"Come on, answer the damn phone!"
Kanina pa ako nangangalaiti sa galit dahil hindi nila sinasagot ang tawag ko. Nakapatay ang cellphone ni Keidon, busy ang linya ni Leigh at ganon na din si Zaryl.
Napahampas ako sa manibela dahil sa inis, sumabay pa ang traffic sa kalsada. Kumakabog nang mabilis ang dibdib ko. Hindi nila alam na nasa tabi lang nila si Medusa!
"Shit..." Napangiwi ako nang may makasalubong ako grupo ng mga pulis sa kanto.
Mabilis ko niliko ang kotse. Nakahinga ako nang maluwag nang sumagot si Hadrian sa tawag ko.
"H-hadrian!"
"Eisha? Are you alright?" Alalang-alala ang boses nito. Narinig ko ang pagtayo niya sa linya.
"I found her!" Habol hininga ako habang nagmamaneho.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Ang galit at lungkot ay bumabalot sa buong sistema ko. Pakiramdam ko ay hindi ko na ito mapipigilan.
"Calm down, woman. Who are you talking about? Wait, are you driving?" bumuntong hininga ako bago nagsalita.
"I found Medusa, Hadrian. I need backup. We need to get her before she escape. Nasa mansion siya ni Keidon ngayon." Seryoso kong sabi.
"Damn it. I'll send my chopper and men, let's just see each other there, okay?" Mukhang nagmamadali na rin siya. Naririnig ko rin ang mga boses ng mga tauhan niya sa linya.
Hindi na ako sumagot at pinatay na ang tawag. Dahil sa galit ay binilisan ko pa lalo ang pagtakbo ng kotse.
Sumisikip ang dibdib ko kapag iniisip na si Melissa iyon. Ang lahat ng pagsasama namin ay pakunwari lamang, ang batang tinuring ko na bilang kapatid ay kalaban pala.
Ang unang tao na tinanggap namin bilang miyembro ng pamilya ay isang masamang nilalang!
Mabilis ko ulit kinuha ang cellphone ko. Tinawag ko ang numero ni Avianna, siya na lang hindi ko pa natatawagan.
"Sumagot ka please..." Kinakabahan ako na baka may nangyari na masama sa loob ng bahay ni Keidon. Baka mahuli na ako.
"Thank goodness! You answered!" Lumiwanag mukha ko nang sinagot niya ang tawag.
"H-hello po ate?" Kumunot ang noo ko dahil imbes na si Avianna ang marinig ko ay ang boses ni Aideen ang sumalubong sa akin.
"Aideen, nasaan sila? Si ate Avianna mo nasaan? Yung iba?" Natataranta kong tanong habang nagmamaneho.
"Uhh, natutulog po si ate Avianna sa sofa. Sina kuya naman po nasa dining room nagkwekwentuhan po kasama si ate Melissa." Napapikit ako nang mariin dahil sa sinabi ni Aideen.
"Bakit hindi ka nila sinama sa dining room?" Tanong ko.
"Ano po kasi... Nag-iinuman po sila, wine po ata. Bawal daw po ako doon kaya binantayan na lang ako ni ate Avianna."
Halos matawag ko na ang lahat ng Santo. May gana pa sila uminom sa ganitong sitwasyon? Halos magbuwis buhay ako sa labas dahil sa kagawan ni Rolando. They should've known better.
At si Medusa, kahit anong oras ay pwede sila niya kitilan ng buhay. Ang kapahamakan ay mismo nasa tabi lang nila!
"Aideen, listen to me okay?" Niliko ko ulit ang sasakyan at dumaan sa shortcut.
"S-sige po..." Mukhang kinakabahan na rin si Aideen sa sasabihin ko.
"Lock all the doors including the back door of that mansion. Kahit ang pinto sa kusina ay isarado mo. Kahit ang mga bintana kung kaya mo isarado, gawin mo." Seryoso kong sabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/214778594-288-k894482.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasiaThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...