Chapter 50

19.9K 687 159
                                        

"Where are you?! Damn it, Eisha. We're not allowed to go outside!" Napapikit ako sa nakakabinging boses ni Hadrian sa telepono.

"Easy babe, may aasikasuhin lang ako. I'll be back before 6 I promise." Paliwanag ko habang sinusuot ang shades ko.

"Where are you--"

"Sige bye na! I'll call you back!" Namamadali ko pinatay ang telepono.

Sinandal ko ang ulo ko sa upuan. Bumuntong hininga ako bago tinignan ulit ang text ng kapatid ko na si Patricia.

From: Bunso ko ❤

Ate, nasa coffee shop na ako. Nasaan ka na? Mag-ingat ka.

Binalik ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Napahilot ako sa sentido nang maalala ang nangyari kanina.

Natutulog ako nang tumawag sa akin si Patricia. She sounds so worried about my condition. Ilang beses siya nakiusap na magkita kami ngayon. Hindi ko rin siya natiis dahil miss na miss ko na rin siya.

At kailangan ko rin malaman ang kalagayan nila sa bahay. Nag-aalala rin ako sa para sa kaligtasan nila. Kailangan ko rin makausap si kuya tungkol kay Medusa pero si Patricia na lang ang pinapunta niya.

Kampante naman na ako sa kalagayan ni Patiricia ngayon. Alam rin ni kuya na may magbabantay sa kaniya kaya siya na ang pinapunta nito. Laking pasalamat ko na may mga nagbabantay rin sa bahay at sa kapatid ko ngayon.

Binaba ko ang sumbrero at inalis ang mask ko para sigurado hindi ako makikilala.

Grabe ang pagtakas na ginawa ko kanina. Tumakas pa ako habang natutulog si Hadrian sa tabi ko, na-kosensya naman ako kaya nag-iwan na lang ako ng sulat pero itong lolo niyo ay nataranta at hindi mapakali kaya agad agad ako tinawag.

Napansin ko ang pagtingin sa akin ng driver ng taxi na sinasakyan ko ngayon. Nailang ako bigla at kinabahan na baka nakikilala niya na ako.

"Ayos ka lang ba iha?" Nanlamig ang mga kamay ko nang magsalita ito.

"A-ayos lang naman po. Malayo pa po ba?" Sinubukan ko maging normal at casual ang boses ko.

I really tried not to panic. Sumulyap sa akin ito gamit ng salamin.

"Traffic iha, dahil sa ginawang pag-iimbestiga ng pamahalaan ng lugar na ito. Ewan ko nga ba kung totoo iyong nasa balita. Buhay nga naman..." Nagulat ako na bigla magkwento ito.

"May halimaw daw umiikot sa lugar na ito. Hindi na sana ako maniniwala pero gobyerno na mismo ang nagsabi. Kaya ikaw iha, mag-iingat ka. Walang masama maniwala pero mas mabuti ang mag-ingat. Lalo na baka ang mga halimaw na sinasabi nila ay totoong pumapatay ng tao, naku..."

Hindi ko alam kung paano sagutin ang driver. Halo-halo ang emosyon ko lalo na alam ko na kasama ako sa mga tinutukoy niya.

Gusto ko sabihin ang totoo na walang masama intensyon ang mga halimaw na sinasabi ng gobyerno sa kanila at lalong hindi sila mga halimaw.

Hindi ko alam na ganito na pala ang epekto ng mga sinasabi ng Rolando na iyon sa kanila. Nagbibigay sila ng takot at kaba para sa mga tao na naninirahan dito. Puro kasinungalingan lang naman ang lahat na iyon.

Nahalataan ni manong ang pagtatahimik ko. Mabuti na lang ay nakarating na kami sa lugar na dapat kong babaaan. Dali dali ko binigay ang bayad.

"M-mag-ingat po kayo, manong. Wag po sana tayo maniwala agad sa mga sabi sabi. Sige, mauuna na po ako ingat po sa byahe." Mahinang sabi ko.

Nalilito pa ito pero hindi ko na siya hinintay magsalita pa at umalis na ako.

Habang naglalakad ay sumilip ako sa paligid ko. Maraming tao at may sari-sariling ginagawa ang mga ito. Binaba ko ang itim kong sumbrero at yumuko na lang habang naglalakad.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon