Chapter 16

21K 955 197
                                    

Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ang kaniyang malaki na bahay. Nanlamig bigla ang mga kamay ko. Sinarado niya ang pinto ng kotse niya at nakapamulsa na nag lakad.

"Welcome back, Mr. Levinson." Bati ng lalaki sa aming tabi. Nanlaki ang mga mata ko na makita ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.

"Welcome back too, Ms. Salvanes." Sabi ni Leon! Siya yung tumulong saakin dati! Oh my, please don't tell me na master niya si Hadrian? Oh gosh.

Tumango lang si Hadrian bago bumaling saakin. Napaiwas ako ng tingin nang titigan niya ako ng malalim. Nahuli ko ang pag pigil ngiti ni Leon kaya namula ang buong mukha ko!

"Hmm, let's go." Sabi ni Hadrian sabay kuha ng kamay ko habang ang isa niyang kamay ay nasa kaniyang bulsa. Napatako ang tingin ko sa aming kamay.

Sabay kami pumasok sa kaniyang mansion. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano kami nakarating sa punto ng ito.

Napapikit ako nang maalala ang school. Bumuga ako ng hangin. Mabuti na lang last day na lang namin ngayon since kinabukasan na ang simula ng aming semester break.

Nahulog ang panga ko nang makita ang nasa loob ng kaniyang mansion. Kumikinang ang sahig, ang malaking chandelier, ang malaking hagdan, at maging ang living room nito ay sosyalin.

Bigla ako nanliit sa aking sarili. Siguro ang kwarto nito ay laki na ng bahay namin tss.

"Is there something you want to eat?" Bored na sabi niya bago umupo sa sofa. Naka dekwarto ito habang pinapanood ang bawat kilos ko.

Hindi ko siya nasagot dahil busy ako sa kakalibot sa kaniyang bahay. Dahan dahan ako nag lakad palapit sa malaking painting.

Ang mga magulang ay seryoso lamang. Habang si Hadrian ay nakapamulsa, siguro ay mga 9 years old siya rito. Nag tataka naman ako tumingin sa katabi niya sa painting.

Isang batang babae. Pareho sila ng mga mata ni Hadrian na nakuha sa kanilang ama, habang ang labi at pilik mata nila ay nakuha sa ina.

Wavy buhok ng bata, siya lang ata ang naka ngiti sa painting kaya hindi ko rin maiwasan mangiti rin dahil sa ka-kyutan niya.

"Is this your little sister?" Wala sa sarili ko sabi. Naramdaman ko ang pag lapit niya sa aking likuran.

"Yes," maiksing sabi niya. Nakatingin lamang siya sa akin at hindi sa painting kaya hindi ko maiwasan ma-ilang.

"She is beautiful, where is she now?" Tanong ko. Nag bago ang ekspresyon niya kaya kinabahan ako.

"Someone kidnapped her ages ago." Sabi niya kaya natigilan ako.

"I'm sorry, I didn't mean to--"

"It's alright, I promised to myself that I will torture and kill the person who took her away from me." Natakot ako bigla sa sinabi niya.

Halos hindi ko na siya makilala dahil sa dilim ng mukha niya, maging ang lamig ng boses nito. Parang iba ang Hadrian sa aking harapan.

"Anyway, shall we go now?" Bigla nag iba ang himig ng boses niya. Tumango na lang ako. Nahalataan niya siguro ang pagiging tahimik ko kaya huminto siya sa paglalakad.

"Don't be scared as if you're the one who am I referring to." Seryosong sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"I'm sorry," hindi ko alam kung ano dapat sabihin ko. Kumabog ang dibdib dahil sa sinabi niya.

Kung ito pa lang ay natatakot na ako, paano pa kaya kapag pinakita niya ang bad side niya saakin? Ang tunay na Hades na sinasabi nila?

Napahinto ako nang tumawa ito ng mahina.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon