"Diyan na lang, maraming salamat talaga. Sa susunod talaga ay babawi ako sa'yo." Nakangiti kong sabi.
Nang makalabas ako sa kotse ay nagulat ako nang lumabas din siya. Naghalukipkip ito sa aking harapan.
"U-uhh, hindi ka pa ba aalis?" Natatawa kong tanong.
"No, ate Pretty. Baka habulin ka ulit ng mga tanginang 'yon." Nagulat ako nang nagmura ito. Hindi halata sa mukha niya na nagmumura siya, mukha siyang inosente na babae.
"Akala ko hindi ka nagmumura pero parang mas malala ka pa pala sa akin magmura. Ang lutong ah." Sabi ko.
Ngumuso na lang ito.
"Lumaki rin ako sa kalye no, wala lang talaga sa mukha." Sabi niya kaya natawa ako.
"Ano pala ginagawa mo doon kanina? Gabi na ah."
Natigilan siya. Yumuko siya at pinaglaruan ang mga daliri.
"I was waiting for someone. He said we will meet there so..." Nahihiya niyang sabi.
Nanunukso ko siya tinignan.
"Boyfriend mo? Ikaw ah, ang gabi na. Ano gagawin niyo sa oras na ito?" Pang aasar ko. Nanlaki ang mga mata nito.
"H-hey! It's not like that! Parang kuya ko na 'yon. He's my savior actually, and I just want to know if he's okay." Nahihiya niyang sabi.
Napangiti naman ako. Kinurot ko ito sa tagiliran kaya sinamaan ako nito ng tingin.
"Naku, baka ma-develop 'yan ah. Sige, papasok na ako sa loob. Sure ka ba nag mags-stay ka dito? Pwede ka naman na umuwi." Sabi ko pero umiling ito.
"I will make sure that you're safe here! So go na!" Napangiti na lang ako.
Pagpasok ko sa loob ay nakangiting ko tinignan ang dala kong pasalubong. Bago kami pumunta dito sa bahay ay nakiusap ako sa kaniya na dumaan muna kami sa nagtitinda ng roasted chicken.
Kahit simpleng pambawi ko lang sa kanila dahil matagal ako nawala sa bahay. Sana nga lang ay hindi sila magalit dahil sa pagkawala ko.
"Oh nandito ka na pala! Kumusta ang pag-lalakwacha natin sa labas? Ayan, wala ka ng pamilya uuwian."
Natigilan ako sa sinabi ni papa. Nilibot ko ng tingin ang itsura ng bahay. Nakakalat ang mga damit at may maleta pa. May mga bote rin alak nakakalat.
"S-sina mama po nasaan, pa? Bakit kayo lang nandito?" Nanginginig ang boses na sabi ko.
Kinakabahan ako sa sasabihin ni papa. Kinuyom ko ang kamao ko.
"Ayon, pinalayas ko! Sa magaling mong nanay ka magtanong kung bakit! Aba, kasalanan nila iyan! Ayos ayos ng buhay kinukumplikado nila!" Napaatras ako nang mabasag ang bote na hawak niya.
Nanghina agad ako sa sinabi niya. Parang ayaw ko maniwala sa sinabi niya, gusto ko isipin na isang masamang bangungot lamang ito.
Hindi ko napigilan umiyak na parang bata. Nahulog ang dala dala kong pasulubong. Kanina ay sabik na sabik ako umuwi dahil tiyak matutuwa si Patricia at kuya sa pasalubong ko pero wala na pala sila dito.
Ang kinatatakutan ko ay nangyari na.
Ang pamilya na pilit ko ipaglaban, protektahan, pahalagan at ingatan ay nawala na lang bigla parang bula.
"Ngayon tinatanong kita, saan ka sasama. Sa akin o sa ina mo?" Tumulo ang luha ko dahil sa tanong niya.
Kahit naman ibang anak ay hindi makakasagot sa tanong na 'yan.
Sa mga mata ni papa ay alam ko na nalulungkot siya pero hindi niya lang pinapakita. Naaawa ako sa papa ko dahil wala man lang isa sa kanila kuya at Patricia ay pumiling manatili sa tabi niya. Lahat sila ay sumama kay mama.
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasíaThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...
