Chapter 53

19K 782 865
                                        

DIONYSUS' POV

"Dali na kuya, palayain niyo na ako." Pakiusap ko sa mga lalaki na nasa harapan ko.

"Kulit mo talagang bata ka. Naririndi na ako sa'yo, pa-ulit ulit mo na sinasabi yan!" Napasimangot naman ako sa sinabi niya.

"Awit," ang tanging nasabi ko na lang.

Grabe naman, parang nagpapa-cute lang. Imbes na magmukmuok ay pinakitaan ko na lang sila ng mga muscle ko. Nandiri naman ang mukha nila dahil doon.

Wow ah, choosy? Swerte niyo na nga kung tutuusin, isang gwapong Greek God ang nagpapakita ng muscles sa inyo ayaw niyo pa.

Napailing na lang ako habang ngumingisi.

"Hoy totoy! Totoong ba halimaw ang mga tulad niyo?" Sigaw ng isa habang nagyoyosi.

Kumunot ang noo ko hindi dahil sa huling sinabi niya, kundi dahil sa pangalan na tinawag niya sa akin!

Amputcha, sinong totoy?!

"H-hoy! Anong totoy?! Ikaw manong mabantot, namemersonal ka na ah!" Inis na sabi ko.

"Anong mabantot?!" Susugurin niya sana ako pero lumayo na ako at sumiksik sa pinakadulo. Mabuti na nakakulong ako hayop.

Dinilaan ko na lang siya kaya mas lalo siya naasar.

"Inaasar niyo na naman ang alaga ko?" Napatingin kami pareho sa nagsalita.

Lumiwanag ang mukha ko nang makita si kuya Joel. Mukhang may dala dala na namang pagkain. Magkasalubong ang kilay siya nilingon ni manong mabantot kaya tumaas ang kilay ni kuya Joel.

"Binibigyan mo pa ng pagkain iyan, hindi rin naman siya magtatagal at papatayin na iyan!" Sigaw ni manong mabantot bago nag-walk out.

Nagbuntong hininga na lang si kuya Joel bago inabot sa akin ang supot. Ngumuso na lang ako dahil mukhang galit na naman ito.

"Ay, hindi jollibee?" Malungkot kong sabi.

"Tangina! Ikaw lang talaga kilala ko na choosy na nasa kulungan!" Sigaw ng isa nakabantay sa akin.

"Aba, kung mamamatay rin naman ako sulitin ko na ang pagkain." Natatawa kong sabi kaya humalakhak sila.

Ganito ang eksena namin araw-araw. Minsan pa ay maglalaro kami ng tongkits, syempre natatalo ko sila. Masayang kwentuhan at minsan nauuwi sa pikunan.

Maayos naman pakisamahan ang iba pero syempre may iilan na ubod ng sama ang ugali kulang na lang ay patayin ako sa kulungan na 'to.

Tanging si kuya Joel ang sobrang mabait ang sa akin. Tinuturing niya ako parang anak. Naalala niya daw ang anak niya sa akin na namatay sa kulungan kaya eto, inaalagaan rin ako.

"Hanggang kailan ka pa ba rito? Nasaan na ba ang mga sinasabi mo na liligtas sa'yo?" Seryosong sabi ni kuya Joel.

Patuloy lang ako sa pagnguya at kunwari nag iisip.

"Ewan ko pero sigurado ako na pupuntahan nila ako rito." Ngiting sabi ko sabay subo ng kanin. Nagbuntong hininga naman ito.

Naaawa sa akin si kuya Joel dahil bukod na lagi ako tinuturukan kung ano ano, menor edad pa daw ako.

Kahit gusto niya ako tulungan, hindi niya daw magawa dahil trabaho niya ito at siguradong malilintikan daw siya sa boss niya na nagtatrabaho din sa punyetang senator na 'yan.

Tanginang Rolando 'yan, gustong gusto ko siya ipakain sa tigre sa totoo lang. Nananahimik kami namumuhay--bigla bigla kami bibwisitin amputa.

"Wag ka magalala kuya, kapag nakatakas ako dito, isusunod kita. Bibigyan kita ng maginhawang buhay at presentableng trabaho." Ngiting sabi ko habang ngumunguya.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon