"Saan kayo nagpunta?" Salubong sa akin ni Avianna. Dumapo ang tingin ko sa babae na katabi niya.
Nahihiya ito tumingin sa akin kaya puro iwas ito. Hindi niya alam kung saan titingin dahil marami rin tao sa paligid niya. Natawa ako nang mahina bago nilipat ang tingin kay Avianna.
"Diyan lang. Kailangan pakalmahin, baka makaroon ng tsunami." Ngiwing sabi ko kaya napailing na lang ito at natawa.
Napatingin naman ako sa salas. Mukhang seryoso ang pinapagusapan ng mga lalaki lalo na si Zaryl. Parang mga lalaki nakatambay lang sa kanto kung mag usap na nakakatakot lapitan.
Napamura ako sa isipan nang maalala na kailangan ko na pala puntahan sina Patricia ngayon. Siguradong nag-aalala na ang mga iyon.
Nagmamadali ko kinuha ang sling bag ko. Inayos ko lang sandali ang sarili sa tapat ng salamin bago naglakad patungo sa labas.
"Where are you going, lady?" Nagulat ako nang higitin ni Hadrian ang braso ko.
"Bibisita lang ako sa pamilya ko. Sigurado nag-aalala na ang mga iyon." Tugon ko.
"Hindi ka pwede lumabas, Eisha." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Zaryl.
Hindi pwede? Ano na naman ang dahilan nila kaya hindi ako pwede lumabas?
"Bawal? Bakit? Tatay ko kayo?" Sarkastiko kong sabi. Naiirita na ako, pati paglabas ay hindi pwede ngayon.
Narinig ko ang halakhak ni Delian sa gilid. Sinamaan ko ito ng tingin, wala na ata ito inatupag kundi tumawa nang tumawa.
"Sige, lumabas ka. Basta huwag ka magtatanong kung bakit nakakalat ang pictures mo ngayon sa labas ah." Ngising sabi ni Keidon. Binato niya ang water bottle kay Zaryl.
"A-ano?! Hindi ko maintindihan. Bakit nakakalat pictures ko sa labas?" Artista na ba ako? Hindi ako na-inform.
"Argh, you're so tanga talaga." Napa-daing si Artemis. Hindi ko ito pinansin.
"Nung gabi na kinuha namin si Hestia mula sa mga kamay ni Rolando, nag-imbestiga kami bago tuluyan umalis. Sa tulong ni Hestia, sinabi niya sa amin ang mga nalalaman niya tungkol sa nangyayari sa loob ng building ni Rolando." Paliwanag ni Keidon.
"Doon namin nalaman na nakuhanan nila ang mga mukha natin. There was a footage of you, using your ability. But we deleted all the files related to us. Even our pictures on their system. We made sure that there's no trace left." Dugtong ni Zeus.
What the heck?! May nagvivideo pala sa amin sa mga oras na iyon?
"Kung ganon, bakit nakakakalat pa rin ang mga pictures natin?"
"It's not actually literal pictures. Dahil kakampi nila ang pulisya, nagpa-facial composite sila. Mabuti na lang itsura lang alam nila hindi ang personal identities natin."
Napalingon ako sa biglang pagsulpot ni Leigh. May hawak itong sigarilyo kaya nanliit ang mga mata ko. Sinuklay niya ang kaniyang buhok gamit ng kamay.
Napahilot ako ng sentido. Napaupo ako dahil sa panghihina. Ibig sabihin hindi ako maaari makipagkita sa pamilya ko? Sigurado ako ma-apektuhan sila sa pangyayari lalo na maraming mata si Rolando sa lugar na ito.
"You're not allowed to go outside but you still have guts to come here." Sarkastiko na sabi ni Hadrian kaya ngumisi silang lahat.
"May bantay sa bahay?" Tanong ko.
Tumango si Hadrian at si Zeus kaya nakahinga ako nang maluwag.
That's good. Makakakilos ako nang maluwag. Basta ang importante ay ligtas sila.
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasyThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...
