FLASHBACK
"So paano tayo makakapasok sa venue? Don't tell me mag ge-gatecrash tayo?" Tanong ni Avianna.
Napaisip bigla kami sa tanong niya. Tama siya, bago kami makakapasok? Hindi naman pwede sumugod agad kami, mas mapapahamak kami ng wala sa oras.
Siguradong hihigpitan ni Rolando ang security sa lugar na iyon lalo na mayayaman na tao at may mga pwesto sa gobyerno ang dadalo.
"Bakit hindi na lang po tayo magpanggap bilang chef?" Suggest naman ni Hestia.
Dionysus frowned because of what she have said. Gumuhit ang ngisi sa labi ni Dionysus, mukhang may idea na.
"Alam ko na--"
"No thanks, another suggestion?" Natawa ako bigla nang pinigilan na agad ni Leigh magsalita si Dionysus.
Napanguso si Dionysus dahil sa inakto ng ate Leigh niya. Pumadyak ito sa lapag kaya inosente siya tinignan ni Hestia.
"My gosh, he is acting like a child more than Hestia." Reklamo ni Artemis. Tumango ako bilang sang-ayon.
"Kaya nga nagkakasundo sila ni Keidon, parehong isip bata." Sabat naman ni Zaryl kaya sumama bigla ang mukha ni Keidon sa narinig.
"Hoy narinig ko 'yon!" Sigaw ni Keidon kaya napailing na lang kami.
"Just listen to me! Promise hindi kayo ma-didisappoint!" Pangungulit ni Dionysus.
Sisinghalan pa sana siya ni Leigh nang pinigilan ko na siya.
"Let's hear it. Wala naman masama kung pakikinggan natin." Ngiting sabi ko kay Leigh. Umirap ito at umupo ulit.
Lumawak ang ngiti ni Dionysus dahil doon. Nagulat kami umubo ito at pormal na pumunta sa harapan namin.
"Ladies and gentlemen, you will disguise as dancers of the day."
Lahat ay napapikit sa sinabi niya. Habang ako naman ay tumagilid ang ulo. Dancer?
"Pinagloloko mo ba kami?" Biglang sabi ni Keidon.
"Look, kapag nagpanggap kayo bilang dancers maaari tayo pumasok sa venue. Pwede rin natin takpan ang mukha natin dahil dancers nga tayo, kunwari cool." Paagdagdag niya.
Napahawak ako sa baba at iniisip ang suggestion niya. It sounds fine to me. Pero ang problema, paano mo mapipilit ang mga ito sumayaw?
"Kayo ka ng kayo kanina pa, hindi ka ba sasayaw?" Galit na sabi ni Avianna.
Pinagkrus ni Dionysus ang braso niya at ngumiti.
"Only 9 of you ang sasayaw!"
Nahulog ang panga namin sa sinabi niya. Isa isa niya kami tinuro nina Keidon, Avianna, Zaryl, Athaleigh, at Hadrian.
Dahil sa sinabi niya napahalakhak si Delian nang napakalakas habang nakaturo kay Hadrian na nakabusangot ang mukha. Si Artemis naman ay nakasimangot.
"That will never fucking happen, kid." Nakakatakot na sabi ni Hadrian sa kaniya pero hindi nagpatinag si Dionysus.
"Dali na kuya! Napaka-kj mo naman!" Natawa ako nang hinihila pa ni Dionysus ang braso ni Hadrian parang kumpare niya lang.
Nataranta si Avianna dahil doon, pipigilan sana siya nito pero umiling na si Zaryl bilang senyales na hayaan lang ito. Napakagat na lang sa kuko si Avianna habang pinapanood si Dionysus na kinukulit si Hadrian.
"Sige, ganyanin mo lang papayag yan promise!" Pang-uuto ni Delian sa bata.
"Talaga? Iyon pala eh, pabebe ka lang kuya dali na!" Tumawa nang malakas si Delian dahil uto uto si Dionysus.
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasyThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...
