Chapter 41

23.2K 685 335
                                        

"Hindi ko pa rin maintindihan, ate."

Nanlumo kami lahat dahil sa sinabi niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Keidon sa gilid kaya sinamaan namin siya ng tingin.

"Kumpletuhin mo daw kasi, hayaan mo ako magpaliwanag..." Maangas na sabi ni Keidon.

Bago pa ako magsalita ay inunahan niya na agad. Gusto ko siya ihulog sa hagdan nila Hadrian ngayon.

"Ganito kasi bebe girl, nagsimula iyan sa mga Greek Gods at Goddesses. Kilala mo naman sila diba? Sigurado ako napag aralan mo na iyon, naalala ko pa naka-perfect kami sa quiz tungkol sa greek mythology noon! Hindi nila alam katabi lang nila si Poseidon! Pakshet--"

Mabilis pa sa kidlat ang pagbato ni Leigh ng punyal kay Keidon. Nanlaki ang mga mata ni Keidon at mabilis pinagalaw ang tubig mula sa aquarium para iharang ang punyal na palapit sa kaniya.

Napahilot sa sentido si Zaryl dahil doon. Si Avianna ay na kay Patricia lang naka-focus. Si Artemis ay nakahalukipkip sa gilid at si Delian tawang tawa.

Tingnan ko ang reaksyon ni Patricia. Ang laki ng mga mata niya ngayon na parang nakakita ng multo. Tinuro turo niya pa sina Keidon habang nakatingin sa akin.

"P-papaano--"

"We are the Trusted Mortals of Olympians. You can also call us Human Olympians because of the power we had. Each person that you can see in this room belongs to Greek Olympians." Paliwanag ni Zaryl.

Hindi siya makapaniwala tinignan ni Patricia. Parang hindi pa makapaniwala na isa rin si Zaryl sa amin. Hind sumagot si Patricia at pinatuloy na lang ang pakikinig.

Hinayaan ko na lang si Zaryl magpaliwanag dahil hindi ko maiipaliwanag ng maayos kapag ako.

"Athaleigh had the power and the spirit of Goddess Athena." Sabay turo ni Zaryl kay Leigh.

Namangha si Patricia dahil sa narinig. Napalingon siya sa akin kaya ngumiti na lang ako at pinisil ang kamay niya.

"Keidon had the power and the spirit of Poseidon. He can manipulate water and that's what he did earlier."

Napatingin naman si Patricia kay Keidon na ngayon ang nakangisi sa kaniya. Kumaway pa ito tila nagyayabang. Napairap na lang ako.

Napansin iyon ni Hadrian kaya tumaas ang kilay nito sa akin. Tumawa ako ng peke at iniwas agad ang tingin.

"And that is Avianna, belongs to the Goddess Aphrodite."

Ngumiti ng malapad si Avianna kay Patricia.

"You can call me beauty too! Hehe!" Napailing na lang ako kay Avianna. Napaka friendly pa rin.

Pinakilala ni Zaryl sina Artemis at Delian. Namangha naman ulit si Patricia nang malaman ang pangalan ni Artemis.

Coincidence daw dahil pareho kay Goddess Artemis na ang pangalan nilang dalawa, ang sabi naman ni Artemis ay meant to be daw hindi coincidence.

Napatigil doon sa pagkikilala ni Zaryl. Tanging kami na lang tatlo nila Hadrian ang hindi pa pinapakilala. Siguro sa akin niya na pinaubaya ang tungkol doon.

"H-hindi ako makapaniwala... Parang hindi totoo..." Mahinang sambit ni Patricia.

Napayuko na lang ako.

"Ikaw? Which Olympian are you then?" Biglang tanong niya kay Zaryl.

Ngumiti ng tipid si Zaryl.

"I am Zeus. God of Sky and Lightning and also their Chief God." Tugon nito.

Umawang ang labi ni Patricia kaya natawa ng mahina si Zaryl sa reaksyon niya. Kumunot ang noo naming lahat dahil parang may sarili mundo ang dalawa.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon