Isang linggo na ang nakalipas. Pagod ako humiga sa sofa sa basement ng mansion ni Keidon. Pinag sabay ko ang pag aaral at pag eensayo kaya halos bumagsak ang katawan ko kanina dahil sa pagod.
Simula nung pag uusap namin ni Leigh ay nagka ayos na rin kaming lahat lalo na si Keidon.
"At last, matitikman na natin ang semester break." Sabi ni Avianna. Dahil rin sa pagod niya ay napahiga siya sa sahig kaya natawa ako. Habang si Leigh ay tahimik sa sulok nag babasa ng libro.
Malapit na kasi ang semester break kaya mabuti na lang nakapasa na ako ng mga requirements ko.
"Come on, we have training to do." Sabi ni Zaryl kaya napadyak ako sa sahig. Ganon na din si Avianna.
"Hindi ba pwede maya maya na?" Ungot nito kaya sumimangot si Keidon.
"Pwede rin naman na hindi ka na sumali, hindi ka naman kawalan." Ngumiwi pa si Keidon kaya halos umusok ang ilong ni Avianna sa galit.
Napailing na lang ako.
Tumayo ako para tawagin ang kapatid ko.
"Where are you going?" Tanong ni Zaryl habang pinupunasan ang pawis. Tinaas ko ang phone ko.
"Just checking on my sister." Nakangiti ko sabi. Tumango na lang ito.
Lumabas na ako tsaka tinawagan ang kapatid ko. Pagsagot nito, narinig ko ang sigawan ng mga magulang ko kaya kumabog ang dibdib ko.
"H-hello ate?" Tanong ni Patricia.
"Patricia! Ayos lang ba kayo? Nag aaway na naman ba sila?" Tanong ko.
"Oo, ate. Tungkol sa trabaho naman, lahat ng bagay na lang pinapag awayan nila." Sabi niya at nag buntong hininga kaya hinawakan ko ang noo ko.
"Kailangan niyo ba ako? Uuwi na ako kung gusto mo."
"Hindi na ate! Kaya ko na ito. Sige, ibababa ko na. May pinapautos si papa." Sabi nito kaya kumirot ang dibdib ko.
"Oh sige, hindi ako mag tatagal dito."
"Sige ate," sabi nito sabay patay ng linya.
Napaupo na lang ako sa bench dahil sa panghihina. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito. Habang tumatagal, mas lalo lumalala ang pag aaway nila.
Kapag nag aaway sila ay minsan dumadating sa punto ng hiwalayan kaya iyon ang kinatatakutan ko. Hindi ko alam kung ano ang maaari kong gawin para hindi na sila mag talo.
"How's the life, my little Persephone?" Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na iyon.
Nakita ko si Hades na nakatayo sa aking harapan. Naka pamulsa ito habang nakatingin sa akin. Napatayo ako at umatras dahil sa takot.
"A-ano ginagawa mo dito?" Nanginginig ang aking boses nang sabihin iyon.
"Hmm, I was just wondering if your training doing well." Sabi niya kaya mas lalo ako nagtaka.
Naglakad siya palapit sa akin kaya hindi ako nakagalaw. Ito ba ang sinasabi ni Leigh? Ang bond naming dalawa?
Bakit hindi ko kayang lumayo sa kaniya ngayon? Parang mas lalo ako nilalapit ng katawan ko sa kaniya.
Tinaas niya ang baba ko kaya tumama ang tingin namin sa isa't isa. Natigilan ako nang bigla nag bago ang mga mata niya, ganon na din ako.
Hinahabol ko ang hininga ko habang nakatingin sa kaniya. Nanghina ang tuhod ko dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Ang lakas ng epekto niya sa akin.
"Are you ready to kill me?"
Napatitig ako sa kaniyang mukha. Makinis ang mukha nito, maging ang pilik mata nito ay mahahaba, matangos ang ilong, at mapupulang labi na kanina ko pa tinitignan.
![](https://img.wattpad.com/cover/214778594-288-k894482.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasíaThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...