Humugot ako ng malalim na hininga at kinuyom ang mga kamao. I can feel my knees trembling. Nakita ko si mama nagwawalis sa labas ng bahay.
"Ma..." Tawag ko. Umangat ang tingin niya sa akin. Nabitawan niya ang walis dahil sa gulat.
"A-anak?! Eisha!" Sinugod ako nito ng yakap kaya napapikit ako. Nanggilid ang luha ko nang maramdaman ang higpit ng yakap niya.
"Ma, dito ma ulit ako. Sorry kung nawala ako ng matagal, ma..." Marahan na sabi ko kaya napangiti siya at hinawakan ang pisngi ko.
"Naiintindihan ka namin, nak. Ang dapat sisihin dito ay ang Senator na 'yon. Hindi ka man lang namin na-gabayan at pinrotektahan..." Malungkot niyang sabi.
"Tapos na iyon ma, kalimutan na po natin iyon. Nasan po si Patricia at kuya?" Tanong ko at tinignan ang bahay.
"Naku, kagigising lang. Parehong puyat dahil nanood ng movie. Halika pasok." Hinila ako ni mama kaya napangiti ako ng todo.
Binuksan niya ang gate namin at kinuha ang walis tingting para ilagay sa gilid.
"Patricia, Gael! Nandito na ang kapatid niyo!" Sigaw ni mama habang inaayos ang halaman niya.
Napatingin ako sa pinto namin dahil sabay sabay sumulpot doon ang dalawa.
"Ate?" Nakita ko si Patricia na nagtotoothbtush. Nakalabas ang ulo niya habang hawak ang toothbrush. Nakapantulog pa ang suot.
Sunod naman si kuya Gael na naka boxer short lang at humihikab pa. Naasiwa ako bigla na makita wala siyang suot sa pantaas. Naghanap ako ng tsinelas at binato sa kaniya.
"Aray!" Pag-iinarte niya.
"Magbihis ka nga kuya! Ang dugyot!" Sigaw ko kaya sumimangot siya bago pumasok sa loob.
Sumugod naman si Patricia sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit.
"Ate! Dito ka ulit titira?! Buti bumisita ka!" sabik na sabik niyang sabi kaya natawa ako.
"Oh, mamaya na ang usapan. Nananghalian ka na ba Eisha? May pagkain doon, kumain ka muna." Sabi ni mama.
Hinila na ako papasok ni Patricia. Nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay. Wala pa rin pinagbago. Nakita ko si kuya, kumakain na habang nakataas ang paa.
"Hala! Nauna na si kuya! Patay gutom talaga!" Sabi ni Patricia bago pumunta sa mesa para kumain na rin. Napangiti ako dahil sa eksena na iyon.
Nagulat ako nang hawakan ni mama ang braso ko at binigyan ako ng ngiti.
"Dali na, kumain na kayo. Alam kong gutom na gutom ka na." Sabi niya, napakamot na lang ako sa batok.
"Ano ulam ma?"
"Bulalo at nag ihaw ang kuya mo kahapon ng liempo kaya marami natira. Kumain ka na." Sabi ni mama.
Sumunod ako sa mesa. Pinaghain ako ni Patricia. Nang umupo na ako, kumunot ang noo ko dahil sinasamaan ako ng tingin ni kuya.
"Tingin mo diyan?" Nakataas na kilay kong sabi.
"Makikikain ka pa dito, hindi ka ba pinapakain ng boyfriend mo?" Masungit niyang sabi. Nahulog ang panga ko.
"Kuya! Naku, ate. Nagtatampo lang yan." Sabi ni Patricia habang nagsasalin ng tubig sa baso. Umirap na lang si kuya.
"Tss, ang dami mong alam kuya. Ano gusto mo, maglakad ako pabalik dito habang nasa coma ako?!" Inis na sabi ko kaya ngumuso na lang siya.
"Tangina kasi iyang Senator na yan sino ba bumoto diyan tangina. Anong trip niya at gusto niya kayo ikulong at pahawakan ng droga."
Natigilan ako sa sinabi niya. Maging si Patricia ay natahimik at palihim ako sinusulyapan.
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasíaThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...
