pagkatao ko? Paano nangyari iyon?
Mga mukha silang sindikato. Imposible na may alam sila tungkol saamin. Kahit isa ay wala ako pinag sabihan tungkol sa pagiging Mythian ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/214778594-288-k894482.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasyThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...