Chapter 65

19.7K 687 330
                                        

Dahil sa nakakatakot na eksena na iyon, pina-una na ako ni Persephone pumunta sa kaniyang templo. Ginabayan ako ng nga taga-bantay niya na hindi ko na rin mabilang sa aking daliri sa dami.

Nakaroon sila ng pagpupulong. Habang nasa silid ako, pumasok ang mga alipin ni Persephone para ayusan ako. Bigla ako nagtaka kung bakit. Pinasuot nila ako ng mahaba na Peplos dress na may shawl na nagsisimula sa aking balikat pababa sa aking paanan. May makulay na telang manipis rin na parang kapa sa aking likod.

It's white in the upper part of the dress and light blue at the end of the dress. They fixed my hair and made it into a stylish bun. And I have this gold belt around my small waist and bracelets hanging in my wrists.

Nakatulala lang ako habang inaayusan nila ang mukha ko. Hindi ko napigilan ngumiti dahil makakabalik na ako sa mundo ko, makakabalik na ako kay Hadrian.

Hindi ko inaasahan ang lahat na ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari.

Kahit gusto ko agad bumalik sa mundo namin pero kailangan ko manatili dito hanggang tatlong araw. Mabuti na lang ay hanggang bukas na lang ako at makakauwi na ako.

Binanggit ni Persephone sa akin kapag umuwi ako ngayong araw sa amin hindi ako tatanggapin ng katawan ko na  nakahilata ngayon sa kama ng hospital. At kapag lumampas naman ako ng tatlong araw baka tuluyan ng manghina ang katawan ko sa hospital at hindi na ako makabalik pa.

At ngayon imbes na nagpapahinga na ako para makapag handa sa pag-alis ko bukas, biglang may pumasok na sampung mga babae sa silid ko para ayusan ako. Ilang beses ko na sila tinatanong kung ano meron pero tanging tingin lang ang binibigay nilang sagot sa akin.

"Aftoí eínai edó." Pag-aanunsyo ng lalaki nang pumasok siya sa silid ko. Kumunot ang noo ko. Sinong sinasabi niya na nandito na?

Tumayo ako at inalalayan pa ng mga alipin kaya marahan ako napailing para sabihin na kaya ko na. Pagpunta ko sa labas nagulat ako nang makita ang mga Olympians na nasa harapan ko.

Napaatras ako dahil sa gulat. Parang gusto ata bumalik ulit sa silid.

Bahagya ako yumuko.

"G-greetings, my lords..." Bati ko habang nakayuko.

Kinakabahan akong sumilip sa kanila. Nakahinga ako nang maluwag na makitang ngumiti sila ng tipid maliban sa babae kanina na naglabas ng emosyon sa akin, ang lapad ng ngiti nito habang nakahawak ang kamay sa isa't isa.

Lalapit sana sila sa akin pero agad may nagsalita sa kanilang likuran at hinawi sila papaalis. Nagulat ako nang makita ang seryoso at malungkot na mukha ni Persephone.

"Ti synévi? eísai kalá?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

(Trans: What happened? Are you alright?)

Napabuntong hininga siya kaya kumunot ang noo ko. Tumingin muna siya sa mga kasama niya at tumango bago ako hinila papalayo sa kanila. Bakit pakiramdam ko may masamang balita siya sasabihin?

"We discussed about your punishment in our meeting and we decided--"

"Mamatay ako, Persephone? B-babalik ulit ako doon?" Nagsimula na manginig ang kamay ko. Ayoko na bumalik doon.

Nagulat siya sa sinabi ko. Bahagya siya umiling.

"No! No, Child. Since we saved you from the death punishment, we decided to take your power as my Mythian. I mean all of you even your friends. You will live as a normal people. Y-you will quit as Mythians..." Seryosong sabi niya.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon