Minulat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang mga kalalakihan. Dumaing ako dahil sa kirot na naramdaman sa aking ulo.
Ano nangyari?
Napamura ako nang maalala ang mga nangyari. Nataranta agad ako. Tatayo sana ako kaso nakatali ang pareho kong kamay. Kumabog ang dibdib ko.
"Glad you're awake now."
Nanigas ako sa kinauupuan ko dahil sa boses na narinig. Tumingala ako para makita ang kabuoan ng kaniyang mukha.
Nakita ko si Hadrian na naka-dekwartong nakaupo sa aking harapan. May hawak na kopita sa kamay habang tinitignan ako ng malalim.
Nakahinga ako ng maluwag.
"H-hadrian? Ano nangyari? Akala ko ay kinuha ako ng kalaban. N-natakot ako..." Tumulo ang luha ko habang inaalala ang mga nangyari.
Nanatili siya walang ekspresyon.
"B-bakit hindi mo ako kinausap? Galit ka pa rin ba? S-sorry kung ganon. Sorry, baby..." Naiiyak kong sabi.
Miss na miss ko na siya. Siya lang ang kinukuhanan ko ng lakas. Gusto ko siya yakapin, halikan at makasama ulit. Nang makita ko ang mukha niya ulit ay parang napawi ang poot at tampo sa dibdib ko.
Natigilan ako nang tumawa ito ng pagak.
Sinubukan ko alisin ang pagkakatali sa akin pero parang iba ata nilagay sa kamay ko. Bakit nga ba ako nakatali?
"Stop the acting now, Persephone. You already caught." Kumirot ang dibdib ko nang naging iba na ang tawag niya sa akin.
Bakit ba siya umaakto nang ganito? Parang ibang Hadrian ang nasa harapan ko.
"H-hindi kita maintindihan, Hadrian. Bakit ako nakatali? Ano 'to? Ikaw ba ang pasimuno ng pagkuha sa akin nang sapilitan kanina? Pwede naman tayo mag usap nang maayos..." Kinakabahan kong tanong.
Sumilay ang ngisi sa labi niya. Tumayo ito mula sa kinauupuan at binigay ang baso sa isang tauhan habang hindi inaalis sa akin ang tingin.
"You want to talk huh? Okay, let's talk."
Lumapit siya sa akin habang nakapamulsa. Yumuko siya kaunti habang tinitignan ang kabuoan ng mukha ko.
"How can you still face me right now after all you've done, Persephone?" Malamig na sabi niya.
Nanlumo ako sa sinabi niya. Pilit ko intindihin ang mga sinabi niya pero wala talaga pumapasok sa isipan ko.
Nagagalit ba siya dahil sa huling away namin? Nag-sorry naman na ako at handa ako bumawi para sa kaniya.
"Hindi kita maintindihan at kung ano man iyon ay pag usapan natin nang maayos, wag ganito." Pakikiusap ko.
Hindi niya ako makapaniwala tinignan. Napatingala ito habang natatawa nang mahina. Nanginig ang mga kamay ko.
Ano ba nangyayari sa kaniya?
Hindi siya ito... Hindi siya ang Hadrian ko.
"I can't believe you, seriously. Listen here," nagulat ako nang hablutin niya ang panga ko.
Gusto ko man magsalita pero napakahigpit ng hawak niya sa panga ko. Parang ayaw niya talaga ako pasalitain.
Nagulat ako nang makita ang mga pula niyang mga mata. Madilim ito at parang dugo. Nakakatakot at nakakakaba.
"You know how much I hate the person who took my sister, right?" Tumango na lang ako.
"Then why did you keep it from me?! You knew the person who took my sister all along but you didn't say anything! Bakit? Bakit mo tinago ang taong kumuha sa kapatid ko?"
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasiThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...
