"T-tanda?! Bakit...bakit ngayon ka lang?!" Nanlulumong sigaw ni Keidon kay lolo Franz.
Nagbuntong hininga si lolo Franz. Ginulo niya na lang ang buhok ng apo niya bago tinignan ang mga kasama niya at tumango. Hindi ko na binigyan ng pansin ang mga kasama niya dahil mas iniisip ko ang kalagayan ni Hadrian.
"Lolo Franz, si Hadrian..." Naiiyak na sabi ko.
Nanlaki ang mga mata ni lolo Franz ng makita si Hadrian. Nagbuntong hininga ito at napahilot sa sentido.
"We don't have much time. Children, the plan..." Sabi ni lolo Franz sa mga kasama niya.
Tumango silang lahat.
"On it!" Sigaw nila bago lumabas para salubungin ang mga pulis sa labas.
Lumapit sa akin si Lolo Franz at hinaplos ang aking pisngi.
"You're running out of time..." Bulong niya at alam ko agad kung ano tinutukoy niya kaya kumabog ang dibdib ko.
"Dra. Velasquez, our private doctor for Mythians. She will take care of these two. Wala na tayo oras, ang mga alaga ko ang bahala sa mga pulis. May kotse naka-abang sa likod, bilisan niyo." Sabi ni lolo Franz.
Sumilip ako sa labas at nakita ko ang mga sinasabi ng mga alaga ni Lolo Franz na nakaharang sa malaking pintuan ng hotel. Hindi na kami nagsayang ng oras, mabilis kami pumunta sa kotse na tinutukoy ni lolo Franz.
Nagulat ako ng dumating si Axcel kasama ang ibang tauhan. Kinuha nila si Hadrian sa aking balikat. Seryoso ang mukha ni Axcel habang tinatawag ang doktora para gamutin ako.
"No! I'm okay. Si Hadrian muna asikasuhin niyo please..." Pakiusap ko sa kaniya.
"Miss, you're the first priority of my boss. Kapag may nangyari masama sa'yo, baka kami ang patayin niya." Ngiwing sabi niya. I bit my lower lip.
"B-bakit niyo hinayaan si Hadrian dito? Marami kayo, bakit kayo bigla nawala?" Hindi ko maiwasan ang pait sa aking mga salita.
Nagbuntong hininga si Axcel.
"He gave us a task, Miss. And that task was to find lolo Franz. Nung binanggit mo na nawawala siya, my boss didn't hesitate to find him. Alam ni boss na may inaasikasong panibagong grupo ito kaya mabilis kami lumipad sa ibang lugar para kunin sila." Paliwanag niya.
Then, that makes sense. Hindi talaga na-hostage si lolo Franz. May panibagong grupo siya binubuo tulad ng ginawa niya sa amin noon. At kaya puro kabataan ang nakita ko na mga kasama niya.
"The bullet was the poison. Good thing they're fighting back, dahil kung hindi, maaaring binawian na sila ng buhay kanina pa." Sabi ng doktora sa aming lahat.
Pinisil ko ang kamay ni Hadrian.
Sila ni Avianna ang pinauna namin sa kotse. Dahil hindi namin pwede hayaan ang mga kabataan na iyon sa mga pulis. Baka mas lalo sila mapahamak.
"Ano ba hinihintay niyo? Umalis na kayo!" Nagagalit na sabi ni lolo Franz sa amin.
"Pero paano kayo lo? We can't leave you here." Tumango kami sa sinabi ni Zaryl.
Napahawak sa sentido ulit si lolo Franz habang sinasamaan kami ng tingin.
"Talagang likas sa inyo ang katagisan ng ulo no? Hindi kami mapapahamak, iho iha. May kakampi tayo mula sa gobyerno." Sabi ni lolo Franz kaya kumunot ang noo namin.
Biglang sumulpot sa kung saan si Leigh. Seryoso ang mukha.
"He's right. He is my family's friend. A senator. He will help us." Sabi ni Leigh kaya nakahinga kami nang maluwag.
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasyThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...
