Chapter 37

23.6K 693 289
                                        

"Ate, ipasyal ko daw si Wenwen. Kasama ko naman yung ibang pinsan natin kaya may kasama ako." Sabi ni Patricia habang nag susuklay ng buhok.

"Mag ingat ka sinasabi ko sayo, bata ang kasama mo. Hindi pa marunong mag lakad yon, malilintikan tayo kay tita." Sabi ko kaya natawa na lang siya.

Nakangiti ako sa salamin habang inaayos ang sarili. Susunduin ako ni Hadrian ngayon. Hindi ko maiwasan kiligin dahil magkikita ulit kami.

Pagkatalikod ko ay nakita ko si Patricia na nakataas ang kilay saakin.

"Baliw ka na ba, ate? Ano nginiti-ngiti mo diyan?" Mataray na sabi nito kaya umirap na lang ako.

"Nakakasira ka kamo ng umaga." Naasar na sabi ko.

Bumaba na kami at bigla ko naalala na makikita nila mama si kuya sa ibaba. Dali dali ako bumaba at saktong sakto nakita ko si mama na yakap yakap si kuya.

"Gael? Bumalik ka na anak?" Naiiyak na sabi ni mama.

"Hindi na ako aalis, ma." Nakangiti na sabi ni kuya.

Natigilan kami ng tumawa ng sarkastiko si papa habang umiinom ng kape.

"Oh bumalik ka pa?" Sabi ni papa kaya umigting ang panga ni kuya.

"Pa," saway ko. Sumimangot na lang ito at tinalikuran kami.

Nagbuntong hininga na lang si mama.

"Pasensyahan mo na papa mo ah?" Sabi ni mama. Ngumiti ng pilit si kuya bago tumango.

Tumakbo si Patricia palapit kay kuya.

"Kuya, promise mo sasamahan mo ako?" Sabi ni Patricia. Natatawang ginulo ni kuya yung buhok ni Patricia.

"Pwede naman bukas ah? At saka may kailangan kami pag usapan ni mama." Sabi ni kuya kaya sumimangot yung bunso namin.

"Oh siya! Aalis na ako ma! Paalam mo na lang ako kay papa!" Sigaw ko.

Bigla humarang si kuya sa harapan ko. Humalukipkip ito sa aking harapan habang nakataas ang kilay. Natawa na lang si mama habang si Patricia ay ngumisi.

"At saan ka na naman pupunta babae?" Seryosong tanong ni kuya. Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"M-mag gagala kami ng mga kaibigan ko." Pag sisinungaling ko. Tumawa ito ng sarkastiko kaya napapikit ako.

"Sa kaibigan o sa boyfriend mo?" Bulong niya kaya natigilan ako. Napanguso ako.

"K-kuya, wag ka naman maingay. Promise sandali lang ako." Sabi ko.

"Sandali lang daw, baka mamaya mabalitaan ko doon ka na natulog sa bahay niya?" Inis niyang sabi kaya nanlaki ang mga mata ko.

"Hoy kuya! Hindi ko gawain iyon. Tss, alis na nga!" Sabi ko at tinabig siya.

"I'm telling you, I will kill both of you if you do that!" Sigaw niya kaya natawa ako.

"Dream on!" Natatawa kong tugon.

Pagkalabas ko ng gate namin ay dumeretso ako sa labasan. Panay tingin ako sa phone ko baka may nag text na si Hadrian.

Ang tagal naman non. Akala ko ba mag tetext siya saakin?

"Hey,"

Nagulat ako nang may yumakap sa likuran ko. Nakahinga ako ng maluwag na makita si Hadrian iyon. Simpleng blue polo at jeans lang suot nito pero napaka gwapo tignan.

"Akala ko naman kung sino." Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. Natawa naman ito ng mahina.

"So, where my baby wants to go hmm?" Tanong niya. Pinag buksan niya ako ng pinto sa kotse niya.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon