Chapter 40

23.5K 645 242
                                        

Nagising ako dahil sa maingay na sigawan na aking naririnig. Bumangon agad ako habang hinahabol ang hininga. Nataranta ako nang makita nasa kotse ako pero nakabukas ang pinto.

"She's awake!"

Napahawak ako sa aking ulo dahil sa sakit na nararamdaman. Nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Leigh sa aking harapan.

Nanggilid agad ang mga luha ko nang makita silang ligtas. Akala ko ay nawala na talaga sila. Sinugod ako ng yakap ni Avianna kaya napasandal ulit ako.

"I thought we lost you! Ano ba ginagawa mo sa loob?!" Sermon niya kaya natigilan ako.

"A-akala ko ay nasa loob pa rin kayo. Natakot ako na baka hindi ko na kayo makita..." Nakayuko kong sabi.

"W-what?! We were already in outside, Eisha! Niligtas agad kami ng isang tauhan ni Hades na nangangalan na si Axen." Kwento niya.

"Are you getting yourself killed? If that's the case then lend me the knife, I will kill you now!" Napapikit ako sa sermon ni Leigh.

"I was just scared and terrified, okay? Takot na takot ako sa mga oras na iyon kaya imbes comfort niyo ang makuha ko ay mga sermon naman ang bumungad sa akin..."

Napa-tsk sila dahil sa aking sinabi. Pero alam ko na-kosensya sila dahil sa aking sinabi.

"Ano ayos ka na?" Sabi ni Leigh habang inaayos ang benda sa aking braso.

Tumango na lang ako. Ayos lang naman ang pakiramdam ko pero mahapdi pa rin ang sugat sa braso ko at sumisikip ang dibdib at lalamunan ko dahil sa usok kanina.

Naalala ko bigla si Hadrian. Kung nandito sila ibig sabihin ay nandito rin si Hadrian!

"S-si Hadrian?! Nasaan siya?" Natataranta kong tanong.

Nagtinginan sila at sabay nagbuntong hininga kaya tumaas ang kilay ko. May nangyari ba kaya ganiyan ang reaksyon nila?

"Relax, he's fine." Sabi ni Avianna.

"Bakit hindi siya pumunta dito? Hindi niya man lang ako hinintay magising..."

"Hades is mad right now. Ayaw ka niya kausapin muna. Mukhang papatay na nga ng tao kanina eh." Sabi ni Leigh at napangiwi.

Galit? Inano ko na naman ba siya? Siya nga yung wala sa tabi ko ngayon eh. Hindi niya ba alam yung takot ko kanina? Halos ikamatay ko iyon dahil sa pag aalala.

"Nasaan siya?"

Sinubukan ko tumayo. Humarang agad sina Avianna sa harapan ko kaya kumunot ang noo ko.

"Magpahinga ka nga muna. Pagkatapos mo magpaka-bayani kanina susugod ka na naman ulit?" Inis na sabi ni Leigh.

Magsasalita na sana ako nang may narinig akong sigaw.

"Fuck! He escaped!"

Nagtinginan kami lahat dahil sa sigaw ni Keidon. Hindi na nila ako pinigilan sa pagpunta doon sa lugar nila Keidon dahil rin sa taranta nila.

Nagulat ako nang makita ang mga nakaparadang kotse. Ang mga tauhan ni Hadrian ay nakakalat na rin. Nakapwesto rin ito sa tabi ni Hadrian.

Parang may pagpupulong sila doon na hindi man lang ako inimbitahan. Nakalimutan ko na nahimatay nga pala ako tss.

Lahat sila ay nagkakagulo na. Nakita ko ang pagkilos nilang lahat. Salubong ang kilay ni Keidon at nagmumura na.

"Ano nangyayari?!" Tanong ni Avianna.

"That bastard escaped, that's what happened!" Galit na tugon ni Keidon.

Nagtataka ko tinignan si Leigh. Agad niya naman naintindihan.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon