Chapter 57

16.5K 543 63
                                        

"Nakikita ko na sila, boss." Natigilan kaming lahat sa narinig namin. Nakita ko agad ang isang bodyguard mula sa kalayuan na masamang nakatingin sa amin.

Nanatili kami kalmado. Nakapirmi lang kami sa isang tabi habang pinapanood ang mga kilos ng mga tao na nakapaligid sa amin. Nairita ako sa tingin ng bodyguard kaya sinamaan ko rin ito ng tingin.

Nahalataan iyon ni Avianna kaya tinapik ako nito.

"Hey, stop it." Bulong niya kaya natauhan ako at umiwas ng tingin. Napatingin tuloy sa gawi namin si Leigh kaya kami naman ang kinabahan ni Avianna.

"Ano na naman 'yon?" Parang ba sanay sanay na si Leigh sa kalokohan naming dalawa ni Avianna.

Napalunok kami. Si Leigh talaga ang laging sumasaway sa amin noon pa man, nakakatakot pa naman ito magalit kapag nahuhuli kami may ginagawang kalokohan. Parang siya ang nanay sa aming tatlo nila Avianna.

Napatingin siya sa bodyguard. Sumeryoso ang mukha nito at pinatunog ang leeg dahil sa galit.

"Don't worry, they can't attack us. We can still move." Leigh's right, we're in the middle of event. Hindi din sila maaari gumawa ng kilos dahil maraming tao.

"Let's split up." Mariin na sabi ni Zaryl. Tumango na lang ako at lumayo na kami sa isa't isa.

Sa dami ng mga tao na nanonood sa harapan, mahirap kami mahahanap ng mga bodyguard ni Ronaldo. Sumiksik ako sa mga tao at pinanood ang nangyayari sa harapan.

"I'm so grateful to have you all here. Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa, I want to tell you all the point of this event." Nanginginig ang kamay nito habang hawak ang mic.

Halatang natataranta ito nang makita wala na kami sa gilid. Nagtago ako sa likuran ng tao na nasa harapan ko habang mahigpit na hawak ang baril.

"To all my viewers from national and international, I want to tell you that this country is in crisis. I want to communicate all of you by this announcement and to warn you that this country will be in under attack."

Kinasa ko agad ang baril ko dahil sa galit. Bigla ako nawala sa sarili ko. Lalabas sana ako sa pinagtataguan ko nang may pumigil sa akin.

"Don't Persephone, we will be in danger. Magtiis ka muna!" Narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Apollo.

Damn it!

"There's a group of people who are currently threatening our country! People that extraordinary dangerous and murderers! And the moment from now they will attack us." Dahil sa sinabi niya nakaroon na kaguluhan sa loob ng venue.

Tangina mo! Sinungaling!

"And these people had supernatural ability to bring us down. The news that you watch from your TV is real and terrifying case that I ever held in my entire life. They're not humans, they're not from here! they're Myth--"

Bago niya pa maituloy ay hinawi ko na ang mga tao sa aking harapan at Nagpaputok na ng baril.

"Oh my gosh! What's happening?!"

"Nandito na sila! Papatayin nila tayo!"

"Umalis na tayo!"

Tumama ang mga mata namin ni Rolando sa isa't isa. Umigting ako ng panga at kinasa ulit ang baril bago tinutok ulit iyon sa kaniya. Nananaliksik ang aking mga mata habang mariin ang hawak sa baril.

"Sige, ituloy mo. Tignan natin hindi sumabog 'yang bungo mo." Mariin kong sabi kaya napaatras ito sa takot.

"Guards! Where's the fucking guards?!" Sigaw ng isang assistant niyang lalaki.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon