ROLANDO'S POV
"It was successfully accomplished, sir. Mamayang 3:30 pm, maririnig na ng buong mundo ang boses mo." My secretary rerported.
Napangisi ako sa aking narinig. Malalaman na sa wakas ng buong mundo ang sikreto nila. Laking pasalamat ko kay Medusa dahil tinulungan niya ako para mapunta sa pwesto kong ito.
Mythians...
Iyan ang tawag sa kanila ayon kay Medusa. Nakakatuwa dahil kahit mga bata pa ay may karanasan na sila sa pakikipaglaban. Kaya't gagawin ko ang lahat para pabagsakin sila kahit gamitin ko pa ang kapangyarihan ko bilang Senator ng bansang 'to.
"You called us because of this nonsense thing, Mr. Ramos?" Sabi ng General.
Napangiti ako nang makita lahat sila ay nasa aking harapan. Sitting in front of them, being a superior is just satisfaction. I did all of this, I got the power of the government.
The Congressman, Senator, General and all of the people under the government is with me. Because of my position, I have my rights to call them.
"Hindi ba nakakagimbala ka ng mga tao? Maging ang mga kakampi nating bansa ay dinamay mo pa." Inis na saad ng aking kapwang senator.
Tumayo ako sa kanilang harapan na may nagmamalaking ngiti sa aking labi.
"Let me discuss my goal here." Tinawag ko ang secretary ko. Tumango ako sa kaniya bilang senyales na ipakita ang mga pictures.
Gumuhit ang pagtataka sa kanilang mukha. Ang General ay napailing na lang habang hawak ang sentido.
"Please make sure it's important. We're wasting our time." Sabi ng Congressman.
Palihim ko tinignan si Medusa sa gilid, ngumisi siya at tumango.
Pormal ako tumayo sa harapan at tinuro ang nakalabas na picture sa aking likuran.
"This is Keidon Lorenz, he's working as a model. He came from a wealthy family, his grandfather is the one who raised him."
Kumunot ang noo nila. Nagbulungan pa sila habang ako ay nakangisi lamang.
"This is Zaryl Encavez, his family's business was successfully established all over the Philippines."
"This is Athaleigh Swishrein, came from a political family. His father ran for Governor--"
"Excuse me Mr. Ramos but we can't see your point here. Lahat ng mga pinapakita mo ay mga kabataan lamang. Wag mo sabihin na nais mo sila hulihin at gumawa ng masama laban sa kanila?" Sabi ng babae.
I gritted my teeth.
"And you mention that girl named Athaleigh. I am friends with her family so whatever your plan is, I'm out of it." Tumayo ang isang senator kaya nataranta ako.
Tangina! Hindi pwede masira ang plano ko!
Lalabas sana ang sila sa pinto nang sumulpot doon si Medusa. Humarang siya sa pinto ay pinitik ang daliri kaya nagsarado ang pinto. Kumunot ang mga noo ng lahat.
"Hindi sila mga tao lamang. Mga halimaw sila." Pag-aarte ni Medusa. Tumingin ito sa akin bilang senyales.
"May kinalaman sila sa insidenteng pagsabog ng building, barilan na naganap sa isang coffee shop, at gulo sa mansion ng mga Lorenz kung saan maraming tao nadamay at pulis na nasugatan." Paliwanag ko kaya nagulat sila.
Parang natauhan doon si General.
"Kung ganon, mga rebelde ang mga iyan. Ituloy mo, Mr. Ramos." Interesadong sabi ng Congressman kaya napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasiaThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...