Chapter 33

19.2K 734 151
                                    

Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan. Parang unti unting binabalot ng takot ang katawan ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

Bigla ako nakaramdam ng hilo na hindi ko malaman. Nanlamig ang mga kamay ko. Ang unang tao na pumasok sa isipan ko ay si Hadrian. Tulad ng sinabi ni Persephone ay siya lang ang makakaligtas sa kapalaran ko na ito.

"Eisha! Can you still hear me?!" Natauhan ako sa sigaw ni Avianna pero parang ako yelo na hindi makagalaw.

"Damn it! Move," sabi ni Keidon. Napatingin ako sa kaniya nang maupo siya sa aking harapan.

"Eisha, mag salita ka please. Zaryl, tumawag ka na ng ambulance!"

"H-her eyes! It changed again!"

"Let me," si Melissa naman ang sumulpot sa aking harapan. Pinisil niya ang palad ko at may ginawa don na hindi ko malaman.

Bigla ako nakaramdam ng kuryente doon. Simula sa palad, kumalat ito sa buong katawan ko. Napasinghap ako at parang may kumawala sa akin na hindi ko malaman.

Parang lumulutang ang katawan ko. Naalis ang bigat na kanina ko pa nararamdaman. Guminhawa ang aking pakiramdam.

"Eisha! Are you okay? What happened?" Sunod sunod tanong ni Leigh. Napatingin naman ako sa kaniya. Bumaba ang tingin ko sa sahig.

"I'm o-okay... I think I just need to go in comfort room." Tumaas ang kilay nila sa sinabi ko. Kahit ako ay nabigla sa aking sinabi pero wala na akong alam na palusot.

"Seriously?" Natatawang sabi ni Leigh. Umiwas ako ng tingin.

Napatingin naman ako kay Melissa na ngayon nakangiti saakin.

"You're in shock. Your face was pale earlier and shaking to death. Your eyes changed to amber." Sabi niya kaya umiwas ako ng tingin.

"Natatae ka ba o ano?" Inis na sabi ni Keidon kaya sinamaan siya ng tingin ni Avianna. Nag buntong hininga na lang si Zaryl.

Bumaling ako kay Melissa tsaka ngumiti.

"S-salamat..." Mahinang usal ko. Ngumiti naman ito.

"You're welcome, ate. I think you need to rest, you pushed yourself too much for this work." Sabi niya.

"She's right, Eisha. Mag pahinga ka muna, kami na bahala dito. Hindi kami titigil hanggang hindi natin malalaman kung sino ang pasimuno ng lahat ng ito." Sabi ni Zaryl. Lahat kami tumango.

"Punta lang ako sa comfort room." Sabi ko. Tinignan naman nila ako tsaka tumango. Kahit nahihilo ay nagawa ko pa rin lumakad.

Napahawak ako sa pader nang maramdaman ko na matutumba ako. Parang pipikit ang mga mata ko na hindi ko malaman kung bakit.

"Eisha!"

Matutumba na sana ako nang may sumalo na agad saakin. Mula sa likuran ay nagawa niya ipalupot ang kaniyang braso sa aking bewang. Napasandal ako sa matipunong dibdib niya.

"Tell me where it hurts, I will take the pain away. And please, don't hesitate to call my name, it made for you to call me anytime." Natigilan ako sa bulong ni Keidon.

Tumaas ang balahibo ko nang maramdaman ang hininga niya sa aking leeg. Hindi ko magawa mag-react dahil sa pang hihina. Kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya, parang may humaplos sa aking puso dahil don.

"K-kaya ko na... Bitawan mo na ako." Nanghihina kong sabi.

"Minsan ang sarap mong batukan dahil sa katigasan ng ulo mo, alam mo ba yon? Kapag ako nainis, ikukulong kita sa kwarto ko--"

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon